Forty-five

16 1 0
                                    

[Bree]
Nandito ako ngayon sa reception area at hinahot seat ni Barbie.

So... ano na nga Nanang? Wala ka bang ikukwento sa amin? Nakapamewang na tanong nito sa akin.

Bakit? May nangyari ba? Nagtatakang tanong ni Sandra kay Barbie.

Psh! Naka 1 point yung manok mo. Hindi ka aware teh? Maarteng sagot ni Barbie kay Sandra sabay taas ng kilay dito.

OMG?!!! When? Bakit hindi ko nasagap iyon? Gulat na tanong nito. Hoy bakla! Mag eexplain ka pa! Nilalandi mo ba yung manok ko?! Bakit palagi kayong magkasama nitong nakaraan?! Taas kilay nitong tanong kay Barbie.

Napailing nalang ako sa dalawang ito.

Palagi nalang silang ganyan!

Siguro kung nagpakalalaki si Barbie baka si Sandra ang maging nobya niya.

Bigla naman akong kinilabutan dahil sa bigla kong naisip.

Ihhhh!

Mas maarte pa si Barbie kesa kay Sandra.

Psh! Bakla ka! Wag ako ang ihot seat mo kundi itong Nanang ko. Nakairap na sagot ni Barbie kay Sandra. So... ano nga Nanang? Kamusta date ninyo ni Fritz? Ulit na tanong ni Barbie kaya parehas na silang nakatingin sakin ngayon.

Okay naman. Sinamahan niya lang ako dun sa lugar na sinabi mo. Sarcastic na sagot ko kaya itong si Barbie ay awkward lang akong nginitian.

Hehe... sorry na Nanang. Alam mo naman na pag usapang bebe Fritz pokmaru ang yours truly. Sagot nito at nagpacute pa sa akin.

Inirapan ko naman siya.

Psh! Wa epek iyan sa akin.

Eehh! Nanang naman eh! Maktol nito sabay yakap sa akin para maglambing.

Muli naman akong napairap.

Psh! Oo na oo na! Pagsuko ko kaya napangiti na ito. Thank you na din kasi kung di mo sinabi hindi ko mapupuntahan iyon. Dagdag ko pang sabi.

So, happy ka sa naging date ninyo ma'am Shy? Nakangising tanong ni Sandra.

Oo, lagi naman akong masaya pag lumalabas kami ni Fritz. Masayang kasama si Fritz, maalaga at caring. Sagot ko.

Kaya mahinang tumili si Sandra sabay niyabangan ng tingin si Barbie.

Galing ng manok ko! Ano ka ngayon! Walang panama manok mo. Pagmamayabang na sabi ni Sandra kay Barbie.

Psh! Wait mo lang resbak ng manok ko. Asar na sagot ni Barbie kay Sandra.

Teka nga! Pag-awat ko sa dalawa. Kanina pa kayo nag-uusap ng tungkol sa manok-manok na iyan! Ano ba kasi iyan?! Curious na tanong ko. Teka! Wag ninyong sabihin na sumasali kayo sa sabong?! Hindi makapaniwalang sambit ko.

Wala iyon, Nanang. Iwas na sagot ni Barbie. Ay! balik na ako sa room service baka hinahanap na ako ni Roxanne. Mabilis na sabi ni Barbie at agad na umalis.

Oy! Teka Barbieeee!! Habol na tawag ko dito pero ang bakla hindi na ako nilingon hanggang sa tuluyan na itong nakalayo sa amin.

Psh! Mabilis ko naman nilingon si Sandra na agad naging abala sa trabaho.

Napabuntong-hininga nalang ako at napailing.





Maaga akong tatanda sa mga kaibigan ko.
————————————————
(Lunch break)
Dumaan muna ako ng locker para kunin sana yung baon ko dahil sabay kami ni Seb maglalunch ngayon.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now