CHAPTER 3: Lights On (Cut 3)

52.1K 615 63
                                    

**********

'Ay mag-practice tayo.' Tumayo si Vice mula sa kanyang upuan. 'Kunwari, medyo matandang magulang na kayo tapos si Danilo ay mga 17 years old na. Nakabuntis siya. Paano niyo ittreat yung ganung sitwasyon? Pero parang hindi pa rin ganoong katanda diba? 37 ka, DJ tapos 36 si Kath.'

'Ok na yun Vice.' Reklamo ni Daniel.

'Yan ka na naman! Tinatamad ka na naman Daniel e. Tayo.'

Tumayo si Kath at sumunod naman agad si DJ.

'Hanap tayo ng gaganap na Danilo. Danilo talaga ang tawag nyo sa kanya? Diba Juan Danilo? Ayaw nyo ng JD?' Tanong ni Vice habang lilinga linga sa audience.

'Ayaw nya.' Tinuro ni Kath ang asawa. 'Kasi may kabarkada sya na JD ang name.'

'Baka mahawa sa katarantaduhan.' DJ added.

'Ay ito.' Umakyat sa bandang taas si Vice at pinuntahan ang isang binata. 'Halika.'

Bumaba na muli si Vice patungo sa gitna habang nakasunod naman ang napiling gaganap na Danilo.

'Anong name mo?' Tanong ni Vice.

'Troy.'

'Ok na bang anak sya nina Kath at DJ?'

Tawa lamang ng tawa ang mag-asawa at ang audience habang tinitingnan yung napili ni Vice.

'Ilang taon ka na?'

'25.'

'Mas matanda pa sa amin!' DJ exclaimed.

'Wag ka ng chumoosy! Sya si Danilo ngayon! Kailangan nyong tanggapin ang tadhana!'

'Vice, wag kang mag-joke ng ganyan! Pag si Danilo!' Tawang tawa na si DJ. 'Kuya, joke lang ha. Vice kasi e!'

Panay naman ang tago ni Kath sa likod ni DJ. Halatang ayaw ipakita sa napili ni Vice ang pagtawa niya.

'Bakit? O game na! Ikaw si Danilo, 17 years from now. Nakabuntis ka. Ipapaalam mo sa mommy at daddy--- Anong gusto nyong itawag sa inyo ni Danilo pag nagsasalita na sya?'

'Nanay at Tatay.' Sagot ni Kath.

'Ayan.' Vice turned to the guy again. 'Sasabihin mo: 'Nanay, Tatay, may nabuntis po ako.' O game!' Marahang itinulak ni Vice yung lalaki papalapit kina DJ at Kath.

'Nay, Tay.' Lumakad sya papalapit sa mag-asawa na pigil na pigil pa rin sa paghalakhak.

'O Danilo?' Malambing na sabi ni Kath.

'Nay, tanggap nyo naman po na mas gwapo ako kay Tatay diba?'

'Ay oo nga naman o.' DJ commented.

'Um-adlib ka pa ha!' Puna ni Vice.

Umiling si Kath. Halatang tawang tawa na siya sa ginagawa.

'Tay, kausapin mo nga 'tong anak mo o. May sapi na naman yata.' At tumalikod si Kath at muling tumago sa likod ng asawa.

'Anong problema, Danilo?' Inabot ni DJ ang balikat nito at hinawakan.

'Kasi po, Tay. May nabuntis po ako.'

'Nay, may sapi nga.' Baling ni DJ kay Kath habang pigil na pigil sa pagtawa.

***********

Nakabalik na sa kanilang mga upuan ang tatlo matapos ang isang 3 minute break.

'Papag-artistahin nyo rin si Danilo?' Tanong ni Vice. 'Kwento ni Karla, may mga offers na daw na commercials a.'

'Nagulat nga rin kami e.' Panimulang kwento ni Kath. 'Kasi parang one day ko pa lang yata naipanganak si Danilo e may mga tumatawag na. Inaalok nga ng commercials.'

'May tinanggap kayo?'

'May dalawa. Pero hanggang dun na lang muna.'

'Solo siya?'

Umiling si Kath.

'Yung isa, kasama niya si Kath.' Sagot ni DJ. 'Yung isa naman, kaming tatlo.'

'Ay wow! Ang cute.'

'Pero mauuna yata yung sa kanilang dalawa muna.'

'Anong commercial?'

Ibinulong ni DJ ang sagot sa tanong ni Vice.

'Ah, diapers.'

'Puta! Ang ingay!' Reklamo ni DJ.

'Gustong gusto ko talagang iniinis itong si DJ. Halatang inis na inis sya. Tsaka me pagka-agresibo.'

Tumango si Kath.

'Ay, tumango si Kathryn. Agresibo ba si DJ?'

'Hindi yun! Agree ako na pag inis sya, halatang halata! Hindi dun sa ano!' Hindi na napigilan ni Kath na mamula.

'O di itatanong ko na lang. Agresibo ba si DJ?'

Humawak sa braso ni DJ si Kathryn at nagtago na naman sa likod ng asawa.

'Ako na lang ang sasagot.' DJ volunteered. 'Agresibo nga po ako. Minsan, nagigising si Kath, ang dami na niyang pasa pasa.'

'Owhmaygahd!' Vice exclaimed. 'Hindi agresibo tawag dun! Sadista! Sadista ka Padilla!'

'Hindi. Kasi malikot matulog si DJ. So minsan talaga, nahuhulog ako sa sahig. Sa laki ba naman ng asawa ko diba? Wala akong kalaban laban.' Kath tried to cover it up but later realized that she just worsen the situation.

'Halata namang malaki tong si DJ, Kath. Wag mo nang ipagdiinan. Wag mo na kaming inggitin.'

Iiling iling habang tumatawa na naman si Kath. Ramdam niya ang pag-init ng magkabilang pisngi dahil sa hiya.

'Sabi ko nga dati diba, ikaw ang 'bukod na pinagpala sa babaeng lahat'. Maganda ka na, seksi pa, matalino, mahal na mahal ka pa ng lalaking ito, ang gwapo gwapo ng anak mo. Siguro ipis ka sa past life no? Kasi sinalo mo na ngayon lahat ng good karma.'

'Hindi naman.' Ngumiti lang si Kath. 'Syempre may mga gusto pa akong matupad. Gusto ko pang makatapos ng college.'

'Magbabalik artista ka ba? Kasi kung oo, malamang matengga na naman yang studies mo.'

'Ano kasi, sa ngayon parang gusto ko muna, alagaan lang si Danilo. Sabi kasi ni Mama Karla, dapat daw pag baby pa lang, huwag muna ipaubaya sa yaya. Natatakot din kasi ako baka pag nag-artista na uli ako, pag-uwi ko from tapings e hindi ako kilala ni Danilo. Diba?'

'Pero may mga offer?'

'Sa ngayon, puro commercials. Yun siguro, pwede pa. Pero yung teleserye or movie, hindi muna.'

'So gusto mo talaga hands on ka kay DJ. Este kay Danilo.'

Nagtawanan na naman ang audience.

'Yan ka na naman Vice e!' Reklamo ni DJ. 'Ang balahura mo talaga kahit kailan.'

'Bakit? Ayaw mo ba na hands on sayo si Kath? Hands on sa pag-aalaga! Ikaw ang balaj dyan na mag-isip e!'

'E kasi nga, stop na.' DJ whined.

Humagalpak ng tawa si Vice.

'Padilla, nagbe-baby talk? What a sight to behold!'

************

'Andyan na sina Nanay at Tatay!' Karla cooed at the 4 month old Danilo as she followed their maid who opened the main door.

'Danilo!' Tawag ni Kathryn sa anak at agad na inabot ito mula sa biyenan. 'Na-miss ka ni Nanay.' At hinalikan nito ang noo ng anak.

Lumapit si DJ at hinalikan din si Danilo.

'Ako naman ang kakarga.' Sabi ni DJ sa asawa.

'Mamaya ka.' Kath hissed at him. 'Kakukuha ko pa lang e.'

'Ang tagal nyo na ngang magkasama sa Alaska e. Amin na.'

'Eee...' Naglakad na papalayo si Kathryn mula kay DJ.

Sumunod naman agad si DJ sa asawa.

'Ay grabe, parang walang nadaanang Nanay at biyenan dito a. Yung dalawa na yun talaga.' Reklamo ni Carla habang sinusundan na din ang mag-asawa.

******** END OF CHAPTER 3 *******

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon