Forty-two

45 1 2
                                    

(Fast forward)
(Wednesday)
[Seb]
Tss! Ilang araw ko nang pinag-isipan kung paano ko mabebeat yung date ni Bree at ni Fritz, hanggang ngayon wala pa din akong stable na plano.

Nung nagtanong naman ako kay Tan puro kag*guhan lang ang sinasuggest sakin.

Tss! Kailangan ko nang maayos yung plano ko dahil mamaya nang gabi iyon!

Focus Seb!

Morning Seb. Bati ni Bree sa akin kaya agad akong napaayos ng tayo. Okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka mapakali? May problema ba? Sunod-sunod at kunot-noong tanong nito.

A-ah! Wala. Ano palang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba? Pag-iiwas kong tanong dito para hindi niya malaman na kinakabahan ako para sa magiging date namin mamaya.

Gagawin ko sana yung report na hinihingi ni Ma'am Heidie tapos babalik din ako mamaya ng reception para tulungan si Sandra. Paliwanag nito. Awkward ko naman siyang nginitian habang mapanuri niya akong tinitingnan.

Sigurado ka bang okay ka lang? Muling tanong nito sa akin kaya ngumiti ako dito at tumango.

Oo, Bree. Tipid na sagot ko.

Tumango-tango naman ito sa akin bago maupo sa office chair.

Bree, mamaya ah! Paalala ko dito.

Ngumiti naman ito at tumango. Oo, natatandaan ko Seb. Sagot nito bago mag-umpisa nang mag type sa may computer.

Lihim naman akong napangiti kaya tumalikod na ako para bumalik ulit ng table ko nang biglang magring ang phone ko.

Gelo calling...

Napakunot ang noo ko nang makita ang caller i.d.

Hello, Gelo?? Bungad na sabi ko matapos kong sagutin ang tawag.

Nakakapagtaka kasi at tumatawag sakin si Gelo ngayon.

May issue na naman ba ako??

Tan, sorry! Naabala ba kita? Tanong nito.

Hindi naman, bakit napatawag ka? Agad na tanong ko dito.

Ano kasi...uhmm... Tan... kakausapin ka sana ni Manager Krissy kaso busy na siya kaya ako ang inutusan niya. Panimula nito.

Tungkol saan ba? Tanong ko kay Gelo.

Uhmm... ano... Tan, alam naming naka hiatus ka ngayon kaya lang... meron kasing clothing brand na gustong-gusto kang kunin bilang ambassador and endorser nila. Paliwanag nito.

Then? Tell them na on hiatus ako and I don't accept commitments hanggang ngayon. Sagot ko kay Gelo.

Ano kasi Tan... pursigido kasi talaga sila na kunin ka. Kaya niligawan at kinukulit nila si manager Krissy para pumayag ito. Ilang beses nang dinecline ni manager yung offer pero mapilit talaga sila. Paliwanag muli ni Gelo.

Big clothing brand ba ito? Tanong ko sabay hilot sa sentido ko.

Yes. Napagod na din si manager Krissy kakadecline kaya pumayag na siya. Inform nito.

Whattt?!! Hindi makapaniwalang sabi ko. Don't tell me na gagawin ko na yung photoshoot nila and endorsement ad? Tanong ko.

Yes, Tan. Sagot ni Gelo. Actually, nandito kami ngayon sa resort ninyo. Dagdag nito.

WHATTT?!! Bulalas ko kaya agad kong naagaw ang pansin ni Bree.

Muli akong napahilot sa sentido ko.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon