~Four~

58 3 28
                                    

[Zoe]
Excited na ako at hindi na ako makapaghintay na makababa ng sasakyan. Ito na ang araw na pinakahihintay ko.

Makakasama ko na din si Philip.

Nang makarating kami ni Manong sa bahay na titirhan namin ni Philip ay naabutan kong naghihintay ito sa labas kaya nakangiti akong lumapit dito.

Kinuha naman niya ang mga gamit ko kay Manong at siya na ang nagbitbit nito.

Thank you po Manong. Ingat po kayo sa pagdrive. Paalam ko sa driver namin bago mabilis na sumunod kay Philip na nauna nang pumasok sa loob ng bahay.

Hindi mawala ang mga ngiti ko dahil naeexcite na talaga ako.

Namangha ako pagkapasok ko palang sa loob dahil sa ganda ng interior ng bahay.

Nakangiti ko namang nilingon si Philip matapos ibaba ang mga gamit ko sa living room.

Nabanggit sa akin ni Mommy na kahapon ka pa daw dito. Wala namang emosyon niya akong nilingon kaya napaiwas ako ng tingin dito. Ang ganda ng interior ng bahay no? I'm really hoping na makatulong ito sa atin since malapit na yung wedd—

We have 2 rooms here. Ikaw na ang mag occupy ng guest room since na occupy ko na yung isang room. Nababaliw na ata ang parents natin para pagsamahin tayo sa isang room. Let's get this straight, wala tayong pakialaman. You do your thing and I do mine too. Lilinawin ko lang din sayo dahil baka nalilimutan mo, I'm still against sa mga gusto ng parents natin lalong-lalo na yung about sa wedding kaya wag kang umasa na mag work itong pinaplano ninyo. Malamig na sabi niya sa akin at tinalikuran na ako.

Nawala naman ang ngiti ko at napalitan ng sakit.

Ano bang kailangan kong gawin Phil para mabalik yung dating tayo? Mahina kong tanong habang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Wala...















Dahil hindi na babalik yung dating tayo. Nakakasakal kang magmahal. Malamig na sagot nito at tuluyan na akong iniwan.

Nanghihina naman akong napaupo mula sa kinatatayuan ko at masaganang lumalandas ang mga luha ko.

Bakit Phil?? Saan ba ako nagkamali? Mahina kong tanong habang umiiyak.
————————————————
Matapos kong iakyat ang mga gamit ko at maiayos sa closet ay tahimik akong naupo sa kama ko.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang muling tumutulo sa mata ko habang abalang magdial sa phone ko.

Calling Cy...

The number you have dialed is unattend. Please leave—

Muli akong nagdial, ilang beses ko pa itong ginawa pero wala pa rin sumasagot hanggang sa sumuko na ako at niyakap nalang ang tuhod ko habang umiiyak.

Kaya mo iyan Zoe... ganyan lang siya dahil nabibigla pa siya sa nangyayari...

Tama! Agad akong umayos ng pagkakaupo at mabilis na pinahid ang mga luha ko. Kailangan ko lang magfocus sa pagiging housewife sa kanya. Yun nalang ang gagawin ko. Pagpapalakas ng loob ko sa sarili ko at tipid na napangiti para maibsan yung sakit na nararamdaman ko.
————————————————
(Kinabukasan)
Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast. Kahit naman mayaman ako marunong ako sa gawain bahay dahil madalas akong magstay sa condo kaysa sa bahay namin.

Ano kayang oras ang pasok ni Phil?

Naghahain ako ng mapansin ang pagbaba ni Phil sa hagdan.

Phil! Nakangiting tawag ko dito. Nilingon naman niya ako kaya ngumiti ako sa kanya. Nagluto ako ng breakfast, tara kain na tayo. Masayang sabi ko sa kanya.

Loving Sebastian KimOù les histoires vivent. Découvrez maintenant