CHAPTER 15: Firsts

41.6K 467 36
                                    


********

'Huy. Hmm...' Nguso ng isang staff ng Star Creatives kay DJ na nakatayo sa malapit sa director habang pinapanood ang asawa sa first taping day nito.

'Wala si Tita Min?'

'Wala. Grabe ang bantay o. Daig pa ang Guardia Civil.'

'Mas naging mahigpit ata siya ngayon kesa nung time na sila pa a. Which baffles me dahil this time, kasal naman na sila.'

At naglakad na palayo ang dalawang staff habang patuloy ang pagchismisan about DJ.

'E bakit nga ba hindi magbabantay? Leading man ng asawa niya, si Piolo. Tapos si Dom, aminado namang crush dati si Kath na ngayon ay isa sa mga closest friend nya. At... Medyo mature na ang role ni Kath diba? Sexy- sexyhan na rin? At saka sila din naman ang magka-partner nung sila pa diba?'

'E ang sexy naman talaga kasi ngayon ni Kath. Parang binali nya yung mga kasabihang pag nag-aasawa at nagkakaanak, nalolosyang.'

'Super alaga siguro. Tingnan mo naman.'

At muling nabaling ang usapan nila sa bagay na pinagchi-chismisan nila bago napunta sa mag-asawa.

DJ watched how Kath moved towards Piolo. Wearing a bodycon dress which hugged her curves in all the right places, she slid to her leading man effortlessly and gracefully.

Ipinulupot ni Kathryn ang kanyang braso sa leeg ni Piolo na nakaupo sa isang executive chair at inilapit ang mukha dito.

'Good morning, Doctor.' She whispered seductively to which Piolo's character smiled.

Nanatiling nakapako kay Kathryn ang mga mata ni DJ. Kung titingnan mo siya in that manner, you won't see the 19 year old in her. She looked a lot like of a woman. And he's proud to say that Kath is His Woman. His. And his alone.

'CUT!' Sigaw ng direktor sa megaphone nito.

DJ snapped out of his reverie at once.

Piolo assisted Kath para makalapit sa kanilang direktor dahil sa napakataas na heels ng suot nitong sapatos.

'Thanks kuya.' Malambing na pasasalamat ni Kath nang makalapit na kay Joel Lamangan. Nasa likod lamang nito si DJ. Tinanguan ni Kath ang asawa at pinalapit sa kanya. Agad namang sumunod ito.

'How was I?' She asked him.

'Puta. Ang ganda mo.' Bulong naman ni DJ habang nakayakap ang kamay nito sa bewang ni Kath.

'Yung acting ko?'

'Natural na natural lang.' DJ smirked. 'Parang yung mga galawan mo lang pag inaakit ako.' Pilyong sabi nito na nakapagpatawa kay Kath.

'Hindi ka nagselos?'

DJ shook his head.

'Walang effect. Ewan ko pag si Roque na ang ka-eksena mo.'

'Which reminded me, tigilan mo na ang pambubully nyo nina Les kay Dom. Trabaho lang kasi yun.'

Naalala na naman kasi ni Kath ang nangyari nang minsang bumisita ang mga kabarkada ni DJ sa bahay na nilipatan nila. Parating idinadahilan noon ni DJ ay nagkakatuwaan lang sila ngunit alam na alam niyang may iba pang motibo ang tila pamimisikal na ni DJ sa kabarkada habang nagba-basketball sila. Dominic has to leave with an injured shoulder and busted upper lip afterwards.

'Hindi namin sya binu-bully. Diba si Chichay na nga ang may sabi na ang basketball ay isang pisikal na laro?' Hinalikan ni DJ ang sintido ng asawa. Walang pakealam sa lahat ng taong nakatingin sa kanila.

'Kwento mo sa lolo mo.' Itinulak ni Kath ang mukha ni DJ at nag-concentrate na lamang sa pakikinig sa instruction ng kanilang direktor.

********

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon