Chapter 48: Saranggola

9.2K 215 15
                                    

MYLES' POV:

Nag-uunahan ang lahat ng pulso ko sa katawan. Lagi na lang bang ganito? Sa mga lugar at oras na hindi ko inaasahang magpapakita siya? Sa mga panahong lagi akong napapanawan ng pag-asa?
Hindi na bumalik si Benchok. Narealize kong, ito ang sinasabi niyang sorpresa. Kung sino ang may pakana nito, pati bata sinasama pa nila. Sino kaya?
Niluwagan niya pang muli ang ngiti niya at tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Paglapit ko sa kanya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Tapos ay tinampal ko ng bahagya ang braso niya.
"You...all of you?! Are always making fun of me..."
"Baby, ganyan mo ba salubungin ang namiss mong girlfriend?"

Hawak niya pa rin ang sasanggola at inaya ako sa isang lilim ng puno. Kinuha niya ang dala-dala ko pa ring bouquet kapalit ng saranggola na hawak niya.
"Hawakan mo muna 'yan, may sasabihin ako sa 'yo," sabi ni CJ sabay sandal sa puno at bumuga ng hangin.
"Mimay, hindi ako sanay sa ganito pero gagawin ko, oh my!"

Kinuha niya ang isa kong kamay at pinisil. Iba ang dulot na init no'n na parang pati puso ko ay hinahaplos.
"Mimay...." malambing niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Naalala mo ba 'yung unang araw mo sa school at do'n mo nalamang teacher mo ako?"
I just nodded. "Yung confrontation natin sa CR, yung sobrang hirap ang kalooban natin pareho?" Tumango ulit ako.
"Mimay, tumatak sa akin ang mga sinabi mo sa akin noon. Na para akong isang saranggola na nakikita mo lang pero hindi mo maabot dahil mataas ang lipad ko... nakikita mo pero hindi nahahawakan, hindi nararamdaman?"
"Yun naman talaga mula noon diba? Lagi kang sumusulpot, nawawala. Ikaw ang nagdedesisyon kung kailan kita makikita at mararamdaman?"
"I am sorry about that."
"Ilang beses ka na bang umalis at bumalik? Hanggang ngayon ganyan pa rin. Lipad ka pa rin ng lipad," may himutok kong sagot.
"Myles, para man akong saranggola pero may nakalimutan ka. Tingnan mo ang hawak mo, hindi ba't may pisi 'yan? Lumipad man ako ng malayo at mataas, andyan pa rin ang pisi nyan, hawak mo para kontrolin mo, at hindi ako papayag ngayong kaharap kita na hindi mo higitin ang pisi na 'yon palapit sa 'yo."
"Pinag-iisip mo pa ako kung ano ang ibig mong sabihin."
"Myles, ang pag-iibigan natin, kung paano ito tumakbo ay parang saranggola. Sa simula, sa isang taong natututo pa lang magpalipad ay parang tayo, pareho tayong nanibago sa pag-usbong ng love sa puso natin. Kapag ang isang taong natututong magpalipad ng tama, hindi maiwasang lumiko pa rin ang saranggola, umiba ng direksiyon, at unti-unting bumaba o kaya ay sumabit na hindi inaasahan at babagsak ito. Parang tayo, habang natuto tayo habang nag-go-grow ang love ay sumingit ang mga di inaasahang problema, alalahanin at trahedya. Pero sa kabila ng pag-bagsak natuto tayo. Sa una, pangalawa, pangatlong pagpapalipad ay bumagsak pa rin ay pupulut-pulutin mo ulit yun hanggang maging matagumpay ka diba? Parang tayo, hayan, at hawak mo ang saranggolang bumagsak. Hinihigit mo ang pisi hanggang mapalapit sa 'yo, pero ang pinagkaiba? Ako ang pumulot, dahil nandito na ako Myles, tutulungan kita sa pagpapalipad nito, kasama mo na ako. Ako ang magsisilbing hangin para tumulak tayo paitaas."

Sobrang nag-uumapaw na ang saya na umahon mula sa puso ko. Tila natutunaw sa mga sinasabi ni CJ sa akin. Hinuli niyang muli ang mata ko at hinawakan ang kamay kong hawak ang saranggola. Kinuha niya iyon at binalik naman sa akin ang flower.

Ang saranggola na kulay peach na may design na puro heart ay may mga ribbons sa gilid na rainbow ang kulay. Ang saranggola na hugis diamond, ay may nakabilot na kung ano sa tuktok ng skeleton nito. Inalis ni CJ mula sa pagkaka-tape ang maliit na papel. Hindi mo ito mapapansin dahil ang kulay ay parang parte lang ng design at masyado itong maliit.

Tinanggal niya sa pagkakadikit iyon at binuksan ang papel ng madahan. Isang kumikinang na diamond ring ang gumulat sa paningin ko. "Myles, tulad ng hugis ng saranggolang ito, ang uri ng bato nitong singsing na ito."
Tinitigan niya ako sa mata at naninikip na ang dibdib ko sa halu-halong emosyong bumabalot sa buo kong pagkatao.
"Myles.....I want to spend the rest of my life with you. Hayaan mo sana akong magpalipad ng marami pang saranggola na kasama ka."
I deeply sighed at pinipilit kong huwag bumagsak ang mga luha ko. "Ms. Myrna Elisze Villavicencio..... will you marry me?"
Tumango ako ng paulit-ulit. "Seryoso ba 'to?"
"Mimay stop it ha, hindi ako nagpapatawa, 'kala mo madali ito, best effort 'to ha.."
Natawa ako. "Bakit ka ba kasi tumatawa?" ulit niya. Pinisil ko ang dulo ng ilong niya.
"Eh kinikilig ako eh, bakit ba? Sige na, suot mo na 'yung diamond ring mo..."
"Hindi ka pa nga sumasagot eh! Ano? Will you marry me?"
Napahagikgik ako. "Oo na!"
"Tsk, tumtawa ka pa rin eh."

:) Habang sinusuot niya ang singsing ay nagsalita ako. "Totoo pala, kung sino nakasalo ng boquet, siya susunod na ikakasal."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Pag-suot niya ng singsing ay inunat niya ang kamay ko. "How lovely..." sabi niya.
Niyakap ko siya matapos 'yon. Mahigpit. "I love you CJ...alam mo 'yan mula noon pa. Mahal na mahal kita."
Hinagod niya ang likod ko, "Sobrang mahal din kita Myles, ke handa ka o hindi, magpapakasal tayo. Hindi ko na kakayanin ang isang bukas ng hindi kita kasama."

Nagkalas kami ng yakap, at nang aktong hahalikan niya ako ay hinarang ko ang boquet sa gitna ng mga mukha namin. "Uhmp...nasa public tayo no," saway ko sa kanya.
Nagyakap kaming muli at dinampian ko na lang ng kiss ang pisngi niya. Habang palabas ng park ay pinag- entwine ko ang mga daliri namin. Isang kislap mula sa singsing ang nakita ko at lihim akong napangiti. Bumulong ako sa hangin, "Oh I so love this woman!"

Hindi na namin tinapos ang reception. Nagtext na lang ako kay Jim na nagkita na kami ni CJ at tutuloy muna ako sa hotel kung san nagcheck-in si CJ. Kotse ni Cj ang gamit namin dahil naki-angkas lang ako kina Dallie kanina. Tamad ako magdrive.

Habang nasa biyahe ay heto na naman ang malikot kong kamay na humahaplos-haplos sa hita niya. Panaka-nakang kinukuha ko ang atensiyon nya at bubulungan ko siya ng '"Iloveyou" sa ears niya.
"Mimay, please, nagda-drive ako, ano ba..."
Pagdating sa mga ganitong sitwasyon, proven ko ang kontrol ni CJ kaya kinukulit ko pa rin siya.
"Tsk, naughty mo," sabi niya ng pinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng blouse niya. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang hinihimas ko ang kamay niya na nakapatong sa kambiyo.
"Mimay... you missed me so much huh, ilang minutes na lang, magtimpi ka nga..."
Tinigilan ko na ang pagromansa :) sa kanya. Pagdating sa hotel niya ay nilagay niya sa cabinet ang mga maleta niya habang ako'y naupo sa malambot na kama.

"I'll take a shower first, ang dugyot ko na," sabi niya sabay amoy ng blouse niya.
"Hindi naman nakabawas sa ganda mo babe."
Pagpasok ni CJ sa banyo ay agad din akong nag-hubad at sinundan siya sa loob. Kumatok ako. I saw her eyes rolled when she noticed me naked. Ngumiti ako ng pilya. "Won't you let me in?"
Pagsara niya ng pinto ay agad ko siyang siniil ng halik. Maya-maya lang ay wala na akong narinig kundi ang pagsambit ng pangalan ng bawat isa at mga ungol namin sa pagsasanib muli ng aming puso, katawan at kaluluwa.

********

Kinabukasan ay hinanda ko ang sarili ko sa pakikiharap sa Lolo ko, kasama si Jim at Kat, with Cj too. Para akong nabunutan ng tinik ng tanggapin kami ni Lolo. Ang tanging hiling lang niya ay maging discreet kami ni CJ at tuparin ang pangakong apo na magtutuloy ng Villavicencio clan.

Nasa garden kami ni Cj dito sa mansion ni at magkatabi lang nag-uusap. "Your lolo loves you so much, and Jim too."
"Yes, and everything seems to fall into right places."

.Tumayo ako at niyakap ko siya mula sa likuran. "I love you so much CJ, kaya natin "to.."

January 12, 2015

A special day to us. Dinaos ang simpleng kasal namin ni CJ dito sa San Francisco. Masaya kami dahil lahat ng pili at espesyal na mahal namin sa buhay ay nawitness ang kasayahan naming dalawa.

Presently ay nakatira muna kami sa isang condo na binili ko rito. Si Jim muna ang bahala sa mga naiwan ko sa Pilipinas.
Valentines day ng umaga ay nagluto ako ng agahan. Mabigat daw ang pakiramdam niya. Ang ganda pa naman ng gising ko pero siya? Naku...
"Hon...wake up na. Happy Valentines day," masuyo kong bulong sa tainga niya. "Lika na para makapag-jogging pa tayo," lambing ko pa sa kanya.

Bumangon siyang nakasimangot. "Ano ba Babe?!! Ang aga-aga! Puwede ba? Ayaw muna kitang makita? Get out!"

****************************

Shan

Thank you for reading

........

Abangan na po ang last chapter ng MKI.

THANK YOU everyone..;)

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon