CHAPTER 33: Back To Square One

30.6K 581 120
                                    


**********

INSTASCOOP

Daniel Padilla Proves That his Marriage With Kathryn is Still Solid Amidst Intrigues

PHOTO: Close up shot of sleeping Kathryn and Danilo.
CAPTION: agentyellow Araw araw ko kayong ipagpapasalamat sa Diyos. Kinukumpleto nyo ang buhay ko. Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo.

Photo courtesy of agentyellow IG

COMMENTS:

*There's no intrigue naman to begin with.

-Sure ka dyan ate?

-Bakla! Hindi magpo-post ng ganyan si Padilla kung walang pinagtatakpan.

-Truth anon above. Dyan magaling camp nya e. Damage control. Hawa hawa lang yan.

*Whatever this young family has gone through, I hope that they were able to emerge from it more solid than before.

-Baket? Plasma ba sila dati?

-Ay shunga! More solid than before nga e. Syempre 'solid' lang sila dati. Aralin kase ang English lessons teh! Nagpaka-scientific ka pa ha? Haha

*I wish this family the stregnth that they need to last forever.

-Strenght

-Dapat 'More Power' na lang ni-comment mo anon! Nahirapan ka pa sa pag-spell.

*Kapitbahay ko sila sa Tagaytay. Di ko na sila nakikita dun sa bahay nila dun. Wala na ring nagbubukas ng ilaw pag gabi. Pati yung mga kotse nila sa garahe, wala na din.

-OMG! Happy Halloween!

-Baka naman lumipat na sila?

-You have the making of a future stalker anon Tagaytay neighbor. Keep it up.

-Sa bahay na ng mga Bernardo sila uli. Was biking around the village when I saw them one afternoon na naglalakad. Karga ni DJ yung baby nila while Kath was walking a white dog. They seem so happy naman.

-Ah, so balik Bernardos pala. Alam na. #UnderProbation

*Kung nagkaroon man sila ng problema, I'm happy they were able to overcome it.

*Love is sweeter than the second time around.

-So mas sweet talaga pag third or first.

-Baka 'Love is sweeter the second time around.' Hahaha

*I'm just here for the comments. Grabs popcorn.

*This kid is trying very hard to remain relevant. Fact remains that he's a jerk.

-Hater!

-Fantard! Bulag sa katotohanan!

*Yup. Still here just for the comments. Sits on lazy-boy.

*********

'Gising na, mahal kong asawa.' Bulong ni DJ sa tenga ni Kathryn isang umaga. Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang muli silang magsama ni Kathryn. Maluwag na tinanggap ni DJ na sa bahay ng mga Bernardo na lang muli sila mamalagi. Kahit ano nga yatang hilingin sa kanya ng asawa ngayon ay ibibigay nya.

Halos mapuno na nga ang kwarto nila ng mga shoeboxes dahil araw araw ay binibigyan nya ito ng sapatos. Kung hindi man nya gigisingin sa umaga ay sa pag-uwi naman nila sa madaling araw pagkagaling ni Kathryn ng taping. Wala nang masyadong schedule si DJ kaya naman ay halos magsilbing PA na rin sya ng asawa dahil hindi sya nawawala sa tabi nito kahit saan magpunta. Wala syang pakealam kung makarinig sya ng komentong 'under' sya o 'overprotective' sya kay Kathryn. Basta alam nya ay iyon ang kaya nyang gawin para maiparamdam kay Kathryn lahat ng pagkukulang nya bilang mister nito. Nako- control na rin nya ang sarili nya sa pagiging seloso. Kamakailan nga ay may kinuhanang isang eksena kung saan kung ang dating Daniel Padilla ang makakakita nito ay malamang ay napadugo na niya ang nguso ng isang Dominic Roque.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon