Thirty-two

28 1 2
                                    

[Bree]
Days passed, mas naging close pa lalo kami ni Seb. Lagi ko siyang sinasamahan sa mga lakad niya lalo na pag nagpapatour ito dito sa lugar namin.

May times na pinagpapaalam niya ako sa mga part-time ko kaya hindi ako nakakapasok. Nag iinsist siya na bayaran yung abala na nagagawa niya pero tumatanggi ako.

Sinasamahan ko na din siya ng malibang naman siya. This past few weeks sobrang stress at pressure ang naranasan namin dahil sa target sales na dapat namin i meet.

Sigurado ka bang hindi mo manliligaw yang boss mo Shy? Nag-uusisang tanong ni ate Luna kaya naputol ang malalim kong pag-iisip.

Tinabi ko na yung asukal sa lagayan bago ko harapin si Ate Luna.

Ate Luna, hindi nga. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na magkaibigan lang kami ni Seb. Sagot ko kay Ate Luna.

Naging magkaibigan din kami ng kuya Tim mo bago kami makarating sa kung ano kami ngayon. Hindi paring patalong sabi ni ate.

Ate... magkaiba naman si Kuya Tim at si Seb eh. Sagot ko ulit.

Balak pa sana ni ateng magsalita pero pinili nalang nito na wag gawin. Nakatingin lang sa akin si Ate Luna bago bumuntong-hininga.

Sige na, dalhin mo na iyang kape na iyan sa boss mo. Papasok na ako sa trabaho. Mag-ingat kayo sa lakad ninyo. Paalam nito kaya ngumiti ako dito.

Ikaw din ate, ingat ka sa work mo. Paalam ko dito at sabay na kaming lumabas ng kusina.

Nang makarating ako sa sala ay agad kong inabot ang kapeng tinimpla ko kay Seb.

Salamat. Nakangiting pasalamat nito at muling nakipag-usap kina Lola Mels kaya bumalik na ako ng kwarto para mag-ayos.

Lubos ang pasasalamat nina Lola Mels at Lolo Pops kay Seb nung nalaman nila na ito ang sumagot ng bill namin sa hospital.




Kaya naman gada pumupunta ito sa bahay ay welcome na welcome ito.
————————————————
Nasa sasakyan na kami, at kanina pa ako kinukulit ni Seb tungkol sa kung saan kami pupunta ngayon.

Wag ka nang maraming tanong, mag drive ka nalang. Sigurado naman ako na magugustuhan mo doon. Tanging sabi ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin. Yes, I'm sure of it. Kasama kita eh. Agad ko naman siyang nilingon dahil sa sinabi niya. Tumikhim naman ito at agad sumagot. I mean, sigurado akong magugustuhan ko din doon kasi ikaw yung tour guide ko. Magaganda yung lugar na nirerecommend mo. Paliwanag nito kaya tumango nalang ako bilang sagot.

Muli itong tumikhim at nagfocus na sa pagmamaneho.
————————————————
Nang makarating kami sa location ay agad kumunot ang noo nito.

Hiking?? Kunot-noong tanong nito. Kakahiking lang natin last time diba? Dagdag na tanong pa nito.

Oo pero ibang hiking naman ito. Basta sumunod ka nalang. Ngayon pa lang din ako nakapunta dito. Sabi nila maganda daw dito. Tanging sagot ko at hinila na siya papasok sa loob.
————————————————
[Seb]
Nang makarating kami sa lugar kung saan napili ni Hitler na pumunta ay agad napakunot ang noo ko.

Hiking???

Parang kakahiking lang namin nung isang araw ah!

Hindi na ako nakipagtalo pa, nakikita ko kung gaano ka excited si Hitler.

And masaya ako na makita siya ulit na nakangiti. And I'm happy to be part of that smile.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at exited na hinila papasok sa loob.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon