9th Chapter - First Clue

360 8 2
                                    

-Erom's POV-

1 new message

From: Kiel paps

Paps wala munang practice ang varsity mamaya.

Tss. Walang practice. Meaning? May tutor session na naman mamaya.

Kung tutuusin dapat akong matuwa kasi makikita ko na ulit si Esja. Pero hindi eh. Parang pag nakikita ko siya mas lalo lang akong naiirita. Naaasar. Nasasaktan. Tss.

Two weeks ko na rin siyang tinuturuan. Two weeks na kong nagtitiis. Two weeks ng panis ang laway ko. Gustong gusto ko ng sabihin ang totoo.

Pero, hindi talaga pwede.

Rewinding..

"Erom. You need to find Restan."

"WHAT?!"

Parang tumigil ang mundo ko. At bakit pinapahanap ni Tito George ang g@gong yun?

"Hindi ka pwedeng magpakilalang boyfriend ni Esja. Masyado siyang mabibigla."

"Ako na pong bahala. Ipapaintindi ko po sa kanya ang nangyari."

"No Erom. You don't understand. Mahihirapan siya."

Mr.Culkin let out a deep sigh.

"I think you need to watch this."

May pinapanood si Tito George sakin na video. Kuha ito sa CCTV ng ospital. Anong meron?

Nasa kwarto si Esja. Then biglang dumating si Tito George. They are having a conversation. Hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila.

And the next thing happened. Nagwala si Esja. Tinanggal nito ang kanyang swero. Binato niya yung mga prutas sa basket na dala ni Tito George at tinumba yung desk sa tabi ng kama niya. Pinipigilan siya ni Tito George pero pinagpapalo lang siya ni Esja.

First time kong makitang magwala si Esh ng ganun. Ano bang nangyari?

Tapos ay may dumating na mga nurse at tinurukan si Esja ng pampakalma.

Itinigil na ni Mr.Culkin ang video.

"See what happened?"

"A-ano po bang pinagusapan niyo ni Esh? Bakit po siya nagwala?"

"After that incident, hindi kumain si Esja buong araw. She didn't want to talk to anyone, even me. Ang sabi ng doctor niya, naka-sama daw sa kanya ang nalaman niya. Hindi kinaya ni Esh kaya siya nag-break down." he paused for a second. "Dapat pala hindi ko siya binigla. Nalaman niya kasing three years ng patay ang mommy niya."

Hindi ako makapagsalita. At kahit gustuhin ko mang magsalita, hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat sabihin.

"Now you know." tinapik ni Tito George ang balikat ko. "Ikaw ng bahala, Erom."

fast forward.

Inayos ko na yung mga gamit ko. 5mins na ang nakakalipas after ng dismissal. Baka sabihin ng babaeng yun late na naman ako. (Pero late naman na talaga ko, hehe)

Pag-akyat ko sa rooftop, aba, himalang wala pa siya. Ano kayang nangyari dun?

-3rd Person's POV-

Yamot si Esja nung malaman niya na walang practice ang varsity.

"Di ba ba malapit na ang game niyo? Bakit hindi na lang kayo magpractice ng magpractice?!"

Ginulo-gulo ni Kiel ang buhok ni Esh. "Ang cute cute mo talaga pag naiinis! Yung nguso mo pwede ng sabitan ng kawali."

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon