~Ten~

105 3 117
                                    

[Brielle]
Nagmamadali akong mag-ayos dito sa locker room dahil late na ako. Nalate kasi nang dating yung kapalitan ko kaya hindi agad ako nakakaalis sa part time job ko.

Nagulat naman ako ng biglang sumara ang pinto ng locker ko... or let's say na may nagsara.

Hindi ka daw umuwi kagabi?? Saan ka nangggaling?? At bakit late ka ngayon?!! Alam mo bang hinahanap ka sakin ni Ma'am Aileen??! Nakapamewang at sunod-sunod nitong tanong sa akin.

Binatukan ko naman ito. Ouch!! Ano ba?!! Maarteng pagdaing nito sa akin.

Tigil-tigilan mo nga ako!! Kung ano-ano na namang kdrama ang pinapanood mo Franchesco!! Naiiling kong sermon sa pinsan kong si Franchesco.

Yuck!!! Nanang naman!! Nandidiri at inis na saway nito sa akin. Don't call me Franchesco! Nakikita mo ba ito ha?!! Ha?!! Sabay lapit sa akin at halos mahubadan na siya kakaangat ng name plate niya. 2 syllables lang iyan! Bar•bie!! Barbie... anong mahirap dun, Nanang?? Maarte at eksaherada niyang maktol sa akin.

Napapangiting-napapailing nalang ako sa kaartehan nitong pinsan ko.

So, bakit ka nga late? Taas kilay nitong tanong sa akin nang makabawi siya sa pag-iinarte niya. 

Galing ako sa part-time ko, eh yung kapalitan ko late dumating. Paliwang ko dito.

Ay nako! Napakasipag mo naman masyado Nanang. Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Aileen. Napakunot naman ang noo ko.

Bakit daw? Nagtataka kong tanong.

Ay! hindi ko knows Nanang. Busy kasi ako mag sight-seeing ng mga papabols dun sa may labas eh. Ngingiti-ngiti nitong sagot sa akin.

Sige, puntahan ko nalang siguro. Bumalik ka na sa work mo. Pumepetiks ka na naman. Asar ko dito.

Duh! Naghatid kaya ang beauty ko ng food sa room. Tinaasan pa ako ng kilay nito. Dumaan lang ako saglit dito para mag retouch. You know, need imaintain ang freshness. Maarteng dagdag nito sabay beautiful eyes sa akin.

Tsk! Ewan ko sayo Franchesco. Una na ako sayo. Iiling-iling kong sabi kay Franchesco bago lumabas na ng locker room ng matapos akong mag-ayos.

Sandali naman Nanang! At sumunod na din ito sa akin. Ay! Nanang may ichichika ako sayo! Excited na excited nitong sabi sa akin.

Ano na naman ba iyan? Kung ano-anong chismis na naman ang nasasagap mo. Tanong ko dito.

Hindi...iba ito Nanang!!! I think I'm getting married na!! Masayang anunsyo nito sa akin. Taas-kilay ko naman siyang nilingon. Anong mukha iyan Nanang? Hindi ka ba masaya para sa maganda mong pinsan? Ngiti-ngiting tanong niya sa akin.

Napairap nalang ako. Oh! Sino naman iyang malas na lalaking natripan mo? Walang gana kong tanong.

Tss! Kj!! Well... kung hindi ka late at umattend ka ng briefing eh di! nakilala mo sana! Hmp!... kunwaring nagtatampong sabi nito sa akin at nauna na maglakad.

Napailing nalang ako sa kalokohan ng pinsan ko. Sanay na ako sa kanya, palagi niyang sinasabi iyon pag may nakikita siyang gwapong lalaki.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko para pumunta sa office.

Pinagdasal ko na din ang sarili ko dahil kung totoo nga na hinahanap ako ni Ma'am Aileen for sure mapapagalitan ako dahil late ako.

Pagdating ko sa mismong office ay kumatok ako sabay bukas ng pinto.

Napatingin naman sa akin si Ma'am Ailene.

Oh! Shy late ka ata ngayon. Bungad na sabi nito sa akin.

Loving Sebastian KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon