89. Sana, ako na lang siya

167 3 0
                                    

89. Sana, ako na lang siya

Para akong ibon na nakakulong sa isang hawla
tipong may daan naman palabas pero hindi pa rin makawala
alam ko naman na may iba kang sinisinta
ako lang itong mag isa na minamahal ka
wala ka rin namang motibo na pinapakita
ako lang itong mag isa na umaasa.

Nakakatawa, ano?
minamahal kitang puró at sigurado
na kahit alam kong masasaktan ako
pinagpapatuloy ko pa rin itong pag-ibig ko sa iyo.

Pero alam mo,
maniwala ka sa hindi, ilang beses ko itong pinipigilan
humahanap ako ng mga paraan
para mawala itong aking nararamdaman
kasi alam kong sa huli, ako rin ang mahihirapan.

Alam mo bang;
ilang beses kong sinabing ayoko na
ilang beses kong pinangako na tama na
ilang beses kong tinatak sa isip kong hindi na ako aasa
ilang beses kong pinaulit ulit sa utak kong may mahal ka ng iba.

At may pagkakataon pa nga
na nagsabi ako kay Bathala
na sana, sana ako na lang siya
ako na lang ‘yong babaeng mahal mo ng sobra.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon