Chapter 25

448 12 2
                                    

Friday na. Wala pa ring balita kay Esja. Nagsisimula na talaga akong mag-alala. Tinetext ko sya. Tinatawagan din paminsan-minsan. Pero wala talaga. NOT RESPONDING.

Uwian na namin pero inutusan ako ni Mam Josephine magbitbit ng mga notebooks para dalhin sa faculty room. Mukha ba kong alalay? :/

Palabas na ko ng faculty room nang makasalubong ko si Lira.

"Ui!" sabay pa kaming nagsalita.

"Long time no paramdam ah. Iniiwisan mo ata ko weh."

"Bat naman kita iiwasan? Anukaba, na-snatch kaya yung phone ko."

Kaya pala. "I see. Kaya pala pag tinatawagan at tinetext kita wala kang respond."

Niyaya ko si Lira pumunta sa may school ground. Umupo kami sa mga bench doon at nagkwentuhan lang ng nagkwentuhan.

"Sorry talaga Erom. Hindi ko naman alam na pumunta ka pala samin nung saturday night. Nasa Baguio kasi kamin nun eh."

"Ayos lang yun. Akala ko talaga iniiwasan mo ko eh. May gift pa naman ako sayo nung birthday mo." kinuha ko yung domo-kun na bag at binigay sakanya. Buti na lang pala dala ko to araw-araw.

"Ayy thank you! Ang cute hehe." kinuha nya yung bag at parang niyakap-yakap. "Sensya naman oh, di ko kasi kabisado number mo kaya di kita maitext eh. Ano ba kasing problema mo at naisip mong iniiwasan kita?"

"Wala naman. Eh kasi.. Baka nagalit ka nung nalaman mong..gf ko si Esja." eto na. Ioopen ko na ang topic na 'to. Sasabihin ko na ang totoo.

"Hala? Bat naman ako magagalit? Masaya nga ako para sa inyo eh." naka-ngiti nya sabi.

Awts. As in aray. Masaya ka para samin? Bakit?! Wala ka ba talagang kahit konting pagtingin sakin?

Bahala na. Basta sasabihin ko na ngayon ang totoo.

"May sasabihin akong importante. Hindi talaga kami ni Esh."

"Break na ba kayo? Hindi kita maintindihan Erom."

"Hindi. Basta. Pinilit nya lang ako maging boyfriend nya."

"Eh bat ka naman pumayag?"

"Alam nyang naglayas ako Lira. Pag hindi ako pumayag sasabihin nya sa mga ate ko kung nasan ako."

"WHAT?! Pano nya nalaman?!"

Waaah! Alam ko naguguluhan din kayo sa mga pangyayari.

Eto na.

Ang buong pangyayari nung Chapter 16

Rewinding..

"Erom, give me 3months as your gf. Promise pagkatapos nun break na tayo."

"Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan mo ng bf ng 3months?"

"Pumayag ka na lang Erom. Sigeee naaa pleeeaaassseee?" nag-puppy face na naman sya. Maniniwala na talaga akong baliw to. Kanina lang umiiyak sya eh!

"Pano kung ayoko?!"

"Well, i'd just tell your mom and sisters where you're staying now. Alam kong naglayas ka sa inyo at tinataguan mo sila ngayon."

%>¿*&! How did she?! DAMN!

"PANO MO NALAMAN?! Stalker ka ba ha?!" im really annoyed and irritated.

"I have my ways." tapos ngumiti lang sya. A devil smile.

Wala talaga akong idea kung pano nya nalaman ang tungkol sa akin. Tao ba talaga to? Sugo ata to ng demonyo eh.

"Bakit ako Esh? Bakit AKO?!"

"Yes or no lang ang gusto kong marinig. Hayys. Promise after ng 3months back to normal na. Di na kita guguluhin. Kunwari di tayo nagkakilala."

Gusto ko talagang malaman ang sagot sa tanong kong bakit. Bakit ako? Bakit 3months? Bakit kailangan nya ng bf? Bakit magiging back to normal na lang pagkatapos? Ayy teka, mali ata yung huli kong bakit.

Ano ba tong pinasok ko. Pag hindi ako pumayag baka magsumbong talaga sya kena ate. Pag naman pumayag ako,

anong sasabihin ko kay Lira? Tss.

"Masyado atang matagal ang 3months."

"Ok sige, ganito ang set-up. We will be a couple for a minimum of a month and a maximum of 3months. Gets?"

"Hinde. Explain further."

"So ayun nga. Mag-on tayo for a month. After 30 days, pwede na tayo magbreak."

"Oh yun naman pala eh. Ano pang 3mo--" hindi nya ko pinatapos magsalita.

"Wait let me finish first. 3months pa rin ang usapan. Yung sinasabi kong pwede na tayong magbreak after 30days, uhm...

hirap iexplain eh."

"Ah ewan ko sayo!" ang gulo nitong kausap. May pa-one month three months pa syang nalalaman. Aakto na kong tatayo nung bigla ulit syang magsalita."

"The words BREAK NA TAYO will be given a new meaning as MAHAL NA KITA..

..so don't dare to LOVE ME, EROM."

fast forward.

Kinuwento ko kay Lira lahat. Mula chapter 1 hanggang chapter 24. Nde jowk lang. Syempre sinummary ko lang.

At ang pag-uusap namin ni Lira ay humantong sa iisang tanong.

KANINO/PAANO NALAMAN NI ESJA ANG LAHAT?

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon