Twenty-seven

36 1 2
                                    

[Brielle]
Grabe! Sobrang nakakapagod yung rope activities pero worth it. Masayang-masaya nitong sabi.

Kakatapos lang namin gawin lahat ng rope activities dito sa camp and tama siya super nakakaenjoy nga ito and napakachallenging.

Hindi halatang nag enjoy ka nga. Asar ko dito.

Kumunot naman ang noo nito habang nakatingin sa akin. Bakit hindi ka ba nag enjoy? Tanong nito sa akin.

Nag enjoy na—

Glad to hear it and besides iyon din ang gusto kong mangyari. Nakangiti nitong sabi sa akin. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. So, gusto mo na bang itry yung zipline nila or gusto mong kumain muna? Tanong nito sa akin.

Agad naman ako nakabawi mula sa pagkagulat. Uhmm... kumain na muna tayo, nagugutom na ako. Sagot ko.

Sige, kaya lang isang restaurant lang yung nakita ko kanina dito sa loob ng camp then yung iba ay nadaanan natin kanina habang papunta dito. Sagot nito habang nag-iisip ng pwede naming kainan. Meron tayo nadaanan kanina na restaurant na alam kong magiging comfortable ka, yun nga lang lalabas pa tayo. Kung dito naman tayo kakain baka maging unco——

Na baka maging uncomfortable sa akin?? Ako na ang nagtuloy nang dapat sasabihin niya. Iyon ba ang iniisip mo? Tanong ko dito kaya tumango ito sa akin bilang sagot. Ano ka ba, Air factory?! Ayos lang na dito tayo kumain. Ngumiti ako sa kanya. Kalimutan mo na yung nangyari noon. Nanibago lang talaga ako. Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganung kainan. Hindi mo naman kailangan laging isipin na sa tuwing kasama mo akong kumain ay maooffend mo ako or you're making me feel uncomfortable. Muli akong ngumiti sa kanya. Pero thank you, naaappreciate ko yung ginagawa mo pero no need to do it. Okay lang ako. Pag aasured ko sa kanya.

Are you sure? Naniniguradong tanong nito sa akin. Kaya bahagya akong natawa dito at napailing.

Nakatitig lang ito sa akin. Oo nga! Tara na nga! Nagugutom na ako. Nakangiti ko pa rin sabi sabay hila sa kanya papunta sa restaurant na sinasabi niya.
————————————————
Nang makarating kami sa restaurant ay kapansin-pansin na sobrang busy ng restaurant, madaming guest sila ngayon.

Ang daming tao. Mahinang puna ko.

Oo nga. Madami din kasi ang tourist ngayon dahil malapit na ang peak season. Dagdag nito. Tara na sa loob. Pag-aya nito.

Hindi naman nakatakas sa akin ang pag-aayos niya ng cap niya at mask.

Pagdating namin sa reception area ay agad kaming sinalubong ng receptionist.

Welcome po Ma'am and... agad naman niyang tiningnan si Air factory kaya medyo binaba ni Air factory ang cap niya. ...Sir. Table for two? Nakangiting tanong nito sa amin.

Yes, please. Ako na ang sumagot dahil baka makilala pa nito si Air factory at pagkaguluhan ito. Madami pa namang tao ngayon dito sa restaurant.

This way po. Magalang at nakangiting sagot nito sa amin. Sumunod naman kami sa kanya.

Di kalaunan ay tumigil kami sa tapat ng isang table sa may window side.

Maganda yung spot lalo na't kitang-kita mo yung view sa labas pero hindi ito maganda para kay Air factory dahil madali siyang mapapansin ng tao mula sa labas at sa mga katabing table.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now