Forty-three

23 1 0
                                    

[Bree]
Nasa tapat na kami ng bahay namin, kakagaling lang namin sa may food park kung saan kami kumain ni Seb.

Salamat sa paghatid, Seb tsaka sa libre. Nakangiting pasalamat ko.

Umiling naman ito sa akin at ngumiti. Thank you Bree... I really enjoyed our date today. Sincere na sabi nito kaya ngumiti ako dito.

Huminga muna ako ng malalim para mawala yung awkwardness sa paligid. Uhmm... gusto mo bang pumasok muna sa loob? Tanong ko.

Hindi na, gabi na din baka nagpapahinga na sina Lolo Pops. Sagot nito kaya tumango ako.

Uhmm...sige...pasok na ako. Paalam ko dito. Ingat ka sa pagdadrive. Bilin ko dito. Good night. Paalam ko at nginitian siya.

Tatalikod na sana ako nang biglang hawakan nito ang kamay ko para pigilan ako.

Wait! Uhmm...okay lang ba Bree kung yayain ulit kita next week? Nahihiyang tanong nito. Promise! I'll make it perfect. Dagdag na sabi pa nito.

Nakatitig lang ako sa kanya. Kahit madilim na mahahalata mo pa din ang pamumula nito.

Ang cute niya...

Ayos lang. Sige next week. Sabihan mo lang ako kung anong araw. Nakangiting sagot ko kaya agad nagliwanag ang mukha niya at abot-tenga ang ngiti.

Talaga?!! Thank you Bree! Masayang sambit nito.

Bahagya naman akong natawa dahil sa naging reaksyon niya.

Sige na. Papasok na ako sa loob. Ingat ka. Good night Seb. Nakangiting paalam ko dito.

Good night Bree. Sagot nito kaya ngumiti ulit ako bago tuluyang pumasok ng bakod namin.
————————————————
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay masayang nagkwentuhan si Ate Luna at sina Lola.

Mano po, La, Lo. Agad akong nagmano kina Lola.

Kaawaan ka ng Diyos, apo. Sambit ni Lolo Pops.

Ano pong meron? Parang nagkakatuwaan kayo?? Curious na tanong ko.

Kasi apo, ang ate mo... makakapag abroad na! Matutupad na niya ang pangarap niyang makapagtrabaho sa ibang bansa. Masayang balita ni Lola.

Agad ko naman nilingon si ate Luna at niyakap ito.

Masaya ako para sayo, ate. Maluha-luha kong sambit. Pero paano nangyari iyon, Ate? Diba kulang ka nang pang visa at pang ticket dahil nagamit natin kay Aling Pasing dati? Nagtataka kong tanong kay Ate.

Hindi ko din alam, Shy. Sagot nito. Kanina kasi habang nasa trabaho ako ay tinawagan ako ng agency na naiprocess na daw ang visa ko at sa Lunes na ang appearance ko. Paliwanag nito. Wag ko na din daw problemahin ang plane ticket at yung guarantor ko dahil okay at bayad na daw. Dagdag pa nito. Nagtataka nga ako kung paano nangyari iyon dahil pinag-iipunan ko pa yun mga iyon ulit. Hindi naman sinabi sakin kung sino ang nagbayad ng plane ticket at visa ko. Kwento pa ni Ate Luna.

Natanong mo na ba si Kuya Timothy, ate? Baka siya ang nagbayad nun. Nanghuhulang sabi ko dito.

Hindi si Timothy... nakausap ko siya kanina, hindi daw siya iyon dahil alam niya na hindi ko tatanggapin ang tulong pinansyal na galing sa kanya. Sagot ni Ate.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon