CHAPTER 36: Papa's Girl

28.7K 532 58
                                    


**********

'Ma, Pa, Kuya Kevin, Ate Tin, Kuya Marco.' Kath started as she sat down on their couch while DJ was beside her, Danilo on his lap.

'Nakakakaba naman yan, anak.' Her Daddy Teddy said. 'Kelangan talaga ipatawag mo kaming lahat dito? I-Skype na rin natin si Ate Kaye mo para kumpleto na talaga.' He joked just so to ease the tension.

'Gusto mo ako na lang magsabi?' DJ asked tenderly, caressing Kath's hand on Danilo's leg.

Umiling si Kath, saka ngumiti.

'Ako na babe.' She said before she turned her attention back to her family. 'I'm pregnant po.' And she smiled again. 'May kasunod na po si Danilo.'

Matamang pinagmasdan ni Kathryn ang magiging reaksyon ng magulang. Hindi nya maipaliwanag ngunit parang hindi ganoon ang inaasahan nya. What she has in mind was her mom would automatically smile and congratulate them. However, the outcome was different. Napansin din naman ito ni DJ kaya agad nyang hinawakan ang kamay ni Kathryn.

'Hindi po ba kayo masaya?' Kath asked bitterly.

'Ha? Ah...' Daddy Teddy straightened up and smiled nervously. 'Masaya kami, anak. Nagulat lang kami.'

'Diyos ko Kathryn! Magbe-bente ka pa lang dalawa na agad ang anak mo?' Her mother can't help but to comment.

'Mag-asawa naman kami Mama e.' Malungkot na tugon ni Kathryn. 'Hindi po ba pwedeng maging masaya na lang kayo para sa amin?'

Dama ni Min ang hinanakit sa boses ng anak na hindi na napigilang tumayo mula sa kinauupuan. Agad itong umalis at iniwan lahat ng tao sa kanilang living room.

'Ba.' Tawag ni DJ sa asawa at susundan na nya sana ito nang pigilin sya ni Teddy.

'Ako na muna DJ.' Mabait na ngiti nito sa manugang at apo.

**********

'Papa...' Iyak agad ni Kath sa ama matapos nya itong pagbuksan ng pinto. 'Bakit po ganun si Mama?'

'Nabigla lang ang Mama mo anak. Lahat naman kami.' Paliwanag ni Teddy habang iginigiya si Kathryn papasok sa kwarto. 'Pero wag mong iisipin na hindi sya masaya dahil alam ko at sigurado ako, masaya sya para sa inyo.'

'Pero kasi po. Wala naman po kaming ginawang masama ngayon ni DJ diba? Kasal naman po kami. Bakit yung reaction nya, kaparehas pa rin nung unang nabuntis ako? Kung nagkamali man kami noong una ni DJ, naitama naman na po namin e. Pinakasalan naman po nya ako.' Naiiyak na sabi ni Kathryn. 'Nakakatampo si Mama.'

'Anak naman...' Hinila ni Teddy sa Kathryn at isinandal ang ulo nito sa balikat nya. 'Wag ka nang magtampo ha? Sige ka, baka makasama sa baby nyo.'

'Kausapin mo si Mama, Pa.' Kath pouted.

'Kahit naman hindi ko sya kausapin, mare-realize din nya 'yun.'

'Pero Pa, yung totoo? Masaya ka ba para sa amin?'

'Oo naman anak. Masayang masaya ako. Nakikita ko yung baby ko, may baby na rin tapos may baby pa uli. Ibang saya na yun. Pero ikaw ba anak, masaya ka ba?'

'Super. This time, I'll be the best mommy na talaga.'

'Best mommy ka naman kay Danilo diba?' Nagtatakang tanong ni Teddy.

'Hmmp.. Tampo ako kay Danilo, papa. Mas favorite nya yung Tatay nya.'

Napahalakhak na lamang si Teddy sa narinig.

'Lalaki kasi e. Syempre si Danilo, lumalaki na rin. May mga bagay na na naiisip silang mag-ama na sila lang ang nakakaintindi.'

'Kami ang laging magkasama dati, diba? Ngayon, dun sya lagi kay DJ nakadikit.' She complained again.

'Ipag-pray natin na girl naman yan. Para may kakampi ka na.'

Tumango si Kath saka muling tumingin sa ama.

'Thank you Papa. I love you.' And she kissed her Papa's cheek.

**********

'Maaari ko ho ba kayong makausap?' DJ asked his Mama Min carefully as he joined her in the garden. Sandali muna nyang iniwan si Danilo sa kanyang Ate Tin, kalaro sina Lhexine at ang mga aso nilang sina Snow, Cola, Cloud at Dash.

Min looked at him and nodded.

Humila ng isang upuan si DJ at tumabi sa biyenan. Ibubukas pa lang nya ang bibig nya nang nauna nang nagsalita si Min.

'Ano bang plano mo sa anak ko?'

'Ho?'

'Ipapaalala ko lang sa'yo DJ, malaking part nang pagpayag namin na ikasal kayo ni Kathryn ay para maging legal na Ford si Danilo. Hindi yung walang katiyakan ang bata na sa papel lang nya hawak ang epelyido mo.'

'Natatandaan ko naman ho yan Mama Min.'

'Balak mo lang ba talagang anakan ng anakan si Kathryn? DJ, 19 pa lang sya. Maawa ka naman kay Kath. Hindi ko naisip na gagamitin nyong dahilan yang 'mag-asawa naman po kami' para lamang ipagpilitang wala kayong ginagawang mali.'

'Pero Mama Min...'

'Kakaisang taon pa lamang ni Danilo, utang na loob!'

Bakas ang dismaya sa boses ni Min.

'Naiintindihan ko naman po kung na-disappoint kayo. Pagpasensyahan nyo na po Mama Min. Pero sana po intindihin nyo naman po kami. Mahal na mahal ko naman po si Kath, Danilo at yung magiging baby po namin. Hindi ko naman po sila pababayaan.' Paliwanag ni DJ.

'Alam ko nga DJ. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ganito kaaga nasundan si Danilo? Hindi ka ba gumamit ng condom? Si Kath, alam ko nagpi-pills sya diba?'

'Pasensya na po.' Nakatungo si DJ habang humihingi ng paumanhin sa byenan. 'Kung nagagalit po kayo, sa akin na lang po. Wag na po kay Kath. Sa akin na lang po.'

'Mga bata pa talaga kayo.' Buntong hininga ni Min. 'Si Kathryn na naman ang mahuhusgahan nito. Habang maaga, ipaalam nyo na agad sa Star Magic ang kalagayan ni Kath. Para magawan na agad ng remedyo.'

'Ho?' Tila alarmadong tanong ni DJ.

'May kontrata pa si Kathryn, DJ. Sana naging maingat kayo.'

'Hindi ho ba pwedeng bayaran ko na lang yung lintik na kontrata na yon? Gusto ko lang naman ho kasi, maging normal ang pagbubuntis ni Kath. Baka ho, gawin uli nila uli yung paglalayo nila sa akin kay Kathryn.'

'Tanggapin na natin DJ na kahit anong gusto nating maging normal ang mga bagay, may hindi talaga pwede. Nabuhay kasi kayo sa mundong hinuhusgahan ng tao bawat galaw nyo. Kahit alam nyong wala kayong ginagawang masama, may mga tao pa ring mag-iisip na meron. Hindi sapat ang dahilang mahal nyo ang isa't isa o mag-asawa naman kayo.'

'Hindi ho pagkakamali si Danilo. Lalo na yung second baby namin. At ang pagpapakasal naming dalawa. O ang pagsasama namin bilang mag-asawa.' Matigas ang boses na sabi ni DJ. 'Kung anupaman hong sabihin nila tungkol kay Kath o tungkol sa amin, hindi na lang ho namin papansinin.'

'Alam ko naman yun DJ. Apo ko ang mga yun. Anak ko si Kath. Manugang kita. Kaya nag-aalala pa rin ako sa mga sasabihin ng tao tungkol sa inyo. Dahil aminin na natin DJ, muntik na kayong masira sa mga panghuhusga nila.'

Derecho ang tingin ni DJ sa biyenan.

'Natuto na ho kami Mama Min. This time, we know better than being affected kung anuman ang sasabihin nila. Kung may nabago man sa aming dalawa ni Kath, ayun ho ay ang paniniwalang walang kahit anong pwedeng sumira sa amin. Masaya na po sana tayong lahat. Kakayanin namin to.'

*********

***AUTHOR'S NOTE***

Eto yung nandidiri ako sa UD ko kase nuknukan ng ka-cornyhan. Kaya nxt time, wag nyo na ko i-pressure magUD. Kei?

Kei.

#PKK2WalangPilitan

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon