148. HINDI KITA GUSTO KITA, GINOO

196 0 0
                                    

"Totoo nga ang kasabihan nila na;
Saka mo lang makikita ang halaga nang isang tao kapag wala na sila sa tabi mo."

Ang sabi ko noon, malabo na magustuhan ko ang katulad mo
Sapagkat wala sa'yo ang mga katangian na hinahanap ko
Maging sa hindi ikaw ang pinapangarap kong Ginoo
Aaminin kong wala akong nararamdaman para sa'yo.

Kahit ikaw ay matagal kong pagmasdan
Wala man lang akong katiting na maramdaman
Kahit sa sandaling ang iyong kamay ay pasadya kong hawakan
Wala man lang bumabalot na kuryente sa aking katawan.

Kita ko ang saya at kilig sa iyong mga mata
Sa tuwing ang lahat ay inaasar tayong dalawa
Sa tuwing ang mga kaibigan nati'y tinutukso tayo sa isa't isa
Ngunit pasensya ka na kung ang nararamdaman natin ay hindi tugma.

Ayoko namang sambitin sa'yo ang katagang 'gusto rin kita'
Dahil lang sa kadahilanang ayokong makitang nasasaktan ka
Lolokohin ko lang ang sarili ko dahil talagang taliwas ang ating nadarama
Pasensya ka na kung ang nararamdaman natin ay magka iba.

Kaya kahit mahirap, ito'y aking aaminin
Na sadyang hindi talaga magkatugma ang ating damdamin
Inaasahan ko na ang pag-iwas na iyong gagawin
At ang lahat ng nakasanayan ko sayo'y biglang nag iba ang ihip ng hangin.

Kasabay ng paglayo mo ay ang kakaibang naramdaman ko
Ang makitang may kasama kang iba, naiinis ako
Ang makitang masaya ka iba, iba ang dating nito
Na nagbibigay kirot sa aking puso.

Inobserbahan ko ang sarili ko
Na tuluyang sa aki'y nagpalito
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito
Bakit parang kinain ko ang mga salita ko?

Sa mga nagdaang linggo na hindi mo na ako pinapansin
Hindi ko alam kung bakit malaking bagay ito para sa' kin
Na kung dati ay wala naman akong pakealam sa'yo
Hindi ko alam kung bakit ngayon ayaw ko sa nararamdaman ko.

Ngayon, kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko
Saka naman ako nawalan ng puwang dyan sa puso mo
Saka ko lang napagtantong may nararamdaman pala ako sa'yo
Kung kailan, nalaman kong may iba ka nang ginugusto.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon