Thirty-three

18 2 0
                                    

[Bree]
(Fast forward)
(Few months passed)
Sa mga nagdaan buwan, pinili kong dumistansya kay Seb.

Mula nung nangyari yung sa may falls ay yun ang simula na naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang epekto sakin ni Air factory.








Muli akong napabuntong-hininga kaya agad napatingin ang dalawa kong kasama dito sa reception area.

Hindi ko kasama si Seb dahil managerial na ang training niya kaya sina ma'am Heidie na ang magtetrain dito.

Next week ay sa resto ako maassign dahil magleleave si Sir Carlos kaya umaayon sakin ang pagkakataon kahit papaano.

Patuloy pa din kami sa pag promote and good thing dahil mas naging busy kami.

Sana ay makatarget kami.

Nanang, okay ka lang? Wag mo na kasi isipin yung mga froglet na iyon! Inggit lang sila sayo kasi pinapansin ka ni Sir Sebastian. Agad naman akong napalingon kay Barbie at agad sinaway ito.

Shh! Barbie! Wag ka nga maingay diyan! baka may makarinig na naman sayo tapos mamisinterpret na naman nila. Mahinang saway ko dito.

Pero ma'am Shy tama naman si Barbie. Inggit lang sayo sila Jenny. Balita ko kasi crush nila si Sir. Napabaling naman ang tingin ko kay Sandra nang magsalita ito. Di mo na kasalanan na mas maganda ka sa kanila at ikaw ang mas bagay kay Sir. Dagdag pa nito.

Sandra! Gulat na saway ko dito. Ay nako! tigilan ninyo nga akong dalawa kaya namimisinterpret ng mga staff dito eh dahil sa pang-aasar ninyo. Naiiling na sabi ko.

Bakit nga pala ma'am Shy di ko na kayo madalas makitang magkasama?? Dati naman halos di na kayo mapaghiwalay na dalawa. Napaiwas naman ako ng tingin at inabala nalang ang sarili na ayusin yung mga papers na pinapagawa sakin ni Ma'am Aileen.

Ano ba kayo? Hindi naman kailangan lagi kaming magkadikit ni Sir, tsaka busy din siya ngayon sa training niya dahil sa mga susunod na buwan ay fully hands-on na siya sa pagmamanage ng resort dahil tapos na ang training niya. Paliwanag ko. Sige na! Maiwan ko muna kayong dalawa diyan. Dadalhin ko lang ito sa office ni ma'am Aileen. Pagpapaalam ko sa dalawa bago ako tuluyang umalis para pumunta ng office.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa office ay malalim ang pag-iisip ko.

May issue kasi na naman dito sa resort tungkol sa closeness namin ni Seb.

Nung nasa cr ako sa may locker namin ay hindi ko sinasadyang narinig ang pinag-uusapan ng dalawang staff namin na si Jenny at si Ann.

Tungkol ito sa closeness ko kay Seb. Na ginagamit ko lang daw si Seb para makagood life ako sa trabaho at para yung mga request ko ay mapagbigyan palagi.

Hay! Kahit saan ata ako magtrabaho laging nabibigyang malisya ang pagiging malapit namin ni Seb. Mabuti nalang at dumidistansya na ako.

Nang magawa kong iaabot yung mga pinagawa sakin ni Ma'am Aileen ay dumaan na din ako ng stock room para kumuha ng ilang supplies para sa reception.

Napabuntong-hininga naman ako dahil ang bigat ng mga rim ng bond papers na dala ko.

Dapat pala sinama ko si Barbie.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now