60. MAHAL KITA, KAYA LANG

309 2 0
                                    

MAHAL KITA, KAYA LANG

Sa estado ba ng buhay dapat tumingin?
Doon ba dapat bumase kung sino ang nararapat mahalin?
Isa tayo sa kwentong magka iba ang estado sa buhay
Kung kaya't ang lahat ay pilit tayong pinaghihiwalay.

Mahal kita na humihigit pa sa sarili ko
Mahal kita at hahamakin ang lahat para sa'yo
Mahal kita at ipaglalaban ka hanggang dulo
Mahal kita ngunit hindi pala iyon sapat sa paningin ng mga tao.

Hindi ko sila maintindihan
Kung bakit nila tayo hinahadlangan
Kung bakit pilit nila tayong pinaglalayo
At kung bakit ayaw sa akin ng mga magulang mo para sa'yo.

Alam naman natin ang pinaka dahilan
Dahilan na sadyang hindi naman makatarungan
Dahil lang ba sa mahirap ako at ikaw ay mayaman?
Hindi ba pwedeng saksi nito ang ating pagmamahalan?

Nangako ka na lalaban tayo pareho
Na babalewalain natin ang sinasabi ng mga tao
Sa kanila'y hindi tayo papa-apekto
Ilalaban kita sa mga magulang mo.

Patutunayan ko;
Na mabuti ang intensyon ko sa'yo
Na mahal kitang totoo
Balang araw, makukuha ko rin
ang tiwala ng mga taong nagmamahal sa'yo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon