Chapter 38

528 14 12
                                    

Its OFFICIAL. Opo. Kami na nga ni Esh.

Oops. Wag niyo kong sisihin kung bakit masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tinanong ko naman siya kung pwede ba kong manligaw. Sabi niya naman hindi na daw kailangan.

"Hindi ang panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon."

Ayan. Ayan mismo yung sinabi niya. Sabi niya pa hindi ko na daw siya kailangan ligawan dahil naging kami na rin naman daw dati.

Kaya kung nabibilisan kayo sa mga pangyayari wag kayo sakin magalit kundi dun sa writer! Aba, at subukan niyo lang magalit sa Mai ko tatamaan kayo sakin.

Hehe ^_^v

"Grabe ka paps. Nangibang bansa lang ako naging kayo ulit? Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Tsktsk." -El

"Kung magsalita ka parang hindi ka kabataan ah!"

As usual, maligalig na naman ang tropa. Dumating na kasi 'tong si El nung isang araw. Ang dami ngang pasalubong na chocolates. Sayang nga dahil 2nd place lang daw siya. Kung nag champion daw siya baka hindi lang chocolate ang pasalubong niya.

Bale nandito kami ngayon sa condo ni Kiel. Wala lang, tambay lang na may konting inuman. At oo, eto yung building kung saan nakulong kami ni Esja sa elevator. Remember?

Kaming apat lang ang nandito sa condo, wala si Esh. Ayaw sumama eh, natrauma na talaga nung last time na nagpunta kami dito. Haayy, miss ko na ang Mai ko :(

(pero isang oras pa lang kaming hindi nagkikita ng lagay na 'to :D)

"OY PAPS WAG NGA YAN!" nagulat ako nung biglang sumigaw si El habang inaagaw ang cellphone niya kay Shin.

"Haha. Kaw ah. May lihim ka talagang pagnanasa kay Veronica. Nice!" -Shin

"Magtigil ka nga dyan! Amin na yan!" -El

"Ahaha! O eto na. Masyado kang pikon, binibiro lang eh." sabi ni Shin sabay abot ng cellphone kay El.

Padabog na kinuha ni El ang cellphone.

"Ang hirap kasi sayo lahat ginagawa mong biro. Kaya walang nagtatagal sayong babae eh!"

"Pare ibang usapan na yan ah." - Shin

"Bakit?! Eh totoo naman di ba?! Walang nagtatagal na relasyon sayo dahil wala kang sineseryoso!" -El

*BOOGSH!*

Sinuntok ni Shin si El. Gaganti rin sana si El pero nahawakan ko agad ang braso niya.

"Paps wag ka ng gumanti."

"ANO HAH?! SUNTUKIN MO PA KO ANO DALI! NAPIPIKON KA DAHIL TOTOO LAHAT NG MGA SINABI KO!" -El

Hawak naman ni Kiel ang braso ni Shin para siguradong hindi na talagang hindi na ito makakasuntok ulit.

"EH TARANTAD* KA PALA EH! HINDI TOTOO ANG SINABI MO DAHIL NAGTAGAL KAMI NI LIRA AT SINERYOSO KO SIYA!"

Uh? O.P. ako sa usapan ah.

Kumalas si Shin mula sa pagkakahawak ng braso niya at kinuha ang kanyang bag.

"Wala ng patutunguhan ang usapan na 'to."

at walang lingon na lumabas siya ng condo.

---

Nandito na ko ngayon sa kwarto ko. Umuwi na rin kaming magtotropa nung umalis si Shin. Loko loko naman kasi yung mga yun eh. Tsktsk.

Alam ko naman noon pa na naging si Shin at Lira. Pero hebigat pa rin sakin ang pangyayari kanina. Para kasing napaka big deal sa tropa. At ngayon ko lang nalaman na nagtagal pala ang dalawang yun.

Love Me M O R E 1&2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon