~Two~

88 4 26
                                    

[Sebastian]
Days passed by, naging busy ako sa kaliwat-kanang schedules dahil narin sa ginawa kong pagcancel nung nakaraang commitments ko.

Matapos kong isuot ang sapatos ko ay naglakad na ako palabas ng kwarto ko.

Habang pababa ako, nadaanan ko ang kwarto ng kapatid ko kaya naisipan ko dumaan sandali.

Kumatok muna ako bago ako pumasok. Jewish? Pagtawag ko dito. Naabutan ko itong nakaupo sa study table niya at busy magsulat.

Napalingon naman ito sa akin. Kuya? May kailangan ka ba? Tanong nito sa akin kaya ngumiti ako at umiling.

Wala naman. May class ka ba today? Tanong ko ulit sabay tingin sa ginagawa niya.

Yes po kuya pero until 12nn lang. Bakit mo natanong kuya? Nagtatakang tanong nito sa akin.

Wala lang I just want to ask you a favor. Pwede ba? Tanong ko.

Sige kuya. Ano po ba iyon? Nakangiting sagot nito sa akin.

Pwede mo bang samahan si Ate Zoe mo? kahit saan, mall, movie theater anywhere... just keep her distracted. Tumingin naman sa akin si Jewish. I can't accompany her today kasi may mga shoots and guesting ako. Paliwanag ko.

Sige kuya, tutal may bibilhin din naman ako sa mall na school supplies for my project. Don't worry ako bahala kay Ate Zoe. I kinda' miss her too, kaya no biggie. Masiglang sabi nito sa akin kaya ginulo ko ang buhok niya. Inis naman niyang pinalo ang kamay ko. Kuya! My hair. Napanguso naman ito kaya natawa ako.

Thanks Wish, alis na si Kuya. Be good, kkay? Tumango naman ito bago tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya.
————————————————
Buong araw ay wala akong maayos na pahinga. Kaliwat-kanan ang schedule ko, palipat-lipat ng location.

Nakapikit lang ako habang sakay ako ng sasakyan, kakatapos ko lang sa isang event na pinuntahan ko.

Tan, cleared na ang sched mo today. Kaya pwede ka na umuwi at magpahinga dahil tomorrow fully sched ulit tayo.

Napamulat naman ako ng marinig ang sinabi ni Manager. Can I go somewhere today? Tanong ko.

Bakit may lakad ka ba? Pwede naman, kung may party kang pupuntahan just make sure na limited lang ang alcohol intake mo. Maaga ang schedule mo bukas, ayaw ko na icancel mo iyon dahil sa hangover. And please be extra careful kakalinis lang natin ng issue mo. Mahabang paalala nito.

Okay. Tipid kong sagot bago napatingin sa phone ko nang may tumatawag.

Jewish Calling...

Wish.

Kuya... si Ate Zoe... bigla naman ako napaayos ng pagkakaupo ng marinig ko ang sinabi ni Jewish.

What happen, Wish? Agad kong tanong at iniwas ang tingin kina Manager na nakatingin sakin mula sa rearview mirror ng sasakyan.

We're about to eat na sana sa isang restaurant, oorder na sana kami ng food nang bigla nalang siya magyaya umuwi. Nung makarating kami sa condo niya bigla nalang siyang umiyak. I tried asking her kung anong nangyari but she didn't answered me. Pagkwento nito sa akin.

Napabuntong-hininga nalang ako matapos marinig ang sinabi ni Jewish. Nasaan siya ngayon?

Nasa living room siya kuya, and she's drinking. Again?

Muli akong napabuntong-hininga. Okay, papunta na ako diyan. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Bilin ko sa kapatid ko.

Okay kuya. Matapos sabihin iyon ay nagpaalam na ako.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now