CHAPTER 44: Home Service

23.9K 491 77
                                    



***********

Kanina pa chine-check ni Kathryn ang kanyang wristwatch. Naka-ilang tawag na kasi sa kanya ang OB para masimulan ang kanyang 4D pero hindi pa sya makapasok dahil hinihintay pa rin nya ang asawa kahit na halos dalawang oras na ang nakakaraan nang huli itong mag-reply sa text nya. Sinubukan nyang tawagan ngunit out of coverage area naman na.

'Kath, are you ready na?' Her OB poked her head out from the door of the clinic and asked.

'Ahm, Ninang Doc, pwede 10 minutes pa po? Wala pa po kasi si DJ e.'

'Sige hija, maghintay na lang tayo uli. Kaso, by 3PM, I have to leave na kasi may schedule pa ko sa kabilang ospital.'

Kath then looked at her watch again. It was already 2:25.

'Sige po Ninang Doc.'

'Gusto mo ba, dito ka na lang sa loob maghintay kay DJ?'

Umiling si Kath at ngumiti.

'Dito na lang po Ninang.'

'Pero mag-isa ka dyan.'

'Ok lang po.' And she smiled again.

**********

'Mama Min, si Kath po?' Humahangos na tanong ni DJ sa biyenan pagkarating na pagkarating nito sa bahay.

'Nasa taas. Matutulog daw muna. Napagod daw kasi.' Min answered her son-in-law in a cold manner.

Hindi na naghintay ng ilan pang segundo si DJ at agad na umakyat na ito.

'Ba...' Malambing na bulong ni DJ matapos nitong lumuhod sa side kung saan nakatalikod si Kathryn. Hinalikan nya ang sintido nito ng paulit-ulit.

Nagmulat ng mata si Kathryn at walang salitang nilingon ang asawa.

'I'm sorry.' Hinalikan muli ni DJ ang sintido ni Kath. 'Hindi kasi ako pinayagan ni Direk na umalis ng maaga. Sorry talaga...' Paghingi nya ng paumanhin.

It was Kathryn's scheduled 4D ultrasound. Dun na din nila malalaman kung anong gender ng magiging baby nila. 2 weeks before ay napag-usapan na nilang magkasama silang pupunta sa OB niya. Pero dahil nagsimula na ang shooting ng movie ni DJ, nauna na si Kath sa ospital. Nangako si DJ na magpapaalam ito sa production ng pelikula at susunod na lang. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Gaya ng pagpunta ni Kath sa ospital, nagpa-drive na lang sya uli kay Mang Mar para makauwi nang nag-iisa.

'Kath, please... Sorry na talaga.' Paulit- ulit ang paghingi ni DJ ng paumanhin.

Hindi pa rin nagsalita si Kath. She sat up from the bed and reached for her bag inside the drawer of their bedside table. Iniabot nya kay DJ ang ilang pirasong papel which turned out to be as pictures. The 4D images of their second baby.

The last picture shows a blurred figure of a fetus with an arrow and captioned: BOY.

Napatingin si DJ sa asawa na nakahiga na muli, her back facing him.

***********

DJ opened his eyes as he felt light touches on his cheek. He saw Kath with eyes opened as well. Inabot ni DJ ang kamay ng asawa at hinalikan iyon.

'Ba... I'm sorry.' He said, misty eyes.

'Sorry din.' And then she began crying.

'Ay shet.' He scooted closer to her and brought her to his arms. 'Wag na umiyak Babe. Sorry na. Sorry na talaga.'

'Lalaki si Chandri.' She sobbed.

'Ha?'

'Boy pa rin.' At humikbi na naman sya. 'Bakit parati na lang boy? Ang daya daya.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon