Forty-seven

49 3 0
                                    

[Bree]
Pagkaout namin ni Fritz sa trabaho ay sabay kaming nagpunta ng bayan para maghanap ng pwedeng iregalo sa parents niya.

Nang makarating kami sa bayan ay agad ko siyang tinanong.

May idea ka ba tungkol sa mga hilig ng Mommy mo? Agad na tanong ko dito.

Hmm... aside from cooking wala na. Sagot nito kaya tumango-tango naman ako. I'm planning to give her some kitchen tools sana kaso baka meron na siya sa kitchen namin nun. Dagdag pa nito.

Sandali ako nag-isip ng pwedeng ipangregalo kay Tita ng may biglang sumagi sa isip kong magandang idea.

Alam ko na kung anong ireregalo kay Tita. Nakangiting sabi ko kay Fritz.

Ano? Tanong ni Fritz.

Basta, ako ng bahala. Panigurado kong sagot dito. How about yung daddy mo? Anong hilig niya? Tanong ko dito.

Si Dad?? Hmm... I know he loves reading books. Sagot ni Fritz at pilit nag-iisip pa.

Hmm... sige may alam akong tindahan ng magagandang libro dito. Sagot ko sa kanya. Tara na! Masayang aya ko dito bago siya hinatak papunta sa unang tindahan.
————————————————
Nang makarating kami sa palengke ay agad kaming pumasok sa isang eskinita.

Bumungad sa amin ang ibat-ibang tindahan. Nang marating ang pakay naming tindahan ay agad akong sinalubong ni Bea.

Ate Shy! Napadaan ka! Masayang bati nito sa akin. Nginitian ko naman ito at binati.

Bea, si Nanay Simang? Nandiyan na ba? Tanong ko ng hindi ko napansin ang matandang may-ari ng tindahan.

Wala pa, mamaya pa si Nanay Simang. Dadaan pa daw siya sa pagawaan. Sagot ni Bea. Ate Shy, sino iyang poging kasama mo? Tanong nito sabay ngusong-turo kay Fritz.

Si Fritz...ano...ahmm...natigilan naman ako sa pagpapakilala ko.

Ano ba ang dapat kong sabihin?

Nobyo mo? Tanong ni Bea.

Hindi pa, nanliligaw pa lang ako. Sagot ni Fritz bago ako ngitian.

Nakatitig lang ako kay Fritz nang muling magsalita si Bea kaya sa kanya na nabaling ang atensyon ko.

Owww! Sagot nito sabay tingin ng makahulugan sa akin. Bakit nga pala kayo napadaan ate Shy? Tanong nito.

Busy ba kayo? Tanong ko kay Bea.

Hindi masyado. Alam mo naman ngayon ate Shy, mas preferred na ng mga tao ang makabagong uso na gamit sa pangluto. Sagot ni Bea.

Ganun ba. Sige, tamang-tama magpapagawa kami ng isang set. Sagot ko. May sample ka diyan ng design para mapakita ko sa kasama ko? Tanong ko kay Bea.

Sandali, kukunin ko lang ate Shy. Paalam nito at pumasok sa loob.

Mukhang madalas ka dito? Kilala ka ng tindera at ng may-ari? Tanong nito kaya nginitian ko siya.

Oo, dito ako unang nagtrabaho nung college tayo. Naging close ko na si Nanay Simang kaya ayun pag may oras ako dumadalaw ako dito. Masayang kwento ko.

Ito na ate Shy! Singit ni Bea sa amin ni Fritz. Agad naman nitong pinakita ang mga design nila.

Fritz, pumili ka na ng design na sa tingin mo ay magugustuhan ni Tita. Sabi ko dito bago inabot sa kanya yung mga design. Bea may sample ba kayo diyan ng set? Pakita mo na din kay Fritz. Tanong ko kay Bea.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon