CHAPTER 4: A Wife, A Mother

54.9K 533 50
                                    


*********

'Kelan nyo balak pabinyagan si Danilo?' Karla asked them over breakfast.

'Pinapag-usapan na nga namin ni Kath yan Ma e. Siguro pag 6-7 months na sya. Parang masyado pang maliit pag ngayon.' Sagot ni DJ habang ipinaglalagay ng fried rice ang asawa.

'Tama na.' Kath whispered, holding on to DJ's arm.

Tumigil sa paglalagay si DJ. It was only then he realized na halos umapaw na ang plato ni Kathryn.

'Kailangan mo yan para tumaba ka.' He joked. 'Masyado ka ng sexy, pati si Vice, natitibo sa'yo. Delikado.' Iling nito.

His mother snorted.

'Si Vice? Nagseselos ka kay Vice?' Tanong ni Karla.

'Naghahanda lang Ma. Sa akin lang naman, kung bading nga e natitibo dito, what more pa kung makikita na naman siya sa national TV diba? Baka marami akong mapatay.' He took the plate of bacon and piled some on Kath's plate.

'Umiiral na naman yang pagiging possessive mo Danilo ha.' Pangaral ng kanyang ina. 'Sinasabi ko, walang magandang maidudulot yan. Tsaka wala kang magagawa. Maganda ang asawa mo.'

Kath could feel that she's blushing.

'Asus, nahiya ka na naman Kathryn.' Karla noticed. 'Hala, kumain na kayo. Pero mabalik tayo sa binyag, anong plano nyo? Gagawin nyong private or engrande?'

Nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi nila alam kung anong isasagot nila.

*********

DJ sat inside an office at ELJ Bldg. some few hours later. May storycon kasi sya for the next teleserye that he's going to be in. Nawala na sa kanya ang supposedly teleserye with Coco Martin dahil na rin sa hiatus nya at ibang artista na ang pumalit sa kanya. As of the moment, wala pa rin siyang alam kung sino ang makakasama niya.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang kumapal ang tao inside the room. Isa isa na ring nagdadatingan ang mga co-stars nya.

'Padilla!' Bati sa kanya ni Julia Montes.

'Julsss!' Masayang tugon niya. 'Partner tayo?'

Julia shrugged her shoulders.

'Wala pa rin akong alam.'

Maya maya pa ay pumasok naman ang ilan pang mga pamilyar na mukha sa larangan ng showbiz.

'Hindi pa kumpleto. May kulang pa.' Bb. Joyce Bernal said after she entered the room. Napansin niya si DJ sa harapan niya. 'Robin na Robin 'to o.' She pointed at him.

Umayos ng upo si DJ bago tumayo upang magbigay galang sa direktor. Matapos bumalik sa kanyang upuan ay bumukas muli ang pinto. Kinailangan pang muling ibaba ni DJ ang kanyang shades dahil sa sobrang starstruck niya sa nakikitang papalapit sa kanya.

'Sorry, I'm late.' John Lloyd Cruz apologized.

*********

'Ba! Guess what?' Masayang bati ni DJ sa asawa nang makauwi siya.

Kasalukuyang nakakandong kay Kathryn ang anak sa loob ng nursery habang bine-breastfeed ito. Lumapit si DJ kay Kath at hinalikan siya sa noo. He then knelt down in front of her.

'Ako naman dyan.' He whispered playfully to Danilo before he kissed him.

Hinampas naman ni Kathryn ang asawa matapos marinig ito. Tumayo si DJ habang bigay na bigay sa pagtawa.

'Balik na lang ako mamaya Ba. Pag tapos na kayo dyan.' At naglakad na papalayo ito. 'Baka di ko mapigilan sarili ko, ako naman ang kumandong sa'yo at mag-request ng breastfeed din.' Pilyong sabi nito bago lumabas ng pinto.

*********

'Kamusta yung storycon kanina?' Kath asked DJ as she sat in front of her dresser. She just finished tucking Danilo in to sleep.

'Yun nga yung ibabalita ko sa'yo kanina e.' He said as he settled on top of their king sized four-poster. 'Kaso, busy ka kay Danilo.' And then he pouted.

'Asus. Nagseselos ba si Tatay?' At lumapit si Kath sa asawa niya. She slid beside him and laid her head on his chest. 'So ano na nga?'

'Kasama ko lang naman si John Lloyd.'

'OMG! Whaaaat?!' Her eyes widened upon his news.

Yun din ang inaasahan niyang reaction mula sa kanyang asawa.

'Na-starstruck nga ako kanina. Ibinaba ko pa yung shades ko uli. Nakakasilaw kasi!'

'Hahahaha! Dork!' And she playfully smacked his head. 'Kwento ka pa. Anong role mo?'

'Bale, may powers kaming dalawa. Ang cool no?'

'Related kayo sa story?'

'Dun sa initial pitch in, hindi kami talaga magkakilala. Bale he's a convict while I'm a college student. Yung kamay niya has the power to heal while yung kamay ko, has the power to kill.' He narrated excitedly. 'Pero sya, aware sya na may powers sya. Ako, hindi. Parang bagong discover pa lang.'

'Astiggg.'

'Ang cool nga e! Tapos yung conflict nya, magsisimula once magtagpo kami ng landas! Grabe! Kung makikita mo lang talaga ako kanina Ba! Excited na excited ako!' He exclaimed.

Tumango lamang si Kath.

'May love interest?' She suddenly asked.

'Wala pang sinasabi. Pero andun si Julia.'

'Julia?'

'Montes. Kinabahan ka no?'

'Umi-issue...' She lightly punched his shoulder.

'E diba nagselos ka naman talaga dati dun sa Pepsi? Pero good boy ako, di talaga ako lumapit.'

'Kahit gusto mong lumapit?'

'Ay, umi-issue!' At pinitik naman ni DJ ang tenga ng asawa. 'Sina Ryan at JV na nga ang nagsabi sayo diba? Wala. Tsaka sus. Maghahanap pa ba ako ng iba e nandyan ka na?' And he takes her into his arms and squeezed her. 'Tama nga si Vice.'

'Ano na naman?'

'Lumaki nga Ba.'

'Bastos!' She snatched a pillow and hit him on his face.

Tumayo siya mula sa kama para i-check ang natutulog pa rin na si Danilo.

'Lika muna dito.' DJ grabs her hand and pulled her back to the bed, dragging his weight above her. 'Kanina mo pa naman kasama si Danilo e. Ako naman.' He breathed to her ear.

'DJ.' She called his name as he kissed her neck. 'DJ, teka muna.'

Nagulat na lamang si Daniel nang marahan siyang itulak ni Kathryn.

'Bakit? Ayaw mo?' He asked, partly worried and slightly annoyed.

'Hindi naman sa ganun. Medyo nag-iingat lang. Ayoko pa sana uli magbuntis agad e.'

'E diba may tine-take ka naman na pills?'

'Oo. Kaso...' She looked down. Paano ba niya ipapaliwanag sa asawa niya na 'she's not in the mood to do it'?

DJ sighed. Tumayo ito mula sa kama at tinungo ang kanilang banyo.

'Babe, sorry.' She apologized to his retreating back.

Nilingon siya ni DJ.

'Ok lang.' Pilit nitong ngiti.

************

******** END OF CHAPTER 4 *********

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon