Chapter 30

422 13 4
                                    

Saving file...

Completed.

Hayy salamat natapos ko rin! Antok na ko -_-

Noong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang mga projects ko kay Big Boss. Ilang araw na rin akong walang matinong tulog. Minsan hindi na rin ako nakaka-attend ng practice ng basketball dahil hindi na talaga kaya ng katawan ko.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung insidente sa condo ni Kiel. Sa tuwing naaalala ko yun ay nagkaka-goosebumps pa rin talaga ko. Geez.

Ayos naman ang lahat. Friends na kami ni Esja. Friends lang ha. As in KAIBIGAN. Nagkukulitan, nag-aasaran. Ganun lang. Kinalimutan na namin yung dati. Kumbaga sa laro, NEW GAME. Sa computer, RESTART. At sa USB, REFORMAT. Pero syempre, hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang katanungang, bakit niya kaya ako ginawang boyfriend?

*yawn* antok na talaga ako. Humiga na ko sa kama. Pikit agad.

..Bright cold silver moon tonight alone in my room..

Amp. Sino naman kaya 'tong tumatawag? Lapastangan. Storbo sa tulog eh.

o_-

-_o

Ate Genma

Calling...

o_O

Bakit naman kaya tumatawag si ate ng ganitong oras? 6:30 pa lang oh. Asar.

"Hello?"

"Erom! Listen carefully. Pasensya na kung biglaan. Pero ginawan ko na ng paraan..."

"Hey ate. Chillax ka lang. Dahan-dahan pede?" ang bilis niya kasing magsalita. Tapos medyo tensyonado ang boses niya.

"Hayys. Sige para maipaliwanag ko sayo ng maayos pagbuksan mo na lang ako ng gate."

Napatakbo naman agad ako sa bintana. Tss. Nandito nga si ate. Ano bang meron?

Labas ng kwarto.

Pasok sa banyo.

Wisik wisik.

Baba ng hagdan.

Labas ng pinto.

Buksan ang gate.

Pinapasok ko si ate. Napansin kong worried na worried ang mukha niya. Aga aga pinapakaba ako.

"Ate maupo ka muna. Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka pala dito edi sana gumising ako ng maaga at nakapaghanda ng makakain."

"No need Erom. Mag-empake ka na. Lilipat ka na ng bahay."

ako --> -_- --> ?__?

si ate --> >.<

"Ate bakit?"

"Natunton ka na ng ate Marj at ate Rachealle mo. Any time of the day pwede na silang pumunta dito."

"Paano nila nalamang nandito ako?!"

"Nalaman nila sa dating caretaker nitong bahay. Lumuwas pala sila three months ago para makipagkita kay aling Mayta."

Kung hindi ako nagkakamali ay three months ago ko rin sila nakita sa mall. Nag-disguise pa ko nun para hindi nila makita. Kaya pala.

May inabot na kapirasong papel sakin si ate.

"Pumunta ka dyan sa address na nakasulat dyan. You'll be staying there for a while."

Binasa ko yung address na nasa papel. Uhm, hindi siya kalayuan dito sa bahay ni ate. In fact malapit lang siya sa school ko.

"Dito ako titira?"

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon