CHAPTER 25: What They've Done

29.4K 418 76
                                    

******

'Kath, dyan ka lang.' Utos ni Min sa anak habang paulit ulit ang tunog ng kanilang doorbell.

Nakaupo si Kathryn sa loob ng kanilang living room habang hawak hawak ang may pasang pisngi nya. Si Danilo naman ay nasa garden at nakikipaglaro kay Lhexine at sa papa nito. Bumigay ang mga luhang kanina pa gustong tumulo mula sa kanyang mga mata nang maramdaman ang yakap ng nakakatandang kapatid na si Chrysler.

'Sige. Iyak lang bunso.' Bulong ni Chrysler habang hinahagod ang likod ni Kath. 'Iiyak mo lang yan.'

At ganun na nga ang ginawa ni Kathryn.

******

'Mama Min!' Tawag ni DJ sa lumabas na biyenan. 'Mama Min, si Kath ho? Kailangan ko ho siyang makausap Mama Min e.'

'Umuwi ka na muna DJ.' Hindi pasigaw ang ginamit na tono ni Min sa manugang ngunit sa pagkakataong iyon, tila mas gusto pa ni DJ na binungangaan na lamang sya ng ina ng asawa.

'Mama Min, papasok naman ho o. Kakausapin ko lang ho si Kath.'

Umiling si Min.

'Ni sa lamok hindi ko pinadapuan ang anak ko. Kinuha mo sya sa amin, sinabi mong mamahalin ng buong puso at di sasaktan tapos eto DJ? Umuwi si Kath na umiiyak at may pasa sa mukha? Anong klase ka?'

'Hindi ko ho---'

'Umuwi ka na bago pa ikaw ang masaktan ko DJ. May respeto ako sa Mama mo pero sayo, unti unti nang nawawala.'

'Pero Mama Min...'

Nabasag na ang boses ni DJ at naramdaman niyang tila mamasa masa na ang sulok ng kanyang mga mata. Agad na nag-unahan sa kanyang mga pisngi ang luha nang pinagsarhan na sya ng gate ng biyenan.

*********

'GAGO KA!'

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni DJ nang harapin ang ina. Hindi natinag si Daniel. Inisip na lang nyang mas grabe pa dapat ang matamo nya.

'Punyeta DJ! Kahapon lamang napag-usapan na natin yan! Tapos eto na naman? Paano kung makarating ito sa media? Saan ka pupulutin? Hindi ganyan ang itinuro ko sa'yo DJ! Kaya kita inilaban na sa poder ko lumaki para malayo ang landas mo sa mga landas na tinahak ng ama mo at ng mga tiyuhin mo tapos eto?'

Nanatiling nakatungo si DJ. Hindi nya kayang salubungin ang matatalim na tingin ng ina.

'Alam mo ba kung anong ginawa mo? Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari? Sinaktan mo ang asawa mo Danilo! Nilayasan ka ng mag-ina mo!'

'Wag nyo na hong ipamukha sa akin.'

Kung saan nakahagilap ng lakas ng loob si DJ para sumagot sa ina, hindi nya alam.

'Punyeta!'

Carla turned her heel from her son with her fists balled.

Napaupo na lamang si DJ sa sofa sa kanilang living room. Gulong gulo sa kasalukuyang sitwasyon.

*******

Nakatulog at nagising na si Kath ngunit dala pa rin niya sa damdamin ang mga pangyayari. Mabigat. Kinuha nya ang cellphone mula sa kanyang bag at hindi na sya nagulat nang makita ang napakaraming missed calls at SMS mula sa asawa.

57 Missed Calls
38 Text Messages

'Kath, pag-usapan natin please.'

'Kath, I'm sorry.'

'Wag nyo kong iwanan parang awa mo na.'

'Bumalik na kayo ni Danilo please.'

'Kath, mahal na mahal kita.'

'Ba, di ko na uulitin.'

'Kath, mag-usap naman tayo o.'

'Kath.'

'Bal.'

'Baba.'

'Mahal na mahal kita Kath. I'm so sorry. Gago ako. Patawarin mo na ako please.'

'Hindi ko na uulitin. Utang na loob. Bumalik na kayo sa akin.'

'Kathryn.'

Ilang mensahe pa ang binasa ni Kath at tila mas lalong pinipiga ang puso nya. Isang katok mula sa pinto ng kanyang kwarto ang nakapagpabalik ng ulirat nya.

'Kathryn. Baba ka muna anak.' Mabait na sabi ng kanyang ina.

'Si Danilo po?' Tanong nya matapos muling pahirin ang luhang dumadaloy sa pisngi nya.

'Kasama nina Tin. Mamamasyal lang daw. May gustong kumausap sayo sa baba.'

'Po?'

'Hindi si DJ.'

Abiso ni Min nang mapansin ang takot sa mukha ng anak.

**********

Nanatiling nakatungo si Kathryn habang nakaupo sa couch sa kanilang living room at pinapakinggan ang sinasabi ng ina ng asawa. May ilang beses ding inabot ni Carla ang kanyang kamay at hinaplos ang kanyang buhok para iparating dito ang malasakit at suporta.

'Hindi ako pumunta dito para ipagtanggol si DJ, anak. Dahil alam ko sa sarili kong mali ang ginawa nya. Hindi ko rin ipagpipilitang tanggapin mo sya agad agad. Pero sana mapatawad mo sya sa kung anong nagawa nya. At sana mas manaig sa puso mo ang pagmamahal. Dahil alam kong mahal mo ang anak ko. At mahal na mahal ka rin nya Kath.'

Lumunok si Kath at napatingin sa biyenan.

'Hawak mo ang bola, hija.' Patuloy nito. 'Kung hindi mo pa sya kayang tanggapin sa ngayon, sana naman ay mapatawad mo sya. At sana, wag mo namang ipagkait ang pagiging ama niya kay Danilo.'

Tumango na lamang si Kathryn bago muling pinahid ang luhang nag-uunahan sa pisngi nya.

'Sana, makapag-usap kayo, anak.' Dagdag ni Carla habang yakap yakap si Kathryn.

Isang mahinang Ate Min ang huling sinabi ng ina ni DJ sa ina ni Kathryn bago ito tuluyang umalis.

*******

Kung inakala ni Kathryn na tapos na siya kakaiyak ay nagkamali siya. Sapagkat pagkakita pa lamang niya sa kanyang Papa na kaluluwas pa lamang mula sa Cabanatuan ay tila bumukal na naman mula sa mga mata nya ang panibagong agos ng luha.

Walang jbang sinabi ang kanyang ama habang yakap siya nito ngunit sapat na iyon para kay Kathryn upang kahit papaano ay maibsan kahit kaunti ang naghihinagpis nyang puso.

********

***AUTHOR'S NOTE***

Ang lupit nung huling paragraph. Pang-dula sa radyo.

Hihi..

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon