13th Chapter - DINNER FOR TWO or DINNER WITH TWO?

350 8 1
                                    

-3rd Person's POV-

Time check: 5:30pm.

Natataranta na si Esja. Kung kayo ang nasa position niya, anong gagawin mo?

a. DINNER WITH RESTAN. Si Restan ang boyfriend, kaya dapat siya ang piliin.

b. DINNER WITH EROM. Minsan lang magyaya si Erom, and besides my utang ka sa kanya.

c. DINNER WITH BOTH. Kung pwede lang sana di ba?

d. WAG NG MAKIPAG-DINNER. Leshe lang no? Marami namang pagkain sa bahay, bat kailangan pang dumayo.

e. NONE OF THE ABOVE dahil wala kang nagustuhan sa choices.

f. PAKAMATAY KA NA kung wala pati yung letter E ayaw mo.

Bumunot si Esja ng papel sa fishbowl. Letter C.

"Pano ko naman 'to gagawin?" she mumbled.

Naligo muna si Esh para di sayang ang oras. Habang nagsha-shampoo, naalala niya yung usapan ng mga babae kanina sa cr.

Rewinding..

"Ang ganda ng game noh?"

"Nga eh. Sayang hindi si Erom ang MVP."

"Mas marami naman kasing nagawang points si papsy Kiel."

"Sabagay. No doubt na magaling talaga si captain. Pero aminin niyo, outstanding rin ang pinakita ni papsy Erom."

..fast forward.

PAPSY EROM. She can't be wrong. The girls called his tutor PAPSY EROM. Does it mean popsicles din ito?

Okey Esh. This is not the right time to think about that.

Time check: 6pm.

Lumabas na siya ng cr at pumili ng isusuot. She choose a red dress then a black sandals partnering her black belt. Simple yet pleasant.

Inilugay niya naman ang buhok niya. A little blush-on on her cheeks, konting lipstick and VOILA. Mukha na siyang tao.

*knock knock*

"Come in." Esja said, still looking at the mirror.

"Baka mabasag yang salamin."

Hindi naman inexpect ni Esja na daddy niya pala yun.

"Dad! Ginulat mo naman ako. Ang bilis ata ng business trip mo?"

"Minadali ko na. Ayaw ko naman na mag-isa ka lang dito sa mansion."

"Si Dad talaga. Sa dami ba naman ng katulong dito imposibleng mawalan ako ng kasama."

"Syempre iba pa rin pag kadugo mo ang kasama mo. I missed you sweety."

Esja hugged her dad.

"Aaauh. Miss you too dad." she sighed.

"And I miss my mom."

"Yeah, I miss her too."

"Dad, uhm..Pwede bang dun muna ko tumira sa bahay ni mommy?"

Bumitaw sa yakap ang daddy ni Esh.

"Depressed ka pa rin ba sa pagkawala ng mommy mo?"

"Sort of. Pero okay na ko dad. Gusto ko lang talagang dun muna tumira. Para..makapag-isip isip ng mga bagay bagay."

"So, wala kang balak magsama ng kasambahay?"

"Yup yup yup." :)

Nag-isip muna si Mr.Culkin. Siguro nga dapat niya munang hayaan si Esja hanapin ang kanyang sarili.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon