CHAPTER 2: Lights On (Cut 2)

55.7K 645 110
                                    


********

'Ok ka lang?' Tanong ni DJ kay Kath. Kasalukuyang nagre-retouch si Vice.

'Uhaw lang ng konti babe. Oily na ba mukha ko?' Tanong niya sa asawa habang nakangiti.

'Oi, Mark!' Tawag ni DJ sa assistant na nasa malapit na sulok sa kanila. 'Yung red na tumbler ni Kath? Tsaka pahinging oil blotter.'

Agad namang naibigay kay DJ lahat ng iniutos nito. Binuksan muna ni DJ ang tumbler at saka ito iniabot kay Kath.

'Thank you Kuya.' Sabi niya bago umalis ang sinugo ng asawa.

'Oil blotter.' Abot ni DJ kay Kath matapos nitong uminom.

'Thank you babe.' Kinuha ni DJ mula sa kanya ang tumbler at siya naman ang uminom dito.

Matapos nito ay tinawag na muli ng direktor ang kanilang atensyon.

'And 1. 2. Rolling!' Sigaw ng floor director.

'Bernardo-Ford talaga yung gagamitin mo?' Tanong ni Vice kay Kathryn. 'Halimbawa, sa movie, nadun sa poster talaga, Kathryn Bernardo- Ford?'

'Oo. Gusto ko kasi, kasama pa rin yung Bernardo. Tsaka parang ang cool lang kasi yung Bernardo, super tunog Filipino tapos kasunod nya Ford. Diba?'

'Sabagay.' Sang-ayon ni Vice. 'Cute nga naman. Pero malakas din ang dating kung Padilla diba? Kathryn Bernardo- Padilla.'

'Masyadong mahaba kasi.' Reklamo ni Kath.

Natawa lamang si DJ.

'E yung baby nyo, sinong nakaisip ng pangalan nun? Medyo mabantot e.'

'Siya.' Turo ni Kathryn kay DJ. 'Nung una kasi, Daniel John II yung suggested ko na name. Pero nung lumabas na siya, ipinilit na ni DJ yung Juan Danilo.' Pagkkwento ni Kathryn.

Lumabas sa malaking screen sa likod nila ang picture ni Danilo.

'Ang gwapo.' Vice gushed. 'Kaso talaga yung name. Parang matandang may poknat yung Juan tapos yung Danilo parang tambay sa kanto.'

'Ang ganda kaya. Diba, Filipinong Filipino yung Juan Danilo Bernardo tapos Stateside yung Ford? Tsaka Danilo, yun ang tawag sa akin ni Mama tsaka neto pag galit.' DJ pointed at Kath.

'Talaga? Bakit nagagalit si Kath sa'yo? Ano kadalasang pinag-aawayan nyo?'

Natahimik sandali sina Kath at DJ.

'Hindi kayo nag-aaway?'

'Nag-aaway.' Sagot ni Kath. 'Pero wala naman yung sobra sobra. Lately, wala pa naman uli. Kasi kadadating pa lang din namin ni Danilo from Alaska. So, ngayon lang uli kami nagkasama ni DJ talaga.' Tila nagiging at ease na si Kath sa interview.

'Kelan kayo huling nag-away?'

Sasagot na sana si Kath nang marahang tinapik ni DJ ang binti nito. Napatingin sa kanya si Kathryn at umiling si DJ.

'Wag daw.' Iling ni Kath.

'Ay, ayaw ipasabi?'

'Medyo matagal na rin.' Yun na lamang ang binanggit ni DJ.

'Ay, diba nung kinasal kayo, meron kayo ng Fight Box keme keme?' Tanong ni Vice. 'Yung dun sa reception. Yung pinukpok pukpok nyo.'

'Oo.' Sabay na sabi nina DJ at Kath.

'Nabuksan nyo na?'

Tumingin muna si Kath kay DJ as if asking if she can answer the question. Pumikit at tumango naman si DJ.

'Nabuksan na.' Sagot ni Kath.

'Ah, so nag-away na kayo ng bonggang bongga after nyo ikasal?'

'Hindi naman bonggang bongga.' Iling ni DJ habang nakakunot ang noo.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon