CHAPTER 23: What Really Happened

34.6K 453 61
                                    


********

'DJ ano ba?!' Bumalik ang ulirat ni DJ nang marinig ang boses ng asawa na buhat buhat na si Danilo.

Nilingon ni Daniel si Kathryn at ipinikit ang kanyang mga mata.

'Babe?' Hinaplos ni Kath ang pisngi ng asawa at dinama ang leeg nito. 'May masakit ba?'

Ipinilig pilig ni DJ ang ulo at ipinikit muli ang mga mata. Nilingon niya si Dominic na kanina ay kaharap niya.

Wala naman ito. Natanaw na lamang niya ito na nakaupo sa isang table kasama sina Julia at Miles.

'Huy.' Kath poked DJ's jaw.

Napangiti si Danilo sa nakita at ginaya ang ina. Natawa si Kathryn nang sampalin ng anak si DJ.

'Baby, no.' Suway nito maya maya. 'Huwag mong sampalin si Tatay. Ganito lang o.' Hinaplos muli ni Kath ang pisngi ni DJ. 'Masakit ba Tatay?'

Hinawakan ni DJ ang kamay ng asawa at umiling.

'Medyo masakit ang ulo ko.' He murmured and sat down on the nearest chair.

Tinabihan ng mag-ina si DJ habang pinagmamasdan ito. Hinanap ni Kath ang ina at natagpuan ito sa may dulo ng ballroom.

'Wait babe. Teka lang. Stay.' Tumayo si Kathryn at mabilis na pinuntahan si Min.

'Anak, dahan dahan! Baka mabagsak mo si Danilo!' Min told her daughter.

'Ma, may paracetamol ka ba dyan? Or Aspirin? Vicks? Or candy? Kahit anong pantanggal ng headache.'

'Sino bang masakit ang ulo?' Tanong ni Min habang hinahalughog ang loob ng bag. 'White flower lang ang meron ako.' She said, showing Kath a small bottle.

'Pwede na yan. Masakit po kasi yung ulo ng asawa ko e.'

At bago pa man muli nakapagsalita si Min ay humahangos na si Kath pabalik kay DJ.

'Babe, smell this.' Umupo si Kath sa tabi ni DJ at inayos ang pagkandong kay Danilo na pilit hinihila ang maliit na bote ng White Flower. 'No, Danilo. O, babe.'

'Ano ba yan? Amoy matanda.' Reklamo ni DJ matapos mapuno ng maanghang na amoy ang kanyang ilong.

'Pantanggal ng headache 'to.' She rubbed a small amount on DJ's temples.

'Ba, mag-aamoy matanda ako.'

'What do you want? Masakit ulo mo or amoy matanda ka?'

'Iwan mo na lang ako dito muna. Ok na ako mamaya.'

'Pero babe kasi, magsisimula na yung party e. Kailangan tayo dun.'

'I'll be fine. Kiss mo na lang ako dito.' DJ pointed at his forehead.

Ngumiti si Kath at pinadapuan ng halik ang noo ng asawa.

'Kiss Tatay, Danilo. Kiss Tatay.' Sabi ni Kath sa anak na agad ding hinalikan ang pisngi ng ama.

'Ok na ako. Tara na.' DJ stood up instantly and grabbed Kath's hand. 'Sa akin na lang si Danilo.'

'No need na. Baka mabitawan mo sya e.'

'Ba...' He whined.

'Wag ka nang makipag-argue, ok? Come. Take my hand.' Inilahad ni Kath ang kaliwang kamay sa asawa habang buhat naman ng kanan nya si Danilo.

Napakamot na lang sa ulo si DJ bago nya inabot ang kamay ni Kath.

'I love you.' Pagdaka'y bulong nya sa sintido ng asawa bago hinalikan ito.

*********

'Hello everyone!' Bati ni Kath sa mga bisita na nakaupo na sa kani-kanilang seats.

Katabi nya sa stage adorned with balloons and Adventure Time characters si DJ na buhat naman si Danilo.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon