Chapter 2: Puppy Love's First Kiss

12.2K 345 14
                                    

MYLES’ POV: 

         Alas-otso dumating ang mga classmates ko. Kasama si Billy, ang bading kong barkada, si Dallie ang bestfriend ko, si Janina at Renzielyn - ang magjowa na kung tawagin nami'y JAREN, at si Nico na umaaligid kay Dallie.
     Pag-labas ko ng salas ay may dala na akong mainit na pansit canton. Nahiya pa rin ako na walang ialok kahit papa'no.
     "Oh mga baklush! Kumain muna kayo! Baka mamaya matomjones kayo, kalampagin niyo kusina namin, kaya inunahan ko na kayo." sabay lapag sa center table ng apat na mangkok.
     "Best," ani Dallie. "The best bestfriend ka talaga."
     "Hala, tama na ang bola, matagal ng bilog ang ulo ko! Buksan niyo na mga laptop niyo." 

     Kanyang-kanya silang salampak sa sahig. Yung mag jowa ay kumuha ng isang corner sa sofa, at ako'y sa dining pumuwesto. Nasa kalagitnaan kami ng pagreresearch ng sandali akong tumigil. Sinulyapan ko sina JAREN. Ang sweet nila. Actually, favorite bi-couple ko sila sa school. Alam ko kasi ang pinagdaanan nila sa relasyon nila. Somehow, in a way, nakakainggit. 
     Sunod kong tinapunan ng tingin si Nico. Makailang sulyap siya ng paghanga kay Dallie. Mabait naman at makulit si Dallie. Isa siya sa mga totoong taong nakilala ko kaya hindi ako nag atubiling maging kaibigan siya. Huli kong sinilip si Billy.
       Si Billy na lahat sa school ay friend niya. Hindi siya maramot na tao. No big deal. Makailang beses din 'yang umiyak dahil sa love. Pakiramdam ko, lagi ko siyang gustong kasama. Sa loob-loob ko, alam kong malungkot ang buhay ng mga "gay". Sinasabi nila na wala raw sumeseryoso, pera lang ang habol tapos ay iiwan din. Walang tunay na pagmamahal. 
     Maya-maya'y pinuntahan ako ni Dallie. Nagrefill ng icedtea saka humila ng upuan sa tabi ko. She hold my hand at inalis din. 

     "Myrna, hindi ka okay. Ano'ng problema?"
     "Di ko alam nasa'n si Tammy."
     "Tammy talaga, ha! Walang Tita tita?"
     "Iniwan ang cellphone, di ko alam kung nasa'n."
     "You love her, you know her, so more or less ay alam mong uuwi din siya."
     "Di ko maiwasang di mag-alala." Medyo sumakit na rin ang mata ko sa kakatingin sa screen. Tinanggal ko ang salamin ko tsaka pumikit ng mariin. 
     "Myles..."
     "Hmmmm?"
     "Tapatin mo nga ako, curious lang."
     "Hmm... ano 'yon?"
     "Nabroken hearted ka na ba?"
     "Biglang segway ng tanong mo Kris Aquino, ha!"
     "Sagutin mo na lang, oo o hinde?"
     "Oo naman! Ano bang palagay niyo sa 'kin? Bato? Manhid? Tuod? Ganito lang ako pero hindi na 'yun pinag-uusapan pa."
     "So, where and who's the lucky guy?" I just shrugged my shoulder and replied "Ma....Ewan, paki ko, baka nag-asawa na." 
     "Kuwento ka minsan."
     "Huwag na, kinalimutan ko na 'yon."
     "Para namang hindi."
     "Bakit?"
     "Bitter ka pa rin kasi, feeling ko, di ka pa nakapag move-on."
     "Tapos na 'yon."

       Alas-diyes 'y media ng umuwi ng silang lahat. Dumaan ako ulit sa silid nI Tita Tammy. Kinuha ko ulit ang cellphone niya at nangahas akong basahin ang mga messages niya. Lahat kay certain Cha-Cha ang laman.
     * Te, maraming salamat sa tulong mo, ulit. Tatanawin  kong utang na loob.
     *Alas nuwebe ang lapag ng eroplano, hintayin kita ng mga 10:30.
     *Maraming salamat ulit. 

        Sino ba 'tong Cha-cha na 'to? At makikipagkita si Tita bukas? Bagong lovelife? Pero mukhang matagal na niya itong kakilala. Bumalik na ako sa kuwarto ko. Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap  ang unan ko. Tama nga ba ang sinabi ni Dallie? Hindi pa 'ko nakakapag move-on? 

        Ilang sandali pa ay naglakbay muli ang diwa ko sa nakalipas na anim na taon kung saan naranasan ko ang pait ng unang pag-ibig. Call it puppy love, basta alam ko, nagmahal ako. 

             ~~~~~~~~~~~~~~~~~

          It was summer. I was thirteen years old then ang feeling ko, dalagang-dalaga na ako no'n habang ang mga kaedaran ko sa compound namin ay naglalaro pa sa kalye. Isang gabing nanonood lang ako ng TV ng biglang may dumating na dalawang dalaga sa bahay. 

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Where stories live. Discover now