CHAPTER 31: What Hurts The Most

30.8K 500 44
                                    


********

Iyon na marahil ang pinakamahirap na role na gagampanan ni Kathryn. Ang maging isang mabuting maybahay na nasaktan at magpanggap na walang masamang nangyayari sa harap ng camera. Nakaupo sya ngayon habang katabi ang asawa. Kaharap si Kris Aquino, sa loob ng kanilang mansyon sa Tagaytay.

May ilang linggo na rin ang lumipas nang malaman nyang na-ospital dahil sa asthma si DJ. At nasaktan sya dahil kinailangan pa nyang malaman iyon sa pamamagitan ng telebisyon. Nag-aalala sya sa asawa. Lalo pa't nakikita nya kung paanong unti unting bumabagsak ang katawan nito dala marahil ng matinding pag-iisip at pangungulila kay Danilo. Ngunit kailanman ay hindi inalis ni Kath kay DJ ang makita at makasama ang anak. Naiiuwi na rin nya ito sa bahay nila para makalaro sina Magui at Lelay. Ngunit sarado pa rin ang isip nyang makipagbalikan muna dito.

Pero may isang bagay na siguradong sigurado sya. Mahal na mahal nya si Daniel.

'Deej, pumayat ka.' Puna ng host ng KrisTV sa aktor.

Kasalukuyang sa living room ang location ng interview nila at naigala na nila si Kris sa ilang bahagi ng kanilang bahay. Ayon sa schedule, dalawang araw ang airing ng episode ng mag-anak na Ford.

'Po? Oo nga e.' At napakamot na lang si DJ sa braso. Kahit kailan talaga ay walang nakakalusot sa mata ng TV host.

'Bakit? Hectic ang schedule?'

'Madami pong out of town shows e.'

'Tsaka diba na-ospital ka? That was like, 2 weeks ago?'

Tumango si DJ.

'Overnight lang naman yun Tita.' Kathryn smiled.

Hindi alam ni DJ kung anong ire-react nya sa pagkakataong iyon. Magaling talagang umarte ang asawa.

'Why don't you try swimming, Deej?'

'Yun din nga yung sinasabi ko sa kanya Tita e. Sayang naman kasi yung pool dun sa likod. Kaso, makulit talaga. Mas gusto basketball. E sobrang pagod naman sya after.' Kath continued as Kris stared at her and smiled.

'Oh, Deej. Narinig mo yun? You should follow your wife.'

'E kasi, gusto ko may kasama ako pag nag-swim. Ayaw naman nya ako samahan pag niyayaya ko sya.'

'My hands are full.' And Kath rolled her eyes at DJ playfully. Hindi naman napigilan ni DJ ang manggigil sa asawa. Maybe it was his reflex, pinisil nya agad ang dalawang pisngi nito.

'Ouch, Babe. Stop it.'

Gustong humalakhak ni DJ sa narinig. Kung kailangan nyang magbayad para marinig na tinatawag muli syang Babe ni Kathryn, wala syang pakealam kahit maghirap pa sya.

'Ay, where's Danilo?'

And DJ had to bite his inner cheek para mapigilan ang magmura dahil may gumambala sa 'lambingan' nilang mag-asawa. Saka nya naalalang nagte-taping nga pala sila.

'Ayun o.' Kath straightened her posture before she pointed where Danilo was.

Karga karga ito ni Min habang giliw na giliw na pinapanood silang dalawa.

'Pwede mo bang kunin?'

'Ay, ok. Wait lang Tita.' Tatayo na sana si Kath nang pigilan sya ni DJ.

'Ako na lang, Ba.' He said, putting emphasis on the last word.

Hindi na nakipagtalo pa si Kath at nagpaubaya na lamang sa Mister na kasalukuyan nang naglalakad papunta sa mag-lola.

'Danilo, come to Tatay.' He cooed. Agad namang inilahad ng bata ang dalawang braso para mangunyapit sa ama.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon