Fifty-five

14 1 0
                                    

[Bree]
This is it Shy! Ito na yung unang step para ayusin ang lahat sa buhay mo.

Kaya ko to! Aja! Mahinang sambit ko at huminga ng malalim bago magpasyang lumabas na ng aking kwarto.

Pagdating ko sa sala ay agad akong sinalubong ni lola para tulungan sa mga maleta ko.

Apo, sigurado ka ba na hindi ka na magpapahatid sa airport? Nag-aalalang tanong ni lola sa akin.

Hindi na po La, kaya ko naman po mag-isa at tsaka kung kasama ko po kayo ni Lolo Pops baka  maiyak lang po ako at baka hindi po ako makatuloy. Ngayon pa lang po na nagpapaalam ako sa inyo ay parang gusto ko nang ibalik itong mga maleta ko at manatili nalang po dito. Sagot ko kay Lola.

Naku hindi naman ako makakapayag na gawin mo iyan apo. Oo gusto namin ng Lolo mo na manatili ka nalang dito sa atin pero kung ang kapalit ng pag-alis mo ay ang pagtupad ng mga pangarap mo, aming isasantabi ang aming kagustuhan at susuportahan ka. Hinawakan ni Lola ang aking mga kamay. Minsan mo nang isinantabi ang mga pangarap mo para sa amin kaya naman hindi na ako papayag pa ulit na gawin mo ito. Mahabang lintaya nito. Basta mag-iingat ka doon at palagi kang tatawag, apo. Nakangiti nitong bilin habang sapo nito ang aking mukha.

Nangingilid naman ang aking luha kaya niyakap ko si Lola Mels nang mahigpit. Opo La, kayo din po mag-iingat po kayo dito. Tatawag po ako sa inyo ng madalas. Alagaan po ninyo ang sarili ninyo at si Lolo dahil sasabitan pa po ninyo ako ng medalya sa graduation ko. Nakangiti at maluha-luha kong sambit. Pangako po La, pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko at makikita po ninyo na makakagraduate ako. Maghahanap po ako ng magandang trabaho at bibigyan ko kayo ni Lolo ng magandang buhay, kasama po kayo sa pangarap ko La. Kayo po ang pangarap ko, kayo ni Lolo. Dagdag ko pa at muling niyakap si Lola na ngayon ay lumuluha na.

Maraming salamat, apo. K'ay swerte ko at may apo akong gaya mo. Malambing na sambit ni lola habang maingat na hinawakan ang aking pisngi para pawiin ang luhang lumandas dito.

Matapos kong magpaalam kay Lola ay agad ko naman binalingan si Lolo Pops.

Ngumiti naman ito sa akin kaya agad ko itong niyakap.

Mag-iingat ka doon apo ko. Wag mong papabayaan ang iyong sarili. Malambing at nakangiti nitong sambit. Masaya si Lolo dahil matutupad mo na ang pangarap mo. Dagdag nito kaya muli akong naluha.

Opo Lo, kayo din po. Mag-iingat po kayo, wag na po kayong magpasaway kay Lola. Bilin ko dito. Pangako po pag nakatapos po ako at nagkaroon ng magandang trabaho, bibigyan ko po kayo ng maayos na gamutan. Pangako ko kay Lolo Pops.

Ngumiti naman ito sa akin at tumango. Salamat apo. Wag mo kaming alalahanin masyado dito. Magiging maayos kami ng Lola mo dito. Sabi nito. Oh siya! Humayo ka na at baka mahuli ka sa flight mo. Dagdag pa nito habang nakangiti.

Tumango naman ako dito at muli silang niyakap.

Nang makapagpaalam na ako ay niyaya ko na si Sancho na umalis. Ihahatid ko lang si Sancho kina nanay dahil weekends na at doon muna ito.
————————————————————————
Nang makarating kami sa bahay nina nanay ay agad kong natanaw si nanay na naghihintay sa labas ng gate ng bahay.

Ate... hindi ka ba magpapaalam kay nanay? Tanong ni Sancho sa akin.

Sancho, yung mga bilin ko sayo, wag mong kalimutan. Wag kang magpapasaway kina Lola. Mag-aaral kang mabuti. Pag-iwas na sagot ko.

Napabuntong-hininga naman si Sancho at tumango.

Oo ate... wag kang mag-alala. Gaya mo pagbubutihan ko ang pag-aaral ko. Ako na din bahala kina Lola. Makakaasa kayo ni Ate Luna sa akin. Sagot nito. Niyakap naman ako nito kaya napangiti ako. Mag-iingat ka doon ate ah! Sabihin mo sakin pag may nagpaiyak o umaway sayo doon. Pupuntahan kita agad at ipagtatanggol kahit pa gaano kalayo yun. Bilin nito kaya bahagya akong natawa.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon