119. BAKIT DAW AKO, SINGLE?

145 2 0
                                    

BAKIT DAW AKO, SINGLE?

Bakit ako single?
Edi, tanong mo sa google!

Kaway-kaway sa mga single diyan
Itaas ang mga kamay, huwag mong ikahihiya 'yan
Masaya ang maging single, hindi ka masasaktan
Kesa naman sa mga may bebe diyan
-na puro sakit lang ng ulo ang mararanasan.

Sinong 'No Boyfriend Since Birth' katulad ko?
Wag kang mag alala dahil marami pa tayo
Hindi lang ikaw ang walang bebe dito sa mundo
Teka, bebe? Naghahanap ka ba ng ikakasakit ng puso mo?

Mas masaya kaya kapag single, di ba?
Huwag kang hihindi, kung ayaw mong masaktan ha!
Kung single ka, dapat ipagmalaki mo iyon sa iba
Huwag mong iisipin na napaghuhulihan ka na.

Masyado mo bang pinoproblemang wala kang jowa?
O baka naman napupuno ka lang ng inggit sa iba?
Iniisip mo siguro na 'bakit sila merong jowa tapos ako wala?'
Bakit? Jowang jowa ka na ba? HAHAHAHAHA.

Eh ano naman kung single ka? Ikamamatay mo ba?
Hindi mo kailangan niyan, kaya mong mag isa
At ako, hindi ko kailangan ng jowa dahil marami akong mga tropa
Jowa? No thanks! Mga ka—PLUMA ko pa lang sapat na!

Bakit daw ako single, tanong sa' kin ng karamihan
Sagot ko 'Bakit? Ikayayaman ko ba 'yan?'
Bakit ba parang mas problemado pa sila na wala akong kasintahan?
Eh ako nga hindi ko pinoproblema 'yan!

Hindi natin kailangan ng ka holding hands;
Kapag maglalakad tayo sa kalye
Hindi natin kailangan ng kayakap;
Sa tuwing manonood tayo ng sine

Hindi mo naman kasi kailangan ng jowa
Para lang masabi mong masaya ka
Para lang masabi mong hindi ka napaghuhulihan ng iba
Kung tutuusin nga, mas masaya pang maging single kesa taken di ba?

Kase kapag single ka, hindi ka masasaktan
Ang pag-iyak at pagdusa ay hindi natin mararanasan
Malayo tayo sa posibleng, baka masaktan tayo sa maraming paraan
Masyado ng matinik ang pag-ibig kung saan kailangan mo talagang lumaban.

Hindi ko kailangan ng jowa
Dahil marami akong asawa!
Ngunit sila ay mga fictional character

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon