Chapter 12

500 18 4
                                    

Bigla akong napamulat. Pawis na pawis ako. Panaginip lang pala.

5:08am pa lang. Pero babangon na rin ako. Bukod sa hindi na rin naman ako makakatulog dahil sa panaginip na yun eh kailangan kong pumasok ng maaga dahil sa detention.

[school ground; 6:27am]

Konti pa lang ang mga estudyante. Buti naman. Bibilisan ko na lang ang pagwawalis para di ako abutan ng pagdagsa ng mga papasok.

Hassle talaga to. Ang aga aga haggard na agad ako.

Nagpupulot ako ng dahon ng mapansin kong may babaeng tinutulungan akong magpulot.

"E-Esja?"

"Tulungan na kita. Tutal mga kaibigan ko rin naman ang may kasalanan kung bakit ka naparusahan eh."

Hindi na lang ako nagsalita. Si psycho marunong din palang maguilty?

Oo tropa nya sila. Pero wala naman syang kinalaman sa mga nangyari para maguilty sya di ba?

Lumipat na kami sa kabilang side ng school ground. Teka? Bakit malinis na dito?

Nakita ko si Kiel, may hawak na sako ng mga dahon. Lumapit sya samin.

"Ui paps. Sorry kung nagka-detention ka dahil samin. Hayaan mo tutulungan ka na lang namin maglinis."

"Oo nga, ensya na paps." biglang dating ni Shin, may hawak na walis tingting.

Hindi parin ako nagsasalita. Pero natutuwa ako sa mga nangyari. Marunong din naman pala silang maguilty.

Maya-maya lumapit na rin si El samin, pawis na pawis.

"Tangna pare, ang hirap palang maglipat ng mga bato."

"Anong ginawa mo sa mga bato?" tanong ni Esja.

Biglang nagreact si Shin.

"Ayy ang tanga mo pare, bakit mo nilipat yung mga bato?! Design yun! Atska hindi yun bato, pebbles yun bobo!"

"AKALA KO KALAT LANG EH!"

Haha! Laftrip din naman ako dun, pero sa utak ko lang yan syempre.

"Ang bobo neto eh, naturingan na magaling sa math, pebbles lang di pa alam." sabi ni Kiel.

"Yabang neto eh. Sige nga anong squareroot ng 169?"

"TaNa'mo ka El!"

Juskupo. Sa lagay na to nawa'y makatapos sana kami sa paglilinis.

[uwian; 3:03pm]

Nandito ako ngayon sa parking lot. Hinihintay ko si Lira, treat ko sya ngayon dahil nakuha ko na yung sweldo ko.

Nag-mall kami ni Lira. Konting laro sa Tom's World. Nagutom. At ngayon ay kasalukuyang kumakain sa Pizza Hut.

"Nga pala Erom, hinahanap ka na sakin ng mga ate mo. Nag aalala na sila lalo na si Tita Fatima."

"Hayaan mo sila."

"Bakit naman? Ayaw mo ba talagang mamahala sa hacienda Villareal?"

"Alam mo naman na hindi yan ang pangarap ko di ba? Bahala silang hunting-in ako. Pero hinding hindi ako magpapakita sa kanila."

"Kausapin mo kasi ng maayos para magkaintindihan kayo."

"Ayoko ng pagusapan yan Lira."

Hayys. Siguro kinukulit na nila ate at mama si Lira kung nasan ba talaga ko.

Naglibot lang ulit kami sandali tapos hinatid ko na si Lira sa kanila.

Wala pa akong isang buwan dito sa Manila pero nakokonsensya na ko. Hindi pwede to. Ayoko. Hindi ako uuwi samin.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon