CHAPTER 28

18 6 0
                                    

Day 21 being stupid cupid: Friendship







Tumitingin-tingin ako sa mga kumakain baka kasi may pumunta dito at mag Cr.

"Miss."

"Ay miss!" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, tiningnan ko ito.

Nagtatakang tiningnan ako nito. "Are you okay? Nakatulala ka kasi." Ani nito, sa concern na tono. Ngumiti lang ako ng maliit sa kaniya.

"Excuse me, hindi ako makapasok sa Cr nakaharang ka." napatayo ako ng tuwid dahil sa sinabi niya.

Anong gagawin ko, magdadahilan.

"A-Ano kasi, may t-tao sa loob." Sabi ko.

"Huh!"

"Baka pweding mamaya ka nalang mag Cr." Dagdag ko. Mas lalong tumingin ito sa akin ng nagtataka. "You looked scared. Miss." Napalunok ako. Humakbang ito palapit sa akin kaya napahakbang din ako palapit lalo sa pintuan ng Cr.

"Bawal kasi talagang pumasok."

"At bakit naman," naging mataray na ang tono nito ng pananalita. Galit na kaya siya?

Bakit kasi ang tagal nilang mag-usap, sana pala sa ibang lugar ko nalang.

Hahakbang pa sana siya palapit sa akin, pero hindi natuloy dahil tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa may pursue niya, tumingin muna ito sa akin bago niya sinagot ang tawag.

"Yes, Mom."

"Okay, okay. Maybe later," nakatingin lang ako sa kaniya habang kausap niya sa cellphone niya ang kaniyang Mommy. Kamusta na kaya si Mommy at Daddy.

"In a restaurant." Sabi nito ng nakatingin sa akin.

"Okay I'll be there in a minute. Bye Mom." Tumingin ito sa akin ng patayin niya na ang tawag. Sinamaan ako nito ng tingin bago naglakad papalayo sa akin nang walang sinasabi na kahit na ano.

Buti nalang at tumawag ang Mommy niya kung hindi ay baka nakipagtalo pa 'yon sa akin. Tiningnan ko ang relo ko, 2:14pm na pala. Naglakad ako pabalik sa may lamesa namin. Kakain muna ako nakakapagod kaya ang tumayo doon sa labas ng Cr.

Tahimik lang akong kumain habang nagce-cellphone. Natigil ako sa pagkain ng makita ko ang isang babae na tumayo at papuntang Cr. Bakit 'ba kasi ang tagal nilang mag-usap. Uminom muna ako ng juice bago tumayo para sundan ang babae sa Cr.

Sinusubukan na ng babae na buksan ang pinto kahit may susi. Akala niya siguro sinabit lang ang susi doon.

"Hmm. Miss. Sarado po yan." Nagtaka naman ito. "Huh! Bakit."

"May sira po kasi sa loob ipapaayos p-" Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ni Flor, umiiyak siya.

Tiningnan ko ang babae na nanlulumo. "May multo." Gusto kung matawa dahil sa sinabi niya. "Ahh! Oo meron-"

Bigla nalang itong kumaripas ng takbo at bumalik sa table nila. Napatingin tuloy ang iba sa kaniya. May sinabi ang kasama niya sa kaniya pero umiling lang siya.

Lumapit ako sa may pintuan at idinikit ko ang tenga ko. Wala naman akong naririnig.

"Flor!" Wala pa ring nagsalita. "Are you okay?"

Nang hindi parin nagsalita si Flor, ay inilabas ko na ang cellphone ko. Para tawagan sila. Si Rouw ang tinawagan ko. Nagri-ring ang cellphone niya.

"Bakit ang tagal niyo dyan? Bilisan niyo mag-usap." Sabi ko ng sagutin ni Rouw ang tawag.

"Okay, okay. Sorry." Pinatay niya din naman ang agad ang tawag.

Pabalik na ako sa may table namin ng makita ko si,

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now