CHAPTER 37: C K

30.1K 575 98
                                    


*********

'Chandrika Kendra' Kath murmurs against DJ's fully clothed chest that evening.

'Hmm?' He asked as they hear the peaceful little snores of Danilo fill their room.

'Yung name ng baby natin.'

And he can feel that she's smiling.

'Ang ganda naman masyado. Baka mainggit si Danilo.'

'Kelangan talaga maganda ang name ng sunod na baby natin. Maganda din kasi sya.'

'So sure mo na talaga na girl sya?' DJ placed an arm on Kath's shoulder as he inhaled the scent of her hair.

'Oo. Malakas ang pakiramdam ko. Sabi nila kapag daw girl ang ipinagbubuntis, blooming ang nanay. Blooming ba ako ngayon, babe?'

Natawa si DJ. Hindi naman ikinatuwa ni Kath yun.

'Naniniwala ka talaga sa mga ganyan?'

Tinampal naman ni Kathryn ang dibdib ng asawa.

'So ibig sabihin mo, panget ako?'

'Ha?' Napakamot na lamang sa ulo si DJ. 'Wala akong sinasabing ganon ha!'

'E kasi naman, yes or no lang yung isasagot mo, hindi mo pa madiretso. Hmp...' And she turned away from him.

'Ba, naman.' Pang-aamo ni DJ habang inaakap ang bewang ng asawa. 'Kahit pa mangamatis uli yang ilong mo. Or mamaga pa yang mga siopao cheeks mo. Or kahit mawala pa muna uli yang lab na lab kong abs mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa akin.'

'Talaga?' Kath faced him again and asked.

'Talagang talaga.' DJ nodded, his lips pouted. 'O, kiss mo na ko.'

'Yan tayo e.' She pushed his face away from hers and laughed. 'Babe, nagugutom ako.'

'Ha?' DJ's forehead wrinkled with what he heard.

'Ay eto na naman.' Tila naghuhumiyaw ang mga katagang yon sa isip nya.

************

Kath sat on the countertop as she watched DJ do his usual thing in the kitchen. Tuwang tuwa syang panoorin ang asawa na kumpleto pa sa kanyang attire. Nakasuot pa ito ng toque at apron na may nakaprint na 'Kiss The Cook' sa harapan nito.

'Matagal pa ba yan?' Tanong niya habang ikinukuyakoy ang mga binting nakabitin mula sa pagkakaupo. 'Gutom na talaga ako.'

'Malapit na.' DJ said as he half-turned his head to her.

'Kinakain na ni Chandri yung intestines ko. Aray baby!' She complained animatedly.

'Eto na! Eto na!' Sabi ni DJ na nagkukunwari namang nagpa-panic.

Hindi maipinta ang mukha ni Kathryn matapos makita ang niluto ng asawa.

'Eto na yun? Babe naman e!' She cried.

'Yan yung nakita ko dun sa video e. Omurice diba?'

'Ampanget ng itsura. Parang malalason ako pag kinain ko.' Tila nasusukang sabi ni Kathryn habang iniikot ikot ang plato na pinaglalagyan ng pagkaing hiniling nya sa asawa. 'Tingnan mo nga yan.' And she pointed at his cellphone. 'Sinunod mo bang maigi yung sinabi ni Francis?'

'Ba! Bakit ka ba naniniwala dyan kay Francis? E aso yan o!'

'Ilang videos na nyang Cooking With Dog ang napapanood ko. Ang linaw kaya nyang magbigay ng instructions! Ang simple simple pa. Anong di mo makuha?'

'Paupuin ko rin si Snow dito sa tabi ko habang nagluluto ako, ok lang sayo? Ang unhygienic nyang pinapanood mo Ba.'

'Mukha namang malinis si Francis. At wag mo na ngang ibahin ang usapan. Palpak ang luto mo. Nagugutom na ako. Ayoko nyan.' And she pushed the plate away from her.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon