Chapter 27

443 10 5
                                    

Chapter 27

Isang buwan na rin ang nakakalipas. Ayos naman ang naging takbo ng buhay ko. Pagpa-practice ng basketball ang inaatupag ko ngayon.

Si Esh? Ayun psycho pa rin. Minsan sweet yun pag may toyo. At kapag may toyo rin ako sinasakyan ko rin ang ka-sweetan nya. Ewan ko ba.

Pero minsan lang yan. Dahil MADALAS kaming mag-away. Daig pa namin si Mara't Clara pag nag-aaway. Pero syempre hindi kami nag-sasabunutan. Minsan nga lang sinasapak nya ko. Kung babae lang ako baka nasabunutan ko na yun.

Pinagtatalunan namin ang maliliit na bagay. Mga simpleng bagay na pinapalaki.

Minsan trip ko lang talaga syang inisin. Feeling ko naman ganun din sya saken. Ayan tuloy, araw-araw kaming world war 3.

"Ok class. Bilang paghahanda sa Buwan ng Wika ay magkakaroon kayo ng dula-dulaan."

Nagbulungan ang buong klase. Ako naman walang pakealam. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Section 4-H and 4-G para sa El filibusterismo, Section  4-F and 4-E sa Ibong Adarna, Section 4-D at 4-C sa Noli Me Tangere at..

Section 4-B and 4-C para sa Florante at Laura."

Lumakas ang mga bulungan sa paligid.

"Sana ako yung gumanap na Laura tapos si Kiel ang Florante!"

"No way! Kami dapat ni Shin ang bida. Err."

"Bahala kayo jan. Ok na sakin ang role ni Flerida, basta si El ang gaganap na Aladin!"

Ang aga-aga naglulumandi na agad ang mga babaeng 'to. Psh.

"At dahil dyan, pinatawag ko na ang 4-A. Gamitin nyo na ang time ko para mag-meeting." pahabol na sabi ni mam. Bigla namang nagsipasukan sa room ang mga alien at lumabas na si Mam Josephine.

"Oy paps!" sigaw ni Shin. Palapit sila ngayon sa kinauupuan ko.

"Ang dami rin palang magaganda sa section nyo."

Nakita ko namang kinilig ang mga kaklase kong babae. Lalalandi!

"Pao, tayo ka naman dyan paupo ako." emps. 4-A nga pala ang weirdong ito.

"Ayoko nga. Mangalay ka dyan." asa ka naman.

"Ang damot mo! Napaka-ungentleman!"

"Wapakels!" hayy. Eto na naman po tayo. Mag-aaway na naman kami. Eh sa ayokong tumayo eh?!

"Dali na oh. Sandali lang naman eh."

"E di ako naman ang nangalay?!"

"Sigeee naaa? Pleeeaaassseee?"

aww. Sinabi nya na naman ang magic word with matching puppy face. Tiisin mo Erom. Tiisin mo.

"BAKIT BA ANG KU--"

"Hey! You two guys having your LQ!" Sigaw ng class governor ng section namin.

"You're distructing our meeting. Baka gusto nyong kayo na lang ang gumanap na bida?!"

"NO WAY!" sabay naming react ni Esh.

"YES WAY!" sigaw naman ng tatlong bugok.

Namuo ang tensyon sa room. Maraming may AYAW. At dalawa na kami ni Esh dun. Marami kaming kakampi. Bwahaha!

"Guys wag nyong pilitin ang ayaw."

"Oo nga! Baka hindi maganda ang kalabasan ng play pag sila ang bida!"

See?

"O sya, hindi na sila. Magbobotohan na lang tayo." sabi naman ng class governor ng kabilang section.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon