Twenty-four

37 4 33
                                    

[Brielle]
Uy, Nanang! Naputol naman ang malalim na pag-iisip ko ng malakas akong tawagin ni Barbie.

H—ha?! Tanong ko dito.

Ay nako Nanang! Kanina pa ako salita ng salita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Taas-kilay na sabi nito. Ano ba kasing iniisip mo? Tanong nito sa akin.

Wala naman. Tipid na sagot ko dito.

Kurutin ko singit mo eh! Anong wala?! Matatapos na ang break mo at lahat hindi mo pa masyado nagagalaw pagkain mo. Sermon nito sa akin, pero di kalaunan ay napabuntong-hininga ito. Nanang, kilala na kita. Alam ko kapag may problema or may iniisip ka kaya kwento mo sakin iyan later okiii? Dagdag na sabi nito.

Tumango naman ako sa kanya. Sige na kumain ka na diyan! At mamaya mo na isipin kung ano man iyan. Tingnan mo oh! Hindi ka na fresh! Kaloka! Eksaheradang komento nito at muling pinagpatuloy ang pagkain.
————————————————
Nang matapos ang break ko ay bumalik na ako sa office para magtrabaho. Si Air factory naman ang mag brebreak.

Mabuti nalang din at busy kami ngayon kaya hindi niya magawang mangulit or mang-asar kaya kahit papaano nakakahinga ako ng maluwag.
————————————————
Nang sumapit ang oras ng out ko sa duty ay madali kong inayos ang mga gamit ko.

Dumaan na din dito si Barbie kanina para sabihin na sa locker nalang niya ako hihintayin dahil out na siya kaya naman nagmamadali na ako.

Uhmm...Air factory, mauna na akong umalis. Naghihintay na kasi si Barbie sa locker. Paalam ko sa kasama ko na abala pa din sa mga paperworks.

Malapit na kasi ang peak season kaya naghahanda na kami.

Ahh okay. Ingat ka Hitler tsaka magpahinga ka pag uwi mo bago ka pumasok sa part-time job mo, alam kong pagod ka sa dami nating inasikaso buong araw. Nakangiting paalala nito sa akin.

Kahit nakangiti ito ay mababakas mo ang pagod sa kanya.

Tipid na ngumiti lang ako sa kanya. Ikaw din. Sige alis na ako. Paalam ko at tuluyan nang pumunta sa locker room.

(Fast forward)
Naglalakad na kami palabas ng resort ni Barbie nang sinimulan na niya akong kulitin para sabihin sa kanya yung iniisip ko.

Oh Nanang! Spill! Maarteng sabi nito sa akin sabay angkla ng kamay niya sa braso ko.

Napabuntong-hininga naman ako bago magsimulang ikwento sa kanya yung nalaman ko.

Nang matapos akong magkwento ay o.a naman itong napasinghap habang nakahawak sa bibig niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya.

Grabe Franchesco! O.a ng reaction. Nakataas kilay kong komento.

Iihhh... wag ka ngang pakialam diyan Nanang! ito uso sa mga kdrama at teleserye na napapanood ko. Maarteng sagot nito sabay irap. So, may balak ka bang sabihin kay Sir Sebastian? Tanong nito sa akin.

Wala. Hindi na naman niya kailangan pang malaman. Matagal na ding tapos iyon at tsaka okay na naman si Zoe at si Philip. Sagot ko kay Barbie.

Ano yung hindi ko dapat malaman? Bigla akong natigilan matapos marinig ang boses sa may likod ko.

Agad ko itong nilingon at bumungad sa akin ang seryoso niyang expression habang nakatingin ng diretso sa akin.

Air fact—

Barbie, pwede mo ba kaming iwan muna sandali? Seryoso nitong tanong kay Barbie.

Kinakabahang napalingon naman sa akin si Barbie. Tipid naman akong ngumiti sa kanya at tumango.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon