Chapter 7

556 15 8
                                    

[6:39am, kwarto ko pa rin]

*bzzzzzzzzzzzt*

..bright cold silver moon, tonight alone in my room..

Tama ba tong naririnig ko, may tumatawag sa phone ko? Anong oras na ba?

..i need a little more luck like a little bit..

Calling...

+6393584*****

"Hello?"

"Ui erom! Hehe."

"Huh? Sino ba to? Kanino mo nakuha number ko?! Alam mo bang inistorbo mo ang masarap kong tulog?!" pero parang nabobosesan ko na kung sino tong hinayupak na to.

"Eh kasi naman eh. Wala palang pasok gawa ng bagyo. Sayang effort ko."

"So?"

"Papasukin mo ko."

"Huh?"

"SABI KO, PAPASUKIN MO KO SA BAHAY MO. BASANG BASA NA KO SA ULAN! hayy ang bingi naman oh."

Pagkasabi nya nun, sumilip agad ako sa bintana. Sabi ko na nga ba yung psychotic na yun ang kausap ko.

Pero anak naman ng pitongpu't pitong putang tupa! Bakit sya nandito?! O_O

Binaba ko na yung phone at dali-daling lumabas ng bahay. Pinagbuksan ko sya ng gate.

"Uy salamat ah. Akala ko di mo ko papapasukin eh."

"BAKIT KA BA NANDITO? KANINO MO NAKUHA ANG NUMBER KO AT PANO MO NALAMAN KUNG SAN ANG BAHAY KO?!"

"Oy easy ka lang dre. I have my ways." sabay ngiti. nagpunas sya ng paa sa doormat at pumasok sa bahay ko na parang sya ang may-ari nito.

Umupo sya sa sofa. Kinuha ang remote at binuksan ang tv. Ang tikal talaga!

Pumasok naman ako ng banyo at kumuha ng towel.

"Oh magpatuyo ka." sabay hagis ko ng towel sa kanya. "Maghahanap lang ako ng pwede mong ipangpalit."

Ano ba tong ginagawa ko? Nahihibang na ba ko?! Nagpapasok ako ng hindi kakilala sa bahay. Ok sige, si Esja nga pala to. Pero for heaven's sake! Hindi ko parin sya kilala!

Naalala ko pa bigla yung text sakin ni ate genma.

"Wag kang mag uuwi ng babae ha. Lol."

Arrgh! Pero hindi naman ako nag uwi ng babae di ba? Sya ang nagpunta dito!

Ngunit kahit sobrang dami ng reklamo ko, pumunta pa rin ako dito sa kwarto ni ate para magkalkal ng mga damit. May saltik na rin ata ako.

Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko sya sa kusina na nag-iinit ng tubig. Nagprito din sya ng itlog at hotdog. Aba, nakialam na talaga ng mga gamit.

"Magbihis ka. May nahanap akong mga damit ng ate ko. Andun yung cr." iniabot ko sa kanya yung mga damit. Nginitian nya lang ako.

Habang nagbibihis sya, nagtimpla naman ako ng hot chocolate. Ginamit ko yung tubig na pinainit nya.

Nakahain na sa mesa nung lumabas sya. Di ko na talaga maintindihan kung anong ginagawa ko.

"Wow. Hehe, sakto di ako nag almusal kanina." umupo na sya at nagsimulang kumain.

Ang weirdo talaga ng babaeng to. Parang kabute, bigla susulpot tapos mawawala.

"Sabihin mo nga sakin, bakit ba ginugulo mo buhay ko?"

"Hindi naman ako nang gugulo ah? Nilutuan pa nga kita ng almusal oh." may laman pa yung bibig nya habang nagsasalita.

Hayy. Mukhang hindi ko talaga makakausap ng matino tong babaeng to.

Ano nga kaya talagang pakay nya sakin? Bakit AKO?!

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon