~Twenty~

43 3 5
                                    

(One month passed)
[Brielle]
Ito na ang last day namin sa resto at buffet at bukas ay sa room service na maassign si Air Factory.

Nung nalaman ito ni Barbie ay para itong sinisilihan sa pwet. Excited na excited itong maka duty ang future "husband" daw niya.

Morning shift kami kaya maaga kaming makakaout ngayon.

Ma'am Shy, asahan ko kayo mamaya ah! Kahit sumaglit lang kayo oh! Pakiusap ni Roxanne sa akin.

Sige, pagkatapos ko sa part-time ko, pupunta ako pero hindi ako iinom at magtatagal dahil may kasunod pa akong work. Sagot ko kaya ngumiti na ito sa akin.

Yun! Sabi mo iyan Ma'am Shy ah! Wala nang bawian. Masayang sabi nito kaya natawa ako.

Oo, birthday mo kaya pupunta ako. Nakangiting sagot ko.

Inaya ko din si Sir Sebastian buti nalang pumayag. Narinig kong sabi ni Roxanne kaya natigilan ako.

Oh! Mabuti naman at nagawa niyang sumama. Mula noong nagtraining siya ay hindi naman ito naglalabas. Isang beses ko pa lang nakita na lumabas ito, nung araw na pinagtripan niya ako.

Sige tulong muna ako doon, Ma'am Shy. Paalam nito sa akin kaya tumango ako.

May inaayos ako dito sa may reception ng restaurant ng biglang sumulpot sa tabi ko si Air Factory kaya nagulat ako dito.

Ano ba?! Kabute ka ba? Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?! Inis na tanong ko dito.

Pupunta ka ba sa birthday ni Roxanne? Seryosong tanong nito kaya napakunot ang noo ko.

Oo, bakit mo tinatanong? Taas-kilay kong tanong dito.

Wala. Tipid na sagot nito kaya mas lalo akong nagtataka. Just make sure na pupunta ka, kung hindi malalagot ka sa akin. Sagot nito pagkatapos ay tumalikod na at umalis.

Ano bang trip non?


Natural pupunta ako dahil kaarawan ng kaibigan ko.



Sira talaga!
————————————————
Nang matapos na ang duty namin ni Air Factory ay agad akong nauna papunta sa locker.

Hitler. Tawag nito kaya napalingon ako.

Immune na ako sa pagtawag niya sa aking Hitler gaya ng pagka immune niya sa pag tawag ko sa kanyang Air Factory. Ilang beses ko din siyang sinaway pero makapal talaga apog nitong tukmol na ito kaya hinayaan ko nalang.

Seryoso parin ang itsura nito nang lingunin ko siya. Pumunta ka mamaya. Yari ka talaga sa akin pag hindi ka pumunta. Sabi nito at nauna nang umalis.

Problema ba nun?

Kanina pa siya?







Nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagpunta ng locker para makapaghanda na sa susunod kong trabaho.
————————————————
Nang makarating ako sa lugar na tinext ni Roxanne kung saan ginaganap yung simpleng painom at pahanda niya ay agad akong pumasok sa loob para hanapin ang mga ito.

Tinetext ko na si Roxanne para sabihin na kakadating ko lang nang magulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

Tss! Bakit ngayon ka lang? Inis na tanong nito sa akin at nang lingunin ko ito ay ang nakabusangot na mukha ni Air Factory ang bumungad sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit nagsusungit na naman ito at kung bakit ito nandito sa may labas.

Sorry ah! Galing pa ako sa trabaho ko SIR. Sarcastic na sagot ko. Bakit nandito ka sa labas? Nasaan sila? Sunod-sunod na tanong ko.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now