4th Chapter - Pizza Girl

413 8 3
                                    

SATURDAY! Yizz! Hello weekend, hello shopping :))

Excited naman si ako. Pano ba naman, wala man lang akong matinong damit sa bahay. Ok, scratch that. Marami akong damit, pero wala akong pang-GIRLY na damit. Nagtataka talaga ko sa sarili ko kung bakit hindi naging makatarungan yung closet ko. Maganda naman ang fashion sense ko. Imposibleng mapaghulihan ako sa uso! Pero paguwi ko from hospital yun na ang inabutan ko. Puro t-shirts at tokong AND sandamakmak na scarf! Eew talaga. Di ko maimagine na 3years kong sinusuot yung mga yun. Hella freaks me out.

Nandito ako ngayon sa may foodcourt, nagpapahinga. Sumakit ang paa ko. Almost four hours din akong nagshopping. Kalimitan sa pinamili ko mga blouse and jeans. Sampung paper bag din yung pinalagay ko sa driver dun sa kotse. Nag-addict ang babaita! Pagbigyan niyo na ko, ngayon lang 'to promise! Di naman ako shoppaholic tulad ng iba.

Kakain muna ko bago umuwi. Kapagod rin kaya. Tamang kain lang habang naglalaptop nung bigla kong makita si Creepy guy sa di kalayuan. Hmm.. Parang masarap ata mang-trip ngayon x))

Lalapitan ko na sana siya nang biglang may tumabi na girl sa kanya and nakipagbeso-beso. Holy molly! May gf na pala si kuya Creepy. Sayang naman. Ayt! Erase erase! Kung anu-ano na lang pumapasok sa utak ko. Gutom ka lang Esh.

They don't look sweet pero nagtatawan sila habang kumakain ng pizza. Hayys. Para tuloy nagsisi akong di ko sinama si Restan. He wants to go with me when i told him na gusto kong magshopping. Eh naisip ko, maiinip lang yun. Pff. Ayan tuloy nawala na ko sa mood. Makauwi na nga lang.

Nagpunta muna ako sa restroom bago lumabas ng mall. Konting retouch lang. Palabas na ko ng cr nung pumasok naman yung pizza girl na kasama kanina ni Creepy guy. Nung nakita niya ko, medyo gulat yung expression ng mukha niya. What now?

Nilagpasan ko lang siya. Another creepy girl here.

[monday; lunch]

Manic monday again. Ugh. Bitin sa weekend.

Hindi kami sabay-sabay kakain ngayon ng mga paps. Si Kiel, pinatawag ng mommy niya sa office. Si Shin, may ibang kasabay, lunch date siguro with Lira(kung si Lira nga ba talaga?) Then si El naman, wala for some unknown reason. Ewan ko ba dyan.

Walang tao sa pwesto namin. Yep. May sarili kaming table sa canteen. Kaming popsicles lang ang pwedeng kumain dun. Pag may gumamit na iba nun PASLANG! Hehe, de jowk lang ^_^v Pero totoo talagang amin lang yung table. Hindi naman namin pinagbabawalan umupo dun yung ibang estudyante pero napapansin naming walang ibang may gustong umupo dun. Ewan ko ba. Pfsh.

Ang emo ko naman kung ako lang mag isang kakain dito sa table. Aha! Sa rooftop na lang ako kakain.

Pagdating ko sa rooftop hindi ko inaasahang may makakasabay pala akong kumain.

Mag-isang kumakain si kuya Creepy. Bakit kaya siya nandito? Wala ba siyang ibang friends bukod kay Lira? Nilapitan ko siya.

Me: Bat hindi ka sa canteen kumakain?

Him: Ang aga mo ata. Mamaya pa ang session ah.

Me: Wala ka bang ibang friends?

Him: Dalhin mo nga pala mamaya yung chemistry book mo.

Me: Bat dito mo sa rooftop piniling kumain?

Him: Yung ballpen ko nga pala na sayo pa. Isoli mo mamaya yun ah. Patay ka sakin pag di mo yun dinala.

Okay. So nagkakaintindihan talaga kami!

Me: Know what? Pwede ka namang sumama sa tropa namin. Tutal mukhang kilala ka naman nila. Nandun ka nga sa party ko nun eh.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon