15th Chapter - The Company

381 8 4
                                    

-El's POV-

Kamusta naman yun di ba? HANEP. Dala-dalawa pala ang ka-date nitong Esja na 'to. Ibang klase.

Pag-akyat ni Esja sa 2nd floor ay wala na siyang naabutan kundi ang kaisa-isang table na may candlelit. Kinontyaba ni Erom ang staff nitong restaurant. Kaya wala ng customer dito sa 2nd floor dahil hindi na kami nagpa-akyat pa tapos yung iba namang mga kumakain kanina ay tapos na rin magdinner. Sa tagal ba naman nina Esh at Restan di ba.

Automatic na napalakad si Esh palapit dun sa table. Nagtataka na siguro siya kung bakit walang tao.

And from nowhere, biglang lumabas si Erom.

"Akala ko hindi ka na dadating eh." -Erom.

Lumapit ito kay Esja at nag-abot ng isang black rose.

"Tangna pare. Para tayong nanonood ng si--ARAY! Bat ka nanghahampas?"

-waiter1

"Nakakakilig kaya tae."

-waiter2

"Anakngpeste naman o! Wag nga kayong maingay! Baka marinig tayo!"

-AKO!

TIG-ISANG KUTOS TALAGA SAKIN TONG DALAWANG TO PAG-OUT NAMIN.

Nagtatago nga pala kami dito malapit sa may table nina Erom. Aba, papalagpasin ko ba naman ang ganitong pagkakataon? Kung pwede ko lang sana 'tong ikwento sa mga paps -_-

Umupo na silang dalawa sa table. Ayan tuloy hindi ko na narinig kung may iba pa ba silang sinabi.

Nagserve na ng pagkain yung isa pa naming waiter.

Esja: Uh..Ang dami mo naman atang inorder Erom.

Erom: Okay lang yan. Alam kong nabitin ka kanina.

Esja: o.O

Erom: Alam kong nagdinner na kayo ni Restan kanina dito.

(awkward silence)

Esja: Thanks for this. And..Sorry.

Erom: Sorry for?

Esja: C'mon. Alam mo na kung ano yun. *nag-start ng kumain*

Erom: Sanay naman akong pinaghihintay. Sa buhay ko, wala naman akong ginawa kundi maghintay.

Esja: Sorry na nga eh >_<

Erom: Wag ka ng magsorry. Okay lang naman eh. Sabi ko nga, sanay ako maghintay.

Esja: Sabi mo eh.

Erom: Naalala ko tuloy bigla yung friend ko. Ang tagal ko kasing hinintay yun.

*uminom ng wine*

Esja: Then? Asan na siya?

Erom: Nandito sa manila. Actually, siya ang dahilan kung bakit pumunta ko dito. Unfortunately..

Esja: Unfortunately?

Erom: Nung nandito na ko sa Manila, I met a very weird girl. She kept on insisting me to be her boyfriend.

Esja: That girl is a bi.tch.

Erom: Haha. Siguro nga. Then as time goes by, inspite of her strange personality and weird attitude, i falled for her.

Esja: O, eh ano ng nangyari dun sa friend mo?

Erom: Wala. I realized na puppy love lang pala yung sa kanya. Kasi dun ko sa weird girl naramdaman yung tinatawag nilang LOVE.

Esja: Pano mo naman nasabing LOVE na nga yun?

Erom: Kasi hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. At kahit dehado na ko sa laban, maghihintay pa rin ako..

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon