Bonus Chapter

35 2 0
                                    

[Aya]
(A/N: Day of Seb's accident)
Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bahay, parang may something na nagpapakaba sa akin.

Huminga ako ng malalim bago magtungo sa kitchen para kumuha ng tubig.

Baka sakaling mapawi ang kakaibang aking nararamdaman.
———————————————————————
Nang makainom na ako ng tubig ay hindi parin mawala ang kabang nararamdaman ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Napitlag naman ako ng maramdaman ang maiinit na kamay na pumulupot sa bewang ko sabay ng pagpatong ng baba nito sa balikat ko.

Wifey, what are you doing here? Mahinang bulong nito sa tenga ko sabay amoy ng leeg at buhok ko.

Uminom lang ako ng tubig hubby. Kakadating mo lang ba? Tanong ko dito at hinarap ito.

Yes. Sagot nito at tinitigan ako. Tipid ko naman siya nginitian. May problema ba wifey? You don't look okay. Nag-aalala nitong tanong. Are you pregnant, wifey? Did I finally hit the jackpot? Inosente nitong tanong sakin kaya naman namula ako at agad hinampas ito.

Zander!! Saway ko dito. Nakakahiya kasi baka marinig kami.

What?!! I'm just wondering, wifey. Everyday natin ginagawa tapos ngayon lang umepekto. Mukhang kinakalawang na skills ko ah. Sagot nito kaya dumoble ang pamumula ko. I think I need practice mamaya. Dagdag pa nito sabay kindat sa akin kaya mabilis ko itong hinampas.

Sira ka talaga!! Hindi ako buntis, hubby. Asar na sagot ko dito. Hindi lang maganda yung pakiramdam ko para akong kinakabahan na ewan. Paliwanag ko. Hubby, can you call Jewish and Simon. Hindi talaga ako mapakali. Hinging paki-usap ko sa asawa ko.

Okay, wait. Agad naman kinuha nito ang kanyang cellphone at nag dial. Hello, nak, Oh! nothing, your mom just want to check on you. Ah! You're at school. Sabi ng asawa ko sabay tingin sa akin. Okay take care sweetie, we love you... okay bye! At binaba na nito ang tawag.

Nasa school daw siya, may klase pa daw siya. Paliwanag nito bago muling nag dial. Tawagan ko si Simon. Tumango naman ako at naghintay ng response ni Simon sa kabilang linya.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit parang hindi sumasagot si Simon. Nakatitig lang sa akin si Zander.

Muli na naman akong kinabahan kaya agad hinawakan ng asawa ko ang kamay ko.

Binaba na nito ang tawag at muling nag dial.

Ilang minuto ulit ang nakalipas at gaya kanina ay hindi ito sumasagot sa tawag.

Hubby... nag-aalala kong tawag dito. Why he's not answering? Kinakabahang tanong ko dito.

Shhh, baka busy lang siya wifey, you know our son. He's so focus on his work. Pagpapakalmang sabi ng asawa ko. Don't worry pag nakita niya yung missed call ko he will call us. Let's just wait, okay? Malambing na dagdag nito kaya tumango ako.

Inabutan naman ako ng asawa ko ng baso ng tubig para kumalma ako nang hindi sinasadyang mabitawan ko ito at nabasag.

Kinakabahan akong napatingin sa asawa ko. Mabilis naman lumapit sa akin ito para icheck ako.

Are you okay, wifey? Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Dumating din ang isa naming kasambahay dahil narinig siguro yung nabasag.

Ate Lyn, patulong naman para ligpitin. Pakiusap ni Zander dito. Agad naman siyang sinunod ni ate Lyn. Kumuha ito ng panglinis sa nabasag na baso.

Loving Sebastian KimWhere stories live. Discover now