Chapter 3: Hopeless Dream

10.9K 273 8
                                    

MYLE'S POV:

       Nang nag-flashback sa isip ko ang nangyari six years ago at di ko maiwasang hindi maiyak. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at sinubsob ko ang ulo ko sa unan. Hanggang ngayo'y pala, hindi ko akalaing may epekto pa rin ang memories namin ni Czarisse, na pilit kong kinakalimutan. Hindi pala ganun kadali, ang malimutan ang puppy love mo, maybe my first love? And my first kiss. Tumatak na sa isip at puso ko 'yon.

       Pag-alis ng kambal ay hindi na nakipag-communicate pa sina CJ. Pasalamat ako para mas madali ang paglimot. Pero sobra akong nasaktan. Nasaktan ang mura kong puso at hindi na nananalig pa sa salitang PAG-IBIG.

       Bakit nga ba oo, dahil hindi lang minsan ang sakit sa pagmamahal. LAGI yun, LAGING MASAKIT! Kaya sana, huwag nang bumalik sina CJ, sana hindi ko na siya makita dahil hindi ko alam kung paano magrereact ang puso ko. Pero hindi iyon ang sinisigaw ng puso ko, nagrereklamo ito at pilit nilababanan ang isip ko. Dahil sa totoo lang, sabik na akong makita siya.

        Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako dahil kumukulo ang tiyan ko. Wala pa pala akong matinong kain nitong buong araw. Paglabas ko ng kuwarto ay dumaan sa room ni Tita Tammy. To my surprise, umuwi ang loka! Nabasa niya kaya ang mga texts ni Chacha? Nagworry naman akong baka hindi at naghihilik na siya. I decided to get inside and wake her up. Nakadapa siya at inuga ko ng marahan ang balikat niya,

      "Ta...ta...gising muna, huy!"
      "Uummmm..." ungol niya. "Bakit?"
      "Anong oras mo susunduin sa airport s-si Ate Cha-cha?"
     "Basta maaga, matulog na tayo, pagod ako."

       Hindi na ko pumalag pa. Saan siya napagod, blah, blah, blah. Basta mahalaga, alam niyang dadating at susundo siya... o kami?

      Kinabukasan, sa puyat ko sa group study kagabi ay di ko na namalayan na nakaalis na pala si Tita at sinundo na sina Cha-Cha. Bababa na sana ako ng hagdan ng maulinigan ko ang mga boses sa ibaba ng salas. Higit sa dalawa. Kinabahan akong bigla.

      Pumanhik ako agad sa taas. Naalala kong busangot pa ang aking buhok at di pa nagmumumog. Kung kasama si CJ ay ayokong makita niya akong pangit! Pagpasok ng kuwarto ay dagli akong nagpalit ng shorts at sexy na t-shirt. Pinusod ko ang buhok ko pataas at nagpulbos. Naglagay din ng konting pink ng lipstick. I need to appear as pleasant as I can be.

       Teka, ano bang nangyayari? Akala ko ba ay gusto ko na siyang kalimutan pero bakit aligaga akong magpaganda para sa kanya? Huh!

      Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. I saw Tita Tammy talking to Cha-cha. Kahit six years ang lumipas ay hindi naman gano'ng nabago ang appearance ni Ate Cha. Hindi ko kilala ang dalawa pang kasama niya.

      Pagkakita sa 'kin ni Tita ay agad siyang tumayo at inakbyan ako. "Oh, Cha, remember my baby, Myles?"

      Tumayo rin si ChaCha at niyakap ako. "Grabe! Ang laki mo na, at mas gumanda pa lalo! Pihado akong ma nobyo ka na, hija?" Pilit akong ngumiti.
      Sumabat si Tita, "Naku Cha, bawal! Umbag gusto niya? Mag-aral muna siya no."
      "Ah....akala ko'y bawal at girlfriend din ang gusto mo para sa kanya?"
     "Timang!"

      Bumaling naman si Tita sa dalawa pang kasama ni ChaCha.   "Ah, Edna, Rachelle, si Myles pamangkin ko. Myles, mga kaibigan nina Chacha. Magche-check-in sila ngayon sa isang hotel sa Roxas Blvd. Lipad silang Korea sa isang araw."
     "Eh, bakit hindi na lang dito,Ta?' (Bakit wala si CJ, gusto ko sanang itanong.)
     "May malapit din silang kamag-anak na makakasama pa kasi doon sa hotel, di lang sila."
     "Ah....s-si CJ pala nasa'n?" di ko rin napigilang itanong. Si Tita Tam ang sumagot.
     "Ay, mamaya pang gabi ang dating. Ibang flight daw ang napareserve. Dito rin muna siya tutuloy mamaya, ako rin ang susundo. Eh, deretso kami bonding kaya baka mamaya pag-uwi mo galing school, wala ako."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon