19th Chapter - to SIOMAI love for you

336 9 3
                                    

-Esja's POV-

Humawak ako ng mahigpit sa bewang ni Erom. Shemay! Ang bilis kasing magpatakbo ng motor! Wala pa naman akong suot na helmet :s

Waaaah! I don't wanna die!

< ***: kaway kaway beth and za! xD>

Sa wakas at tumigil na rin ang motor. Nasa tapat kami ng isang..

"WOW! Siomai haus!"

*drooling*

"Oh, hindi pa nga tayo nakakapasok naglalaway ka na agad?" pang-aasar ni Erom.

"Eeeeh paborito ko 'to eh!"

"Alam ko. Kaya nga dito kita dinala eh. Ano maglalaway ka na lang ba dito sa labas? Papasok na ko sa loob."

"Ui teka lang Erom! Wait!"

Pagpasok namin sa loob ay amoy na amoy na agad ang specialty ng lugar. At eww lang, dahil para kong asong ulol na naglalaway dito. Sorry naman ah!

We found a vacant table and took a seat. Ayy grabe lang, medyo marami kasing tao. Masarap talaga siguro ang pagkain dito.

Pero, pano kaya nalaman ni Erom na mahilig ako sa siomai? May nabanggit na ba ko sa kanya?

"Order ka lang ng kahit ano. My treat." Erom said handing me the menu.

WOW LIBRE! Walang bawian yan ah!

I scanned the menu.

-Regular siomai

-Siomai w/ rice

-Siomai w/ fried rice

-Siomai pancit

-Siomai Mami

-Fried siomai

-Siomai soup

-Siomai asdfjkl!

Di ko talaga mapigilang maglaway! Siomai! Pwede bang orderin lahat?!

"Wag mo ngang dilaan ng dilaan yang labi mo.." sabi ni Erom habang nakatitig sakin.

"..nakaka-distract."

Dug.Dug..Dug.Dug.

My inner goddess fainted. GAWD! Hoy gumising ka! Anak ng isang libong dyosa naman oh!

"Ui Esh. Okay ka lang?" hinipo ni Erom ang yung noo ko. Para naman akong nakuryente nang idampi niya ang palad niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat."

Tinabig ko yung kamay niya at nag-iwas ng tingin.

"W-wala akong sakit noh!"

"Eh bakit ka namumula?" Erom asked, grinning.

SHT. SHT. SHT. Esja mag hunos dili ka!

"Di ba nga! Ano..uhm..ah..M-may allergy lang ako."

Mas lalo namang lumapad ang ngiti ni Erom.

"Allergy? Well ventilated kaya dito. Nasan ang alikabok?"

"HI SIR! Hi Mam! Ano pong order nila?"

Pwew! Saved by the bell. Thanks kay kuyang waiter!

Kinuha na nung waiter yung orders namin. Tinimpla ko naman yung sauce ng siomai habang naghihintay. Yum yum! Ang anghang nito panigurado! Tinititigan lang ni Erom yung ginagawa ko. Aba! Hindi niya lang alam, pero kaharap niya ngayon ang Sili Queen no!

Ilang minutes lang ay dumating na rin yung order namin ni Erom. Fried siomai yung inorder ko, take note, 20 pieces un ah. May extra rice pa yun. Tapos siomai soup naman yung kanya. O di ba? Mas mahal pa yung inabot ng order ko. ^____^

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon