32nd Chapter - FOR YOU

338 7 5
                                    

A/N: hi guys! eto naaaa! haha.

chapters 32, 33 and 35 are dedicated to my new friends. kaway kaway!

-El's POV-

Time check, 2:41pm. Basa ang desk ko, palantandaan na medyo napahimbing ang tulog ko. Nagising ako dahil nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa.

Hindi lang ako, pero maraming nakakapansin sakin na lagi raw akong natutulog. Depressed ako nitong mga nakaraang araw at tanging pag tulog lang ang nakakagaan ng pakiramdam ko. Pano ba naman...

Rewinding...

"El, nagyoyosi ka?"

Ang boses na yun. Syet na malagket.

Napalingon ako sa likod.

"V-veca?"

"VECAA!" humahangos namang lumapit sakanya si Carmie.

"Mag-sstart na daw meeting ng SG."

At sa isang kurap ay pareho silang naglaho sa eksena.

"Tanga mo El! Bat sa lahat naman, kay Veca mo pa yun ipinarinig?!" panenermon sakin ni Kiel.

"Gunggong ka talaga!" sabay batok sakin ni Shin.

"Minus pogi points ka tuloy. Pano mo na siya nyan yayayain sa prom?"

Hinimas-himas ko yung bunbunang binatukan ni Shin.

Ang saklap nga naman ng buhay. </3

Fast forward.

Haaaaaays. Yun. Yun na yun. Bat ba ang saklap ng nangyayari sakin ngayon? Sabi nila pag maganda raw ang career mo malas ka sa lovelife. Eh hindi na nga ko swerte sa career eh, panay sermon inaabot ko dun sa head namin. Tapos pati sa lovelife malas din? =_=

Balik sa realidad. Napatingin ako sa harap. Nandun parin yung teacher namin sa Filipino. Sa totoo lang wala akong kainte-interes sa subject na 'to. Oo natutulog ako pag math dahil mabilis ko lang naman maintindihan yung mga lesson dun. Pero dito sa subject na 'to, tinutulugan ko 'to dahil wala talaga kong maintindihan. Tulad lang din nung mga nakaraang taon. Hindi ko na alam kung anong ng nangyari matapos mahuli ang ibong adarna. Ni hindi ko nga matandaan kung sinong 'Don' ang nakahuli dun e. Yung Florante't Laura naman naintindihan ko lang gawa nga nung nag-play kami at ako ang gumanap na Florante. Hindi ko rin maintindihan ang storya ng Noli at El Fili. Ang sigurado ko lang dun ay magkapatid si Crispin at Basilio.

Tutal naman ay nasa likod ako nakapwesto kaya madali lang para sakin ang gumamit ng cellphone ng hindi napapansin ng aming guro. Binasa ko yung text na dahilan kung bakit ako nagising. Nag-kulang daw sa waiter yung pinagtatrabuhan kong resto at kailangan kong pumasok.

Kulang-kulang bente minuto pa bago mag-dismiss. Kailangan ko ng makaalis dito.

Sinamantala ko ang pagkakataon habang nagsusulat ang teacher namin sa board.

"El san ka na naman pupunta?" tanong ni Esja nung mapansin niyang tumayo ako sa aking kinauupuan.

Si Esh. Nitong mga nakaraang araw ay tahimik lang siya at mukhang balisa. Hindi ko alam kung anong dahilan, kung hindi niya parin ba matanggap na naging sila ni Erom o kung nabigla ba siyang malaman na nagyoyosi pala ko (kahit hindi naman talaga). Marahil ay iniisip niyong OA ang naging reaksyon ni Esja about smoking issues pero kaya ko namang ipaliwanag kung bakit. Namatay kasi yung lolo niya dahil sa lung cancer kaya ayun, pinilit niya kaming popsicles na wala dapat manigarilyo samin. Pero nung mamatay ang mommy niya sa isang car accident three years ago, ayun napariwara na si Esh. Naging manhater, nalulong sa dota, at natutong manigarilyo. Ilan lang yan sa mga nawala niyang alaala na mas makakabuti siguro kung ibabaon nalang sa limot.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon