Chapter 14

499 15 2
                                    

Ang init. Kanina pa kami lakad ng lakad. Walang destinasyon. Bahala na kung saan dalhin ng mga paa. Medyo nakakailang lang dahil naka-uniform nga pala kami.

Alas otso na. Medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw.

Napadpad kami sa sa Galaxy Timeline, isang sikat na computer shop.

"Wow huh. Di ko akalaing dito tayo sa GT mapapadpad."

"Ako rin eh." bakit nga kaya dito kami napunta?

"Tara Dota tayo."

"Bakit, marunong ka ba?"

"Yayayain ba kita kung hindi?!"

Oo nga naman. Kow. "Sige, pero isang game lang hah."

Pumasok kami sa loob ng GT. Dito pala tambayan ng mga estudyanteng nagcucutting. Iba-ibang estudyante makikita mo. May taga South High, LSEI, SWA Liceo, Agnus, LPNHS, at kung anu ano pang schools and colleges na malapit lang dito.

Nag-rent kami ng dalawang pc. Open hour para di na kailangan magpa-extend kung sakaling mapasarap sa paglalaro.

"Bawal gumamit ng cheat ha."

"Oh sure." ako pa. Imba ata to.

At nagsimula na nga ang laro.

Si Doom bringer ang hero ko. Si Huskar naman sa kanya.

FIRST BLOOD! pinkyblack pwned bishounnen12's head

Aba teka. May ibubuga din pala tong psycho na to. Hindi pala pwedeng petiks lang.

fast forward 24x

Di na namin namalayan ang oras. Alas dose na pala.

Naka-apat na game na kami.

2-2 ang standing. Mamaw rin pala to sa Dota.

Pang 5th game na yung ngayon. Kailangan kong manalo. Hindi ako pwedeng matalo ng isang babae.

Hanggang sa...

[kalsada; 12:09pm]

"Gutom na ko."

Ako rin gutom na. "San tayo kakaen?"

"Gusto ko dun!" tinuro nya yung Siomai King.

"Eh wala namang kanin dyan eh. Pang-meryenda lang yan."

"Iiiih. Gusto dyan eh bakit ba!"

"K pows." hayy tigas ng ulo.

Nung lumapit kami sa may stand ng Siomai King, may nabasa kaming poster.

THE GREAT SIOMAI CHALLENGE! Game mechanics:

-Grab a partner. No age limit required.

-The first pair who will finish to eat 100pcs of siomai before 30mins will be declared winner

Registration is until 12:15pm. The contest will start at exactly 12:30pm.

Registration fee- P50/pair

Winners will receive 2 Titanic 3D tickets.

2 tickets daw oh. Ayos to ah.

"Ui Erom, sali tayo dali. Gutom na ko eh. Para libre yung lunch naten."

"Ano ka ba, may bayad din kaya. 50pesos daw oh."

"Atleast sulit. Tig 25 tau. Siiigeee naaa pleeeaaassseee?!" :3

Aww, nag puppy face na naman sya. So cute. "Uhm papayag ako. Basta saken mapupunta yung prize pag nanalo tayo ha?"

"Sure! Wala naman akong pake dun eh. Yung libreng siomai lang talaga habol ko."

"Game."

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon