CHAPTER 35: Best Birthday Gift Ever

29.7K 581 128
                                    


*********

'Ba...' DJ called at Kathryn habang nakahiga ito sa kanyang kama sa loob ng kanyang hospital room.

'Hmm?'

He laid his head on her shoulder and smiled naughtily.

'Alam mo yung mga napapanood natin sa mga Hollywood movies dati? Yung mag-asawa, may naughty time kung saan saan tapos may isa, dun sa hospi-- ARAY!' Bago pa man natapos ni DJ ang sasabihin ay napingot na agad ni Kathryn ang tenga nya.

'Umayos ka nga. Umuwi lang sandali si Mama, kung ano ano na namang kalokohan pinagsasasabi mo dyan.' She scolded him, however, smiling. 'Ipakuha kaya natin si Danilo?'

'Wag na. Baka makasagap pa ng sakit dito si Pogi, mahirap na.'

'Tigilan mo nga ang pagtawag kay Danilo ng Pogi.'

'Bakit? E pogi ang anak natin?'

'Parang naka- tambay lang kayo sa kanto. Ayoko ng ganun.'

'So anong gusto mo? DanDan? Pag nasanay tayo nyan, kahit tumanda na sya, dadalhin nya yang nickname na yan. Baka ma-bully pa sya sa school no.' Paliwanag ni DJ.

'Subukan lang nila i-bully ang anak ko. Naku! Susugudin ko sila. Makikipag-away taga ako.'

'O, sinong palengkera ngayon?'

'Iba ang palengkera sa protective. Baket? Kung magka-baby tayo ng babae tapos pag lumaki sya, niligawan sya, nagkaboyfriend sya tapos niloko sya, anong gagawin mo?'

'Aba, ipapa-salvage ko yung lalaki. Yung Mafia style. Ipapalagay ko sa loob ng drum, sesementohan at ipapatapon sa gitna ng dagat.'

Alam ni Kathryn na nagbibiro lang si DJ pero nararamdaman nyang hindi nga malayong gawin ito ng asawa. Well, siguro hindi ganun ka-morbid pero sinisigurado nyang kung magakakaroon nga sila ng anak na babae at may umagrabyado dito pag tumanda, malamang nga ay 'Lintik lang ang walang latay.' Baka nga humingi pa ito ng tulong sa iba pang Padilla para lamang bigyan ng leksyon ang lalaking yon.

'DJ...' She ran her fingers thru his hair as she calls his name.

'Ano yun, Ba?'

'I think I'm pregnant.' She told him in a very casual manner.

Agad naman napabangon si DJ mula sa pagkahimlay nito sa balikat ni Kathryn at napatingin sa asawa. Gustong matawa ni Kath nang nakita nya ang reaksyon ni DJ.

'Wag mo kong pahopia-in Kathryn. Baka sumakit ang tyan ko.'

'E di hintayin na lang natin ang doctor. Gusto mo magpustahan pa tayo?'

'Sabi mo masama makipagpustahan?'

'For fun lang!'

'At gagawin mo pang katuwaan yung baby natin? Wag ka nga.' Yumuko si DJ at itinapat sa tyan ni Kathryn ang tenga niya. 'May laman ka na ba uli?' He asked. 'Naka- 3 points na naman ba si Padilla? May baby Ford na ba uli kami?'

Napatawa si Kath sa tinuran ng asawa. Maya maya pa ay naiba naman ang ekspresyon sa mukha ni DJ.

'Bakit?' Kathryn asked him, worried.

'Kaya lang, diba sabi mo, Ayaw mo pa muna uli mag-baby?' Nag-aalalang tanong ni DJ. 'Yung teleserye mo, baka...'

'Ssshh...' Kath put a finger on DJ's lips as she smiled. 'Wala naman na tayong magagawa dun. Three pointer ka kasi e.' And she winked.

DJ smiled and kissed her lips.

'Sana makababae na tayo.'

Lalong lumuwang ang ngiti ni Kath.

'Oo nga. Para may kakampi na ako.' At umirap pa sya kay DJ pagkatapos.

********

'Nage-expect ba kayo?' Iyon ang agad na tanong sa kanila nang pumasok sa kwarto ni Kathryn ang attending physician nya.

'Po?' Kumunot ang noo ni DJ.

'Well, her tests here show that she's 5 weeks pregnant.'

Tila lumiwanag ang mukha ni DJ nang marinig ang kumpirmasyon ng doctor ni Kathryn.

'Pero to make sure, have her checked by her OB as well.' At ngumiti ito. 'Congrats sa inyo.' Inilahad nya ang kamay kay DJ at kinuha naman ito ng huli.

'Thanks po.' Kathryn smiled. 'Kelan po ako pwedeng umuwi?'

'Siguro, stay the night here na lang muna. Medyo mababa than average kasi ang blood pressure mo e. Pag tomorrow ok na, early morning pwede ka na ma-discharge.'

Ngumiti muli si DJ at inakap ang doctor.

'Salamat doc. Tatay na uli ako.'

Napatawa na lamang ang doctor ng asawa.

**********

KATH

Best Birthday Gift Ever. 🙊🎁🎉

And those 4 words without hashtag trended effortlessly as fans started to retweet and requote Kath's recent Twitter activity.

*******

TWEET SCOOP

What could be 'The Best Birthday Gift Ever' for Kathryn Bernardo- Ford?

PHOTO: An SC of Kath's tweet.

*Araw araw na yatang pinupulutan dito ang dalawang batang 'to a. Tantanan na sila. Pls. lang.

*Guessing game ba 'to? Anong price ng makakahula?

-Depende magkano bentahan mo sa palengke anon above.

*Baka naman bigay todo sa performance ang asawa. Hihi.. Ooops...

-#AlamNa #IgilingGiling

-Ano pong ibig nyong sabihin? -Pa Inosenteng Fanney

*Ang tagal pa ng birthday nya a? One month to go pa. Excited lang?

*Sana another project for her. Or a reunion project for both of them.

-Teh, pagbigyan mo na ang dalawa. Araw araw na ngang magkasama sa bahay, pati ba naman sa TV gusto mo pa rin sila?

-Bakit hindi? Or maglagay na lang sila ng camera sa bahay nila. Parang Keeping Up with the Kardashians ang peg.

-Ayaw mo ng It Take Gutz? Haha

*Kung anupaman ang natanggap nyang bday gift, mukhang masaya sya.

-Baka pinamana na sa kanya ng biyenan nyang si Carla yung mga dyamante.

-I doubt. May mga kapatid na babae si DJ no. For sure dun yun unang ipapamana before sa kanya.

-Kaya naman syang bilhan ni DJ ng sarili nyang dyamante no! Di nya kailangan ang dyamante ni Mama Carla.

-Tulog na DJ. Mas lalaki eyebags mo.

*Again. I'm just here for the comments. Hahahaha!

*Parang kahit ano na lang gawin ni Kath at DJ, nafi-feature dito. Bakit? Uhaw lang sa hits? Hahaha!

-Mas mabenta kasi ang blog na'to pag kasali sila.

-Goes to show they're still relevant.

-Relevance is equally proportional to being featured on this blog? Ep! Not...

********

***AUTHOR'S NOTE***

Late na ako. Filler lang. Haha

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon