Chapter 8

530 18 5
                                    

[7:16am; sala]

hindi parin tumitila ang ulan. nandito lang kami ngayon sa sala. Sya ang nagbukas ng tv at naglipat sa disney channel. Nanonood lang kami ngayon ng Phineas and Ferb. Mukha naman syang natutuwa sa pinapanood nya. Hayy, parang bata.

Magsasalang sana ako ng dvd, kaya lang baka isipin nyang masyado syang welcome sa bahay ko, baka mamihasang pumunta dito.

Maya-maya bigla na lang..

Siya -> O_O

Ako -> O__O

BROWNOUT!

Paking shet tlga oh. Bakit ngayon pa?

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa para magpailaw. Nakakainis, di pa ko masyadong nagkakalkal sa bahay ni ate kaya di ko tuloy alam kung may rechargable lamp ba sya dito o kahit flashlight man lang. Kaya eto, nauwi ako sa pagsindi ng kandila.

Pagbalik ko ng sala, nandun pa rin sya sa mismong pwesto nya kanina. Malamang, makagalaw ka kaya sa sobrang dilim?

Nilagay ko yung kandila sa center table at umupo sa set.

Ssssssssshhhhhhhhhhhhhh...

Walang nagsasalita. Tanging pagbuhos lang ng ulan ang maririnig. Ayos ah, parang background music lang.

Malamig kahit walang aircon at electric fan. At habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang ulan.

"Erom?"

"Bakit?" marunong nga pala tong magsalita.

"Ikaw lang ba mag-isa nakatira dito?"

"Oo. Bakit?"

"Sure ka?"  ok. So medyo kinilabutan ako nung sinabi nya yun.

"Bat mo naman natanong?"

"Wala naman." pagkasabi nya nun, biglang kumulog ng malakas.

Ok. Ayoko ng ganitong mga eksena.

"Akala ko kasi may kasama ka dito eh." bigla namang umihip ng malakas ang hangin. Kitang kita ko ang paglipad ng mga kurtina sa bintana.

Nagka-goosebumps naman ako dun. Hayy grabehan na talaga to! Medyo natatakot na ko pero di ko pinapahalata sa kanya.

Ewan ko ba. Saksakan talaga tong babaeng to ng ka'weirduhan. Pati mga pangyayari sa paligid ko weirdo na rin.

Tumayo siya at lumapit sakin. Umupo sya sa tabi ko...

...at hinawakan ang aking kamay.

"Wag kang matakot. Nandito lang naman ako eh."

[friday; physics class]

Nakakatamad. Ayoko talaga ng physics.

Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi sakin ni Esja nung martes.

"Wag kang mag-alala, nandito lang naman ako eh."

Aba't talagang pinagmukha pa kong duwag. Nakow. Kayamot talaga yung psychotic na yun.

Hindi pa ulit nagpapakita sakin si Esja simula nung araw na yun. Mabuti naman.

"Ok that's it for today. Class dismiss."

Yown oh. Buti at nakaramdam na si sir na bagot na bagot na kami. Niligpit ko na yung mga gamit ko at dali-daling lumakad palabas. Cleaners ako ngayon eh, ayoko ngang maglinis.

Pagkalabas ko, may tatlong lalakeng humarang sakin. Inakbayan ako nung isa. Teka, sino ba tong mga to?

"Anong kailangan nyo sakin? Sino ba kayo?"

"MAY PAG-UUSAPAN LANG TAYO, LALAKE SA LALAKE!"

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon