CHAPTER 48: Dilemma

22.2K 477 76
                                    


************

'O Rye, napadaan ka.' Bati ni Karla sa kadarating lamang na bisita. 'Tapos na ang photoshoot? Nakauwi na si DJ sa mag-ina nya?'

'Yun na nga mother.' Tila may kaba sa boses ng make up artist.

'Anong yun na nga?'

'Pwede bang painumin mo muna ako ng tubig? Papasukin mo muna ako mother. Hindi alam ni DJ na dadaan ako dito.'

'Ano ba yan Ryan? Bakit ganyan? Halika nga sa dining room.'

Iginiya ni Karla ang make up artist ng anak papunta sa kabisera at pinaupo ito.

'Juice o tubig?'

'Tubig na lang mother. Tsaka kung may konting food ka dyan, keri na rin.'

'O sya. Wet ka dyan beks.'

Hindi naman nagtagal ang paghihintay ni Ryan sa ina ng alaga. Pagbalik nito ay may dala na itong tray na naglalaman ng isang pitsel na iced tea, baso at isang plato ng lasagna.

'Nagpadala kasi si Kath kanina ng lasagna dito e. Naglambing daw sina Magui at Lelay.'

'Kamusta naman sya mother? Sabi ni DJ, medyo lumalaki na daw ang tyan? E ang liit liit ng katawan ng batang yun jusko!'

'Parang hindi mo nakikita e. Medyo may laman na sya beks diba. Parang kahapon nasa set sya a.'

'E kasi ang naaalala ko pa rin talaga kay Kath e yung magandang payat payatang kinse anyos na pinormahan ni DJ.' Ryan said as if reminiscing. 'Hindi pa ko regular kay DJ non.'

'Hindi ko pa nga sigurado that time kung sisikat yang si DJ e. Mukha kasing batang hamog!'

Napahagalpak naman si Ryan sa tinuran ni Karla.

'Haay.. Parang kailan lang diba Mother? Sinusuway suway mo pa si DJ pag inaaya niya si Kath sa kwarto nya. Tapos ngayon, magdadalawa na ang baby nila.'

'Wala e.' Iiling iling na sabi ni Karla. 'Di nagpadala sa matinding bilin. Pinairal pa rin ang kapusukan. Alam ko namang mahal talaga nila ang isa't isa. Pero kasi diba, halos anak ko na rin si Kath. Alam ko pag may regla yan. So nanibago na lang ako nung biglang wala na. Pero teka nga. Napakalayo na ng usapan nating ito. Ano nga ba ang ipinunta mo dito?'

'Wag mong sabihin kay DJ, mother ha? Hindi ko kasi alam kung kanino ko sasabihin. Ayaw ko namang i-derecho kay Kathryn. Mas lalong ayokong sabihin kay Tita Min.' Tila bumalik na naman ang tension sa mga mata ni Ryan.

'Wag sabihin ang ano nga?' Makulit na tanong ni Karla.

Binunot ni Ryan ang cellphone mula sa bag na lagi nyang dala dala at nag-scroll sa camera roll.

'Ano na naman 'to, Danilo?' Hindi makapaniwala si Karla sa nakita.

*********

'Hi.' Nakangiting bati ni Kathryn nang naalimpungatan sya mula sa pagkakahimbing. 'Kumain ka na?' She tried to sit up but DJ just pushed him gently.

'Busog pa ako.' He whispers, nuzzling her neck.

'Na-kiss mo na si Danilo? Kanina ka pa hinihintay nyan.' She referred to their 1st born who was sleeping soundly in his crib.

'Tapos na po. Ikaw naman. Kiss mo ko.' Inilapit ni DJ ang kanyang labi sa labi ng asawa at masuyong hinalikan ito. 'One more.' Hirit pa nya nang maghiwalay ang mukha nila.

'Na-miss mo ako no?' Kathryn teased in between as DJ continued kissing her senseless.

'Wag ka nang magsalita, Ba. Kiss mo lang ako ng i-kiss.'

And Kathryn just smiled as she deepened their kisses.

*********

Nagising na lamang si Kathryn kinabukasan na wala na syang katabi. Tinanaw nya ang crib ng anak pero wala din ito. Dahan dahan syang tumayo at lumabas ng kanilang kwarto.

'Ma, nakita mo po si DJ?' Tanong nya sa ina na nakaupo sa kanilang living room habang kandong kandong si Danilo.

'Maaga umalis. Pinapatawag daw sya ng kanyang Mama Karla. Mabilis lang daw naman sya dun.'

'Nag-breakfast po ba sya?'

'Parang hindi. Pero alam ko nag-kape sya.'

Tumango na lamang si Kath.

'Nakahanda na sa table ang breakfast anak. Tapos naman na kami. Kumain ka na dun.'

***********

'Si Mama?' Tanong ni DJ sa kasambahay na nagbukas ng pinto para sa kanya.

'Andun po sa garden Sir DJ. Kumain na po kayo?'

'Ok lang ako Manang. Puntahan ko lang si Karla.' Ngumiti ito at tumango sa matandang kausap bago tinungo ang garden. 'Ang aga Karla a.' Pabirong sabi ni DJ habang papalapit sa kinauupuan ng ina.

'Gustong gusto kitang sampalin ngayon pero hindi ko muna gagawin dahil gusto kong marinig talaga mula sa'yo.' Malamig ang tono ni Karla na ikinakunot naman ng noo ni DJ.

'Ano bang pinagsasasabi nyo dyan? Paki-explain.' Tila may tensyong namuo sa dibdib nya pero mas minabuti na lamang nyang mag-joke pare pagaanin ang ambience.

'Ikaw ang mag-explain, hudas ka.' Halos isampal na ni Karla ang kanina pang hawak na cellphone sa mukha ng anak.

'Ma, ano ba?'

Nagulat na lang din sya matapos makita ang kanina pa ikinakukunot ng noo nya.

'Tang ina Karla, ano to?' Nanlalaki ang matang tanong nito.

'Leche ka. Wag mong isinusunod sa mura ang pangalan ko ha. Picture lang yan. May narinig na rin akong kwento. Pero ngayon, ang gusto ko marinig talaga mula sa iyo. Gusto kong malaman ang bersyon mo.'

'Sya ang nag-initiate nyan Ma! Itinulak ko sya pagkatapos. Sira ulo yang babaeng yan!'

'Punyeta kang Danilo ka talaga. Pag ang asawa mo nakunan sa pinaggagagawa mo.'

'Hindi ko nga ginusto Ma. Maniwala ka sa akin. I was caught off-guard! At kanino nyo ba nakuha yan? Sinong nag-eespiya sa akin? Pati ba naman ikaw Ma? Si Mama Min nga, halos palagyan na ako ng CCTV sa katawan e. Tapos pati ikaw?' Tila may bahid ng tampo ang boses ni DJ. 'Ma, sa tingin mo ba, magagawa kong saktan si Kathryn lalo na ngayon?'

'Pero bakit mo hinayaan? Manalagin tayo ni DJ na walang ibang nakakita. Dahil kung may iba pa, jusko Danilo talaga. Hindi ko na alam. Hindi mo naman pwede laging i-explain ang side mo pag lumabas na yan. Higit sa lahat, si Kathryn ang mas maaapektuhan.'

'Nagulat ako Ma. Hindi ko talaga akalain na gagawin nya yon. In the end, wala na rin akong nagawa. Kung alam mo lang Ma, gustong gusto ko talagang paduguin ang nguso nya right there and then.'

'Sabihin mo na agad kay Kath habang maaga. Kesa malaman pa nya sa ibang tao. Mas masakit yun.' Medyo kalmado na si Karla.

'Hindi ko yata kaya Ma.' Iling ni DJ. Unti unti nang gumagaralgal ang boses nya.

'Pwes, kayanin mo. Maging matapang ka DJ. Wag kang duwag. Harapin mo yan. Kung ayaw mo nang tapusin ang pelikula, sabihan mo ako para kausapin natin ang production. Hindi ko alam ang mangyayari dahil nakapangalahati na kayo halos.'

DJ bit his lip as he thinks deeply. Sinubukan nyang i-weigh out ang pros and cons kung sasabihin nya or hindi sasabihin sa asawa ang nangyari. Napansin na lamang nyang hindi na nya kasama ang ina.

Napabuntong hininga na lamang si DJ dahil gulong gulo na talaga sya. Isang mahinang kaluskos na papalapit sa kanya ang nagpabalik ng ulirat nya.

'Kuya.'

'Magui.'

Sinubukan ni DJ na ngumiti nang sa gayon, kahit paano ay matakpan ang bumabagabag sa kanyang isipan.

**********

***AUTHOR'S NOTE***

Maraming salamat sa mga nagbabasa at nagko-comment. Pasensya na bihira akong makasagot. Hindi ko kasi mahabol isa-isa. Hahaha!

Thank you all!

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon