CHAPTER 5: Her True Calling

52.7K 540 43
                                    


**********

'Naks! May bisita si daddy!' Sabi ng isang staff matapos makita si Kathryn na papasok sa studio kung saan nagaganap ang look test ng bagong teleserye ni DJ.

'Hello!' Masayang bati niya sa lahat ng nandoon.

'Miss ka na namin Kath! Kelan ka babalik?'

'Naku, matagal pa. Patapos na ba yung look test?' Tanong niya.

'Parang patapos na. Upo ka muna dito o.' Humila ng isang upuan ang staff at umupo naman si Kath doo. 'Sabihin ba namin kay DJ na nandito ka?'

'Ay, ate wag na. Ok lang ako dito.' Ngumiti siya.

'Di mo sinama yung baby nyo.'

'Maliit pa masyado e. Mahirap ilabas. Baka makasagap ng kung ano ano.' Paliwanag niya. 'Hindi pa rin kasi sya kumpleto sa mga shots so, baka pag medyo ilang months pa.'

'Ah.. Pero ang gwapo ng baby nyo ha? Si DJ, kanina pa pinapakita yung mga pictures sa lahat dito. Iniinggit yata si Lloydie.'

Napatawa si Kath.

'Talaga?'

'Oo kaya. Proud na proud. Grabe. Parang hindi 20 year old kung maipagyabang ang anak nyo.'

Nanatiling nakangiti lamang si Kath. Masaya sya sa mga naririnig.

'O sya, maiwan na muna kita ha?' Paalam ng staff bago ito bumalik sa kabilang studio.

'Sige Ate. Salamat po.'

Habang naghihintay si Kath ay nadaanan siya ng ilang mga pamilyar na mukha. Lahat sila, tinatanong kung kelan siya babalik. At iisa lang lagi ang sagot niya: 'Matagal pa po.'

Maya maya pa ay isa isa nang naglabasan ang mga tao mula sa lugar kung saan nagaganap ang look test. Ngiti at bati ang natatanggap nya mula sa mga nakakakita sa kanya doon.

'Lalo kang gumanda, Kath! At ang sexy sexy!' Bati ng isa pang staff na naging close nya noon. 'Guest pala kayo ni DJ sa GGV sa Sunday no? Manonood ako. Riot yun for sure.'

'Oo nga ate. Ang saya kaya nung nagte-tape kami. Ang kulit ni Vice.' Masaya nyang tugon.

'Yan na pala ang asawa mong proud na proud sa mag-ina niya.' Napansin ng kausap ni Kathryn ang kalalabas pa lamang na DJ.

Kasabay nya si John Lloyd na tila tuwang tuwang kausap sya at kasunod naman nila si Julia.

'Yari! Sinusundo ka na ni Misis!' JL exclaimed upon seeing Kath.

'Tehhhh!' Tili ni Julia habang patakbong lumalapit sa kanya.

'Tehhh!' Kathryn exclaimed happily as they hugged.

'Feeling mo naman ikaw ang ipinunta nyan.' Ungot ni DJ. 'Sinusundo ako nyan Juls. Wag ka nga.'

Hinila ni DJ ang misis mula sa kaibigan nito at hinalikan ang noo. Matapos nito ay hinila muli pabalik ni Julia si Kathryn.

'Hay nako, parati mo na ngang kasama. Asawa mo na! Bakit ganyan ka pa rin Padilla?' Tanong ni Julia habang hinihila papalayo si Kathryn.

'Hi Kuya Lloydie!' Kaway ni Kath sa katabi ni DJ. 'Pa-hi din po kay Ate Gel! Pasabi po thank you din dun sa mga gifts nya for Danilo!'

At tuluyan na siyang nailayo ng bestfriend mula kina DJ at JL.

'Hay, ang bunso namin ni Gel. Nadagit na.' John Lloyd murmured loudly.

Napalingon naman si DJ matapos marinig ito.

'Love na love ni Gel yan e. Although hindi naman sila nagkasama sa projects together, feeling daw nya e bunsong kapatid na niya si Kath.' JL explained. 'Hindi kasi mahirap mahalin si Kath. Ang gaan gaan lang nya. Alagaan mo yun ha? Madaming nagmamahal dun.'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon